Sinopsis:

0 0 0
                                    

      Dapat pa ba na may synopsis ni hindi ko nga alam kung paano tatapusin ang kwentong meron ako...

      Siguro ipapakilala ko nalang sainyo kung sino at anong klaseng babae ba ko? Sa nababasa ko dapat sa prologue yun kaso wala kong mailagay sa synopsis. Pahapyaw nalang siguro kung paano ba ang nagyari sa kwentong to...

      Ako si Angel Emlano kung nabasa niyo man yung description ko. Simple lang ako, sasabihin nila panong simple? Simple kasi wala kong inaatupag kundi mag-aral at isa nga pala sa mga ibubuking ko sainyo medyo kakaiba kasi may kapansanan ako Clubfoot tawag dalawag paa yung akin. Pinanganak ako ng nanay ko ng isang linggo bago magseven months, alam ko mahirap that's alam ko din na parang di ako gusto ng mama ko kaya nabuhay ko na hindi ko masaya basta magulo yung buhay ko yung tatay ko galit sakin kasi ewan di ko alam, sa totoo lang hindi ko talaga alam kung saan lulugar kasi pakiramdam ko hindi talaga ko kabilang. Tapos ayun hanggang sa makilala ko Richard Aquinde yaan yung lalaking minahal ko talaga as in hanggang ngayon kaso hindi kami pwede kasi bakit? Malalaman niyo yan sa kwento. Basta since nung dumating siya naging masaya talaga ko doon ko lang naramdaman na hindi naman pala masamang gumising sa mapait na umaga. Na pwede naman pala ko makangiti tulad ng iba kaso yung pagdating niyo sobrang tagal tapos pag alis niya rin sobrang bilis nakakabagot tuloy ngayon kasi yung dating lungkot na nararamdaman ko noon ay sapat na para sa isang ako ngayon dumoble, trumiple o mas dumami pa. Lagi akong takot ngayon dami-daming tanong sa utak ko na alam ko ang dahilan pero paulit-ulit ko parin naitatanong...

     Marahil sasabihin ng iba dali lang naman nang solusyon mo magpakatatag ka, isipin mo pa yung mga tao sa paligid mo, na hindi lang naman siya dapat yung dahilan. Na subukan kong lumapit sa Diyos para matulungan niya ko. Pero alam niyo yung gagang katuwiran ko? "Ayoko nang dumagdag pa sa mga isipin niya tama nang ako nalang magdusa naranasan niya noon dapat di na maulit yun kasi tayo yung may kasalanan noon at hindi siya" gaga di ba? Alam kong weird pero ayoko lang talaga dumagdag sa mga naghihinaing sakanya may karapatan din naman ang mga Diyos magtime out. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano pa ang lahat nakakapagod na umiikot parin ang 365 days at 1/4 sa akin.

      Sorry mahaba pero sisimulan ko na talaga promise...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stolen MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon