CHAPTER 1

17 0 0
                                        


Hingal na hingal na ako kakatakbo. Late nanaman ako. Sabi pa naman ng iba na mesyo strikto pa naman yung professor sa school na papasukan ko, hindi ko na alam gagawin ko. Malapit na ako sa school pero mukhang hindi na ako aabot dahil 4th floor pa yung room na papasukan ko. Ewan ko ba sa mga magulang ko kung bakit dito ako pinaaral. Mas okay pa nga saakin na simpleng school lang, pinagaral pa ako dito sa mamahaling school.

"And you are?" sabi saakin ng professor.

"Alexsa po, sir."

"Okay, since first day of school pa naman. Wala muna ako ipapagawa sa'yo but this is your last warning. Introduce yourself infront of your classmate."

"Hello, my name is Alexsandra Cabuenas but you can call me Alesxa. Hoping we can be friends!" saya kong sagot sa harapan ng mga kaklase ko.

This is my first day of being Senior Highschool and hindi naman ako takot makipag kaibigan. Pinapalabas pa nga ako dahil nakikipagusap ako sa katabi ko dati.

"Okay class, ulitin ko lang. I'm your adviser this school year so if anything happens, you can call me."

"Sir, paano pag walang load para tawagan ka?" sabi ng isa kong kaklase at lahat kami nagsitawanan maliban sa isang lalaki na nasa pinaka-likod.

Hindi na sumagot pa ang professor namin at nagpaalam na saamin. Mga ilang minuto palang ay pumasok na ang susunod na prof saamin, and usually first day of school ay puro introduce yourself lang ang ginagawa pero sa pangatlo na pumasok saamin ay hindi na kami pinag-introduce sa harapan at nag simula agad mag lesson.

"Grabe naman yung prof saatin, lesson agad!" banggit ng katabi ko. Wala akong masabi kaya tinawanan ko nalang. "Hello, Tori nga pala!"

Si Tori ay isa sa pinakamaganda dito sa room namin at bawat tanong ng prof saamin kanina ay siya lang nakakasagot. Siguro nasa top ito kaya hindi ako magtataka kung siya ang top 1 saamin. Maputi din siya ngunit hindi katangkaran.

"Alexsa." ngiti kong sabi

"Tara, sabay na tayo mag lunch. Sabay tayong tatlo ni Ian."

"Sino si Ian?" tanong ko sakanya. Hindi ko pa kasi lahat kilala ang mga nandito. Mostly yung mga kaklase ko ay magkaklase na dati pa. "Ayun oh" sabay turo doon sa natutulog na lalaki.

Pumunta kami sa harapan ni Ian habang sarap na sarap pa siyang natutulog. Biglang binatukan ni Tori si Ian. "Ano ba! Natutulog yung tao e" inis na sabi ni Ian at biglang tumayo.

"Ay, tao ka pala?" sabi ni Tori ay nagsitawanan kaming dalawa.

"Kayo bang dalawa?" pag tanong ko sakanilang dalawa ni Ian at Tori. Bigla agad silang nandiri saaking sinabi. "No freaking way, Alexsa!" banggit ni Tori saakin.

"Bestfriend ko lang yan since Kinder kasi magkaibigan ang mga magulang namin" paliwanag saakin ni Ian. "Ay, oo nga pala. Ian nga pala"

Si Ian ay isa sa mga basketball player, banggit saakin ni Tori. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit matangkad siya, moreno at gwapo.

"Alexsa, nice to meet you!"

Pumunta na kami sa canteen at kakaunti lang ang mga nandito. Siguro sa labas kumakain yung mga nandito. "Kung nagtataka kung bakit kaunti lang tao dito dahil yung iba nasa starbucks o nasa mamahaling lugar sila." sabi saakin ni Ian. Tama nga hula ko. Naalala ko rin na mamahaling school pala ito kaya expected ko na rin na nasa labas yung iba.

Natapos na kami sa pagkain na kinakain namin. Papunta na sana kami nila Tori sa room namin kaso may biglang nag chat sakanya na wala daw yung last prof na papasok saamin dahil nasa bakasyon pa daw. Hay! Buti nalang last subject namin yun kundi maya-maya pa kami makakalabas ng school.

Three RulesWhere stories live. Discover now