Chapter 1 - Game Buddies

2.7K 38 14
                                    

Late sa game si Fate1234. Gamit ang chat box ay binati ni Rein ang 'best friend'.

     Hoy, huli ka na. Panalo na kami.

     Mabilis ang natanggap na reply ni Rein. Paano nangyari yun e kararating ko lang?

     "Yabang!" Nangingiting nausal ni Rein. I-tinayp niya ang message sa chat box. As always isang smiley face na naka-belat ang isinagot sa kanya ni Fate1234.

     Gamit pa rin ang chat box ay nag-group message si Rein sa ibang kakampi - kina Locust Emperor at Mrs. Death.

     "Time out muna ako kasi nariyan na si El Presidente," malakas na napahagikhik si Rein sa LCD monitor ng desktop computer.

     Pareparehong smiley face na nakasimagot ang mga natanggap na feedback ni Rein sa chat box.

     Hindi naman pinatay ni Rein ang PC. Ang totoo'y nagutom na siya. Araw iyon ng Linggo. Day off. As usual, maghapon siya sa harap ng computer. Nag-a-adik sa pag-lo-LONE.

     Ang LONE o League of New Earth ay isang online game na five years na nilang nilalaro ng kuya Luigi niya.

     "Rein Marie Aviles, OMG! Ngayon ka pa lang kumakain?"

     Mommy ni Rein ang pumasok sa silid niya. Napangiti si Rein sa OMG ng ina. At least, kahit motherly pa rin ang ina sa paninita sa kanya, updated ito lenguahe ng bagong henerasyon.

     "NP mother," biro ni Rein. "Masarap pa rin ang sabaw ng nilaga mo kahit malamig na."

     "NP... NP... No problem ka dyan." Magiliw man ang tinig ni Mrs. Aviles ay nag-aalala ang  tingin nito sa bukas na monitor. "Hindi ka pa ba nagsasawa dyan anak? Naawat na ang kuya Luigi mo sa pag-ge-games e ikaw naman. Don't you think you are too old for this?"

     Lumabi si Rein. "Mommy naman, mga adult kaya ang naglalaro ng LONE. At mas gugustuhin mo ba na magpa-party na lang ako sa kung saan-saan kesa ang mag-stay dito sa bahay?"

     "Yes, para makakuha ka na ng boyfriend." Lumabas na ng kwarto si Mrs. Aviles.

     Rein rolled her eyes. She suddenly lost her appetite. Bata pa naman siya. She is only 23 - boyfriend kaagad? Hindi niya maintindihan ang ina na nag-wo-worry na ito kaagad para sa kanya. Sa totoo lang wala pang naging kasintahan si Rein in the past. Kung noon ay dahil busy ang dalaga sa pag-aaral at pag-ge-games. Ngayon nama'y busy si Rein sa career at pag-ge-games.

     Boyfriend? Napalitan ng ngiti ang pagkadismaya ni Rein sa ina. Muli na niyang ibinaling ang atensyon sa monitor. Kasalukuyang nakikipagbakbakan ang mga kakampi sa ibang grupo. Nangangarap na tinunghayan niya ang maganda at seksing character ni Fate1234.

     "Don't worry Mommy, baka pwede."

     Ang tagal mong nawala Aparri! I-ni-enter ni Theodore ang mensahe sa chat box.

     Pakialam mo, e nagutom na nga! El Presidente ka dyan! Isali nyo na ako sa kasunod na game. Piliin nyo yung level 10 kaagad!

     Napatawa si Theodore sa itinawag sa kanya ni Apocalypse. Bagama't malayang nakakapagbiruan na tila kilalang-kilala  ang isa't isa ay may identity pa rin silang iniingatan. Apat silang magkagrupo sa online game na LONE. Sa tunay na mundo ay hindi niya kilala si Apocalypse a.k.a Aparri. Ang mga pinsan lamang niyang sina Mateo at Lester na kapwa mga nasa Amerika ang kilala niya.

     Tatlong taon na silang naglalaro ng LONE nang maging kakampi nila si Aparri. Level 9 player na ito. Inakala nilang lalaki si Aparri dahil sa character nito bilang isang black night. Ginagamit lang pala ni Aparri ang account ng kuya nito na napataas ang level dahil sa limang taong pag-ge-games.

     Magmula nang maging militar ang kuya ni Aparri ay ipinamana na nito ang character na si Apocalypse.

     Seksi. Nasaan ka na? Si Mateo a.k.a Mrs. Death ang nag-message sa chatbox.

     Hinihintay ni Theodore ang mga sasabihin pa ni Aparri. Nakalimutan niyang naglalaro siya at natatalo na sila ng mga kalaban.

     Sinubukan ni Theodore na bumalik sa game, nag-device ng combo attack subalit huli na. Lumabas na ang mga namumulang salitang 'you have been defeated' sa screen ng monitor. Natalo na sila.

     Ha Ha Ha! Nang-a-alaska ang nabasa niyang message ni Aparri sa chatbox.

     Akala ko ba magaling ka? What happened to the beautiful Fate1234?

     Sa laro, isang magandang fairy ang avatar ni Theodore. Parehong babae ang character na pinili nila ni Mateo na isa namang lady warrior. Isa namang ogre ang avatar ni Lester.

     Minsan ay tinanong siya ni Aparri kung bakit babae ang pinili niyang avatar. Sinabi niyang dahil gusto niya ang healing powers ng fairy. Subali't ang totoo'y pinili niya ang avatar ng fairy dahil kamukha nito ang girlfriend niya noong si Fate. Noong kasalukuyang steady pa sila.

     El presidente? Na-di-distract ka na yata.

     Nan-di-distract ka kasi. Halika ka na, sali na. We need you .... Oh, great Apocalypse. Ini-enter ni Theodore ang mensahe bilang tugon kay Aparri.

     OA ka! he he...

 

     Past 12 midnight nang mahiga si Rein. Sa walong games nila, tatlo ang naging panalo nila. OK na rin. Sadyang kinahumalingan na niya ang mag LONE pag may time. Mas naging excited din si Rein dahil nakalaro niya si Fate1234. Tumitindi na talaga ang crush niya rito.

     Paano naman kung pangit palang lalaki si Fate1234? O sobrang tanda na? O, worse, may asawa na?!

     Napabuntonghininga si Rein. Syempre hindi niya gusto na malagay sa alanganin.

     Nang makilala niya ang grupo ni Fate1234, hindi niya tinangkang alamin ang pangalan ng mga ito. Nagkasya na siya sa mga usernames ng mga kalaro. Bakit pa? Katulad niya, hindi rin naman nila ibibigay ang mga tunay nilang pangalan. Sa internet, maraming mga posers, scammers at mga manloloko.

     Sa profile page nila sa League of New Earth, nakalahad ang lokasyon nila. Alam ni Rein na nasa U.S. sina Mrs. Death at Locust Emperor habang nasa Pilipinas naman si Fate1234.

     Isang beses ay tinanong siya ni Fate1234 kung taga-saan siya. Nag-panic si Rein, hindi niya alam kung OK lang na magsabi siya ng totoo o hindi. Sa huli, pabirong itinaype niya sa chat box na taga-Aparri siya. Nagkataon noong tumutugtog ang jingle ng Eat Bulaga.

     Nakabelat na smiley ang isinagot sa kanya ni Fate1234. At kasunod ay ang nagbibirong mensahe nito.

     ...at ako naman ang presidente ng Pilipinas.

     Doon na nagsimula ang tawagan nilang Aparri at El Presidente.

     Martes na uli ng gabi makikita ni Rein ang mga kalaro. May trabaho na siya kinabukasan at maiisaglit lamang ni Rein ang pag-o-online ng dalawang oras. Bukod sa pagagalitan na siya ng mommy niya, magiging busy na rin siya sa mga susunod na araw. Tiyak na may mga bago na naman siyang proyektong gagawin.

     Junior game designer si Rein ng Capco Publisher, isang malaking computer at video game company na ang mother company ay nasa London.

In Love with my Enemy (Published by Bookware)Where stories live. Discover now