Nasa huli ang pagsisisi

Magsimula sa umpisa
                                    

"Omg! Omg! Seriously? Ikaw ang may dahilan kung bakit wala na sya sayo! Tapos Ngayon mag iinarte ka saakin!?" Nakapamewang na aniya.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Mahal n'ya parin kaya ako? Ako parin ba hanggang ngayon? Pwede pa? May pagasa pa ba?

"Kiah?" Napatingin ako sa pinto ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

Nasa loob kami ng kwarto ni Kelly, inaayusan kase s'ya para sa kasal nya ngayon.

"Yes?" Tanong ko sa babaeng nasa pintuan. Hindi ko sya kilala.

"May naghahanap po sainyo." Aniya. Tinanguan ko na lamang sya bilang sagot.

Nagpaalam muna ako kay Kelly saka lumabas ng kwarto.

Nakita ko yung babae kanina na nasa labas parin ng kwarto.

"Sino daw?" Tanong ko.

"Sya po." Turo nya sa lalaking naglalakad papalapit sa gawi namin.

It's been 3 months.. Ryan.

"Hello beautiful." Bati nya saakin. Tinanguan nya ang babaeng tumawag saakin kanina kaya umalis na ito.

"Hi." Awkward.

Nginitian nya ako. Dahilan para halos hindi na makita ang kanyang mga mata.

Pilit akong ngumiti sakanya.

"Bakit mo ako pinatawag?" Takang tanong ko sakanya.

"Here." Abot nya saakin ng isang bouquet.

Agad nagtaasan ang dugo ko sa mukha ng bigyan nya ako ng napakatamis na ngiti.

"Do.. Do you still--" hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin ng bigla syang magsalita.

"Yes. I still love you Kiah." Seryosong aniya.

Hindi mapakali ang buong sistema ko dahil sa sinabi nya. Nanlalaki ang aking mga mat, hindi makapaniwala sa sinabi nya.

"But, It's been 3 months." Nagugulang tanong ko.

"I know. It's been 3 months, araw araw sinisisi ko ang sarili ko kung bakit mo ako iniwan. Bawat araw pakiramdam ko isang taon akong nakakulong sa kwarto. Bawat araw ikaw lang ang iniisip ko, ikaw lang ang nasa isip ko. Ganon kita ka mahal Kiah. Mahal na mahal kita kaya hindi ka mawala sa isip ko. Sa bawat paggising, pagbangon, paghiga, pagkain, pagpikit at pagmulat ng aking mga mata, ikaw lang. Palaging ikaw sa loob ng tatlong buwan Kiah. Hanggang ngayon mahal parin kita." Natulala ako dahil sa haba ng sinabi nya. Mahal nya parin ako?

Gustuhin ko mang yakapin sya dahil sa tuwa ay hindi ko magawa! Nanatili akong nakatitig sakanya. Para akong naestatuwa sa kinatatayuan ko!

Parang nanuyo ang lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Naibuka ko ng bahagya ang aking bibig dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Sobrang saya ko. Ang saya saya ko dahil pareho kami ng nararamdaman! Ang saya ko dahil may pagasa pa na bumalik kami sa dati.

"Ryan.--" wala pa man ay pinigil nya na ang sasabihin ko.

"Mahal kita noon hanggang ngayon, pero hindi na tulad ng dati. Hindi na ako Yung tipong sysuyuin ka kapag nagagalit ka, hindi na ako yung gaya ng dati na hahabol habulin ka. Hindi na ako gaya ng dati na sasambahin ka. Dahil ang pagmamahal na meron ako ngayon para sayo ay ang pagmamahal na kaya ka nang bigyan ng kalayaan. Dahil tanggap ko na. Lahat lahat ng masasakit na sinabi mo sakin dati ay tanggap ko na ngayon. Kahit sabihin mo pa iyon ng paulit ulit ay hindi na ako gaya ng dati na iiyak at magmamakhaawa saiyo. Tinanggap ko na yung katotohanang hindi na tayo pwede. Na hanggang doon nalang talaga tayo. Na siguro pinagtagpo lang tayo pero hindi tayo itinadhana para sa isa't isa. Natuto na ako. Pinilit ko ang sarili kong tigilan na ang lahat ng katangahang sinasabi mo. Pero salamat sayo dahil ngayon alam ko na sa sarili ko na hindi dapat ako maghabol sa mga taong hindi saakin gusto. Salamat sa pagbitaw mo dahil nakahanap ako ng babaeng mas magmamahal saakin ng totoo. Nakakapagod pala ano? Nakakapagod maghabol. Nakakapagod umasa. Nakakapagod lokohin ang sarili mo na mahal ka rin ng taong mahal mo. Gusto pa sana kitang habulin nung araw na talagang gustong gusto kitang makita, mahawakan at mayakap pero pagod na ako eh. Pagod na akong habulin ka. Pagod na akong ipaglaban ka. Dahil sa relasyob nating dalawa, ako lang naman talaga yung lumalaban eh. Kaya nga bumitaw ka dahil hindi mo kayang lumaban kasama ako. Pero salamat parin dahil ngayon natuto na ako. Salamat sa apat na taong pagmamahal na ipinaramdam mo saakin. Sa apat na taong pagsasama at alaala." Pagkatapos nyang sabihin yon ay tumalikod na sya at Naglakad papalayo.

Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng aking mga luha.

Napaupo ako sa sahig at nasapo ang mukha.

Ang tanga mo talaga Kiah.

Ang tanga tanga mo!

Umiyak ako ng umiyak dahil sa sobrang sakit na dulot ng mga sinabi nya saakin. Sobrang sakit. Ngayon alam ko na kung gaano kasakit ang naramdaman nya ng araw na pagtabuyan ko sya.

I'm sorry Ryan..

Please.. come back to me..

END.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon