Sa pagpasok namin sa isang malaking silid ay may isang lalaking nakaupo at mukhang kasing edad lang namin na nakasuot ng headset, “mahal na hari nandito na po ang mga taong pinapahanap niyo samin!”, sabi ni Sion ng pasigaw, “oh, Sion, Darius, nandito na pala kayo, bakit kayo pumunta dito may problema ba?”, hari ba talaga to? Bakit parang ang bata niya at parang hindi siya ganoon ka responsable sa kanyang posisyon, “ha ha ha! Hindi ba halata na isa akong hari dito? Alam mo may kakayahan akong magbasa ng isip ng tao kaya mag ingat ka sa mga iniisip mo, sino ba sila Sion?”, nagulat si ako at si Anya sa kanyang sinabi, “sila po ang inyong pinapahanap mahal na hari”, naging seryoso siya nang nalaman niya na kami ang kanyang pinapahanap, “ikaw siguro si Kyonosuke at ikaw naman si Anya tama ba? Bakit kayo nandito? Para bawiin sa akin si Vi? Para saktan at paiyakin? O sa kung ano mang dahilan dapat hindi na kayo nag aksaya pa ng oras para lang bawiin siya dahil hindi ko na siya hahayaan pang umalis dito”, hindi ko siya maintindihan sa kanyang sinasabi,”wala akong alam sa sinasabi mo paano namin sinaktan at pinayak si Vi? Hindi namin yun ginawa sa kanya at lalong hindi namin yun magagawa sa kanya”, mukhang lalong nagalit ang hari sa aking sinabi pero bigla itong ngumiti samin “oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala ng pormal sa inyo, hari pa naman ako tapos ganto, pasensya na ah, ako nga pala si Marquis Albert de Blois, ang hari ng Magnostadt at ang ama ni Victorique de Blois, saka pwede na kayong umalis kasama ng inyong grupo dahil hindi ko na siya hahayaan pang sumama sa inyo si Victorique”, mukhang sigurado na siya sa kanyang sinasabi, “hindi kami papayag gagawin ko ang lahat para lang mabawi siya at hindi ako papayag na bale wala ang lahat ng sakripisyo ng mga kasamahan ko”, medyo nainis sa sinabi ko si haring Marquis, “ano balak mo kung sakaling mabawi mo nga si Vi? Diba wala?!”, pasigaw na sabi ni haring Marquis, “wala naman kaming ginagawa na ikasasama ni Vi ah, masaya naman kami kapag magkakasama kami”, sabi ni Anya, “hayyy nako mukhang hindi ko talaga kayo mapapaalis ng paki usapan ah, ganto na lang bibigyan ko kayo ng tatlong pagsubok pag natalo kayo aalis na kayo ng tahimik at pagnatalo naman kami hahayaan ko kayong makasama si Vi kung sasama siya, ayos ba?”, mungkahi samin ni haring Marquis na para bang kampante na siya ang mananalo sa magiging laban namin, “bago kami pumayag ano-ano ang mga pagsubok na ibibigay mo samin?”, mukhang nasisiyahan ang hari sa nangyayari, “masusubukan dito ang inyong lakas, talino at diskarte sa isang sitwasyon kaya walang dapat ika bahala Kyonosuke, pwede ko na ba sabihin kung ano ang una nating paglalabanan?”, kinakabahan ako sa mangyayari pero kailangan ko manalo para lang makita ko uli si Vi, “Sige papayag ako, basta ipangako mo na tutuparin mo ang napagusapan natin at sisiguraduhin mong ligtas si Anya”, ayos na sakin na ako lang mapahamak sa mangyayari kesa kay Anya, “isa akong hari kaya ikasisira ko ang hinidi pag tupad sa ating napagkasunduan at syempre wala akong gustong mapahamak dito kaya huwag kang mag-alala, o, eto na, ang unang pagsubok ay lalabanan ni Anya si Darius sa isang seryosong dwelo pero syempre gagamitan ko kayo ng protective barrier para walang masaktan ng lubusan, ano ano payag ba kayo dun?”, napatingin agad ako kay Anya dahil kailangan niyang lumaban sa unang pagsubok, “lalaban ako dito dahil para to sa kaibigan nating si Vi”, buong loob na sabi ni Anya, “ipanalo natin to Anya!”, nagpalit na ako ng anyo bilang isang weapon para umpisahan na ang laban, “hayy nako kuya Darius wag mo sila masyadong pahirapan ah, kung pwede pakitapos agad ang laban para makaalis na sila”, sabi ni Sion habang humihikab, “hindi pwede, makikipaglaro muna ako sa kanila bago tapusin ang laban, magpalit ka na Sion para matapos na”, ikinagulat namin ni Anya na naging isang malaking Skulled-Axe si Sion, “oo nga pala nakalimutan kong sabihin na isa akong Spellcaster at Weapon naman itong kapatid ko, pasensya na sa huling pagbabalita ah”, sabi ni Darius ng may mayabang na tono, “para hindi sila agad panghinaan ng loob, hindi gagamit ng spells si kuya Darius para akalain niyo na kaya niyo kami, ayos ba yun? Ha ha ha”, dagdag ni Sion habang minamaliit ang aming kakayahan, “tara Kyon, papatunayan natin na mali sila ng iniisip satin”, sabay sugod sa magkapatid, mabilis si Anya tulad ni Vi at sunod sunod na umatake kay Darius pero kitang kita ko na walang hirap itong sinasalag ang bawat atake ni Anya, “yan lang ba kayang mong gawin prinsesa Anya? Nakakadismaya ka naman kalaban”, sabi ni Darius kay Anya habang tumatawa, “akala mo lang yun!”, sabi ni Anya sabay pag iba ng direksyon sa pag atake at bahagyang nagulat si Darius sa ginawa ni Anya, “ha ha ha, ayos yang ginagawa mo munting prinsesa, pero kailangan ko ng tapusin ang laban na ito para makauwi na kayo”, sabi ni Darius na mukhang seseryosohin na ang laban, sumugod si Anya dahil alam kong naiinis ito dahila sa mga pang-aasar nila sa kanya, “Anya! Humihanahin ka lang muna, hindi natin sila matatalo kung wala tayong plano laban sa kanila dahil talaga ngang mas malakas sila sa atin”, napatigil at umatras si Anya dahil medyo kumalma na siya, “pasensya na Kyon, pero ano na plano natin ngayon?”, nag isip ako ng pwede nilang kahinaan kahit sobrang lakas nila kumapara samin ni Anya, “Anya subukan natin silang atakihin sa likod dahil mabagal silang kumilos hindi sila agad makakaiwas sa atake natin”, sana gumana ang aking plano para makahanap ako ng panibagong kahinaan nila, “sige susubukan ko”, sabi ni Anya habang tumatakbo papalapit kay Darius, sa paglapit ni Anya ay agad na iniwasiwas ni Darius si Sion pero dahil sa lakas ng atake niya ay hindi ito agad makakabalik sa kanyang pwesto para madepensahan ang kanyang likuran, nagawa ni Anya ang plano namin at inatake si Darius sa likod, “ha ha ha, akala niyo gagana yang naisip niyong plano sakin?” sabi ni Darius, sabay sipa sa amin at mukhang malubha ang tama nito kay Anya kahit nasalag ko ito ng bahagya, “Anya! Ayos ka lang ba?”, mukhang mahihrapan na kaming makabangon sa laban sa ganitong lagay, “oo , ayos lang ako Kyon, pasensya na kung hindi ko nagawa ng tama ang plano mo”, sabi ni Anya habang sinusubukang tumayo ni Anya, “napalakas ata yung sipa ko sa munting prinsesa, pasensya na ah! Ha ha ha”, at sabay na tumawa  ang magkapatid, “Anya ipatalo na natin to may sus..”, hinila ako ni Anya at sumugod sa magkapatid na hinahatay siya umatake, “hindi pa tayo talo sa laban na ito Kyon!”, sabi ni Anya habang inaatake ang magkapatid, “nakakainis na inyong pangungulit na akala niyo mananalo kayo sakin ah”, sigaw ni Darius at tumalon siya ng mataas at hahampasin kami ng kanyang sandata, bago kami tamaan ng atake ni Darius ay ngumiti si Anya na para bang inaasahan na niya ang gagawin nito, nakaiwas kami sa atake ni Darius at nagawa niya yung plano pag atake sa likod nito at kita namin na lubhang nasaktan si Darius sa aming pagatake, “ta;agang ginagalit niyo ako ah, eto na ang inyong katapusan!”, inulit ni Darius ang kanyang atake at nagawa ulit itong kontrahin ni Anya, “ano kuya? Nahihirapan ka na ba kalabanin ang ating munting prinsesa? Ha ha ha”, pang-aasar ni Sion sa kanyang kuya na sugatan, “manahimik ka Sion baka sayo ko ibuhos tong galit ko”, sabay atake kay Anya, “Kyon, ipunin mo lahat ng enerhiya mo sa dulong espada dali”, bulong ni Anya habang pasugod kay Darius, pinatamaan ni Anya ang gitna ng weapon ni Darius at biglang bumalik sa dating anyo si Sion at hinang hina sa ginawa ni Anya, “yan lang ba kaya niyo? Puro lang pala kayo salita eh”, ngayon ko lang nakita si Anya na ganito ka seryoso at ka agresibo sa isang laban, “sumusobra ka na!”, sigaw ni Darius at sumugod kay Anya kahit wala itong sandata, naiiwasan ni Anya ang bawat atake ni Darius at ganun sin si Darius sa bawat atake ni Anya sa kanya, “talo ka na Darius!”, kasabay ng sigaw ni Darius ng, “katapusan mo na munting prinsesa!”, tumama ang kanilang atake sa isa't isa at parehas itong may malaking pinsalang binigay at malubha ang lagay nila parehas, “ang unang makatayo sa loob ng sampung segundo ay siyang tatanghaling panalo”, sigaw ni haring Marquis, habang bumibilang si haring Marquis ay unti unti ng nagkakamalay si Anya at ganun din si Darius, sabay silang nakatayo pagkasabi ni Haring Marquis ng siyam pero bumagsak si Anya dahil sa sobrang lubha ng natamo niyang mga sugat sa laban, “at dahil bumagsak si Anya, ang nanalo ay si Darius!”, inalis ng hari ang protective barrier at nawala lahat ang sugat at galos ni Anya at naging maayos na pakiramdam nito, “pasensya na Kyon hindi ko na kinaya, natalo tuloy tayo”, nakita ko sa mukha ni Anya ang panghihinayang niya sa laban, “ayos lang yan Anya ginawa mo naman ang lahat ng makakaya mo sa laban eh”, at napangiti si Anya, “o ang sunod na pagsubok ay laban sa pagitan natin Kyon, ang paglalabanin natin ay isang laban ng chess, ayos lang yun sayo Kyon?” sabi ng hari na para bang alam niya na mananalo siya sakin, “pero hindi ito simpleng chess dahil ang bawat piyesa mo ay may kanya-kanyang nararamdaman at emosyonkaya magingat ka sa igagalaw mo”, dagdag nito, “sige payag ako”, alam kong lamang hari dahil sabi niya nababasa niya ang iniisip ko, at di nag tagal ay nag laban kami ng chess sa una ay nakakalamang ako sa pwesto ng bawat pwesto, “sige a2 queen kainin mo ang bishop ng kalaban”, sabi ng hari, mukhang mababaliktad ni haring Marquis ang laban namin pero ang queen ni haring Marquis ay hindi gumalaw, alam ko na kung bakit hindi to gumalaw, “alam mo mahal na hari, walang gustong umatake kung alam niyang ikamamatay niya ito, dahil ayaw nino man ang maging isang sakripisyo sa labanan”, dahil pag kinuha ng queen ni haring Marquis ang bishop ay makukuha ko ito pero kapag nangyari yun tiyak na masisira ang depensa ko at ikakatalo ko ito, “ano ba queen? Ikakapanalo naman ng kaharian mo ang gagawin mong sakripisyo”, dapat hindi ko mapapayag an queen, “alam mo queen, malakas ka at matalino kaya kung ako ang hari mo hindi kita hahayaang isakripsyo ka ng ganto”, sana mapapayag ko ang queen, “huwag kang makinig sa kanya gusto niyang matalo ang iyong kaharian”, sigaw ni haring Marquis sa kanyang queen, at sa hindi inaasahan ay nagiba kulay ng queen ni Marquis at naging kulay ng aking mga tauhan, “traydor kang queen ka! Lahat ng pawn atakihin niyo ang traydor na queen na yan!”, ayaw sumunod ng mga tauhan ni haring Marquis, “alam mo kung bakit ayaw nila gumalaw? Dahil hindi nila kaya saktan ang kanilang nagsilbing inay sa iyong kaharian, sinong anak ang gustong saktan ang kanilang ina? Dapat alam mo ang nararamdaman ng mga tao sa bawat kilos nila dahil isa kang hari”, ayaw pa din sumunod ng mga piyesa ni haring Marquis kaya lalo itong nagalit, “kapag hindi niyo pa siya inatake ako ang aatake sa inyo”, banta nito sa kanyang mga piyesa kaya wala silang nagawa kundi atakahin ang queen tuluyan itong nawala, “sige ubusin niyo ang kalaban at protektahan ang hari”, biglang namatay ang haring piyesa ni haring Marquis, “b...ba...bakit? A... anong nangyari?”, talagang ikinagulat ni haring Marquis ang kanyang pagkatalo, “alam mo haring Marquis, ayon sa mga naging kasysayan ng mundo, kapag ang isang pinuno ay isang walang puso at napaka lupit, ang kanyang ikamamatay ay kadalasan ay pagpatay sa kanya ng kanyang mga tauhan at napatunayan kong hindi mo kayang magbasa ng isip dahil natalo kita sa laban na ito, pero may teorya ako kung pano mo nalalaman kung bakit mo kayang malaman ang iniisip ng tao, yun ay ang paraan ng Cold Reading, nagagawa mo lang ito kung nakikita mo ang ekspresyon ng kausap mo, base sa mga nakukuha mong impormasyon sa kanya habang kayo ay naguusap at syempre tiwala sa iyong mga prediksyon, tama ba ko haring Marquis?”, natawa si haring Marquis sa pagkatapos ko iesplika kung bakit siyq natalo sa aming laban, “hindi ko inaasahan na tatalunin mo ko sa larong to, alam mo pwede kang maging hari dahil sa galing mong yan”, biro nito sakin, kailangan ko nang malaman kung ano ang sunod na pagsubok para mapaghandaan ko na ito, “eto na ang huling pagsubok mo, eto ay ang kumbinsihin ako kung bakit ako papayag na pasamahin sa inyo si Victorique”, mukhang hindi na siya nagbibiro dito, “sige umpisahan natin ito sa tanong na ano ba si Victorique sayo?”, ano nga ba si Vi sakin?, “isa siyang kaibigan at partner para sakin”, natawa siya sa sinabi ko, “yun nga lang ba talaga? Try nayin tignan ang mga nangyari sa inyo netong nakaraan”, pinakita niya ang mga nangyari samin ni Vi mula nung una ko siyang makita, “eto tignan mo tong mga nanyari dito”, eto yung oras na may sakit siya at inaway niya ko, “alam mo ba kung ako sinabi ng anak ko dito?”, alam kong may sinabi siya diyan pero hindi ko alam kung ano yun, “pakinggan mo mabuti kung ano sasabihin niya diyan”, pinakinggan ko mabuti ang kanyang mga sinabi, “a... akala ko ba hindi mo ko iiwan?”, at lumuha si Vi nung oras na umalis ako, medyo nalungkot ako nung narinig kong sinabi niya yun at nung nakita ko siyang lumuha, “alam mo ba Kyon, may naramdaman si Vi sayo, ako na nagsabi kasi alam kong hindi niya ito masasabi sayo ng harapan, siguro kung naaalala mo pa yung sulat na nakita mo sa iyong bag noong bago ka pa lang sa Afterlife Academy, hindi talaga yun para kay Jacob, yun ay talagang para sayo, sinabi lang niya na hindi yun para sayo kasi nahihiya”, pano niya kaya iyon nalaman?, “nalaman ko yan dahil isa akong Spellcaster diba? Kaya ko gumawa ng simpleng pagbabantay sa isang tao tulad niyan kaya alam ko lahat ng nangyayari”, kaya niya palang gawin ang mga bagay na iyon, “oo, kaya ko nga, pero alam mo alam ni Anya na ganito ang mangyayari kaya dapat kang mamili sa kanila at pagisipan mong mabuti”, gumamit si haring Marquis ng isang mahika at nalipat kami sa isang silid at sa magkabilang dulo si Anya at Vi, ano nga ba si Vi saken?

            Sa pagtingin ko sa kanilang dalawa ay parehas tumibok ng malakas ang puso ko pero alam ko naman na gusto ko si Anya kaya si Anya pupuntahan ko, pero habang naglalakad ako papunta kasy Anya ay parang hindi ako kumportable sa ginagawa ko na para bang mas kumportable ako sa tabi ni Vi kesa kay Anya, pero bago ko maisipang lumingon kay Vi ay nasa harapan na ko ni Anya, “Kyon sigurado ka ba na sakin ka pupunta? Hindi naman sa hindi kita gusto na nandito ka sa tabi ko, sa totoo lang ay masaya ako na sakin ka pumunta pero naging totoo ka ba sa sarili mong ako ang pinuntahan mo imbes na si Vi?”, tanong ni Anya sakin at halatang naninigurado siya sa ginawa kong desisyon, “alam mo Kyon, may nararamdaman na ko sayo dati pa pero alam mo, nararamdaman kong may nararamdaman ka para kay Vi lalo na nung simula nung nawala siya dahil puro siya na lang ang laman ng isip mo, pero kung seryoso ka talaga sa desisyon mong ito, kaya mo bang makita si Vi na may kasama ng iba?”, napaisip ako sa kanyang mga sinabi, “maraming salamat Anya”, at niyakap ko siya ng mahigpit at tumakbo ako papalapit sa maliit at maingay na si Vi, “o? Anong ginagawa mo dito? Diba may gusto ka kay Anya bakit sakin ka pumunta?”, sabay irap sakin pero ramdam ko ang saya sa kanya, “sungit mo naman sakin, ang layo ng nilakbay ko para lang makita ka tapos ganito ang pagbati mo sakin?”, natawa samin si haring Marquis dahil para kaming aso't pusa na laging nagaaway, “eh sino ba kasing nagsabi na puntahan mo ko dito?”, at hindi pa din siya tumitingin sakin at tuloy sa pag-irap sakin, “edi sige aalis na ko”, biro ko sa kanya na may kasamang pagtalikod sa kanya pero bigla niya akong hinila sa kamay at niyakap, “alam mo, nalungkot ako ng sobra hindi dahil sa kinuha ako ng aking ama kundi dahil sa baka hindi na kita makita pa ulit”, sabi ni Vi habang umiiyak, “alam mo hindi bagay sayo ang umiiyak kaya tumahan ka na, saka hindi ako papayag na mawala ka sa tabi ko”, at niyakap ko din siya ng mahigpit, “pero hindi ko inaasahan na sakin pala talaga yung sulat mo na yun ah”, nagulat si Vi sa aking sinabi, “k...ka...kanino mo yan nalaman?”, biglang namula ang buong mukha ni Vi, “sino ba sa tingin mo ang nakakaalam?”, sabay tawa ng malakas, tumingin si Vi kanyang ama na may nanlilisik na mata, biglang nawala si haring Marquis dahil alam na niya kung ano gagawin ni Vi sa kanya.

            Matapos ang ilang araw ay bumalik na kaming lahat sa Afterlife Academy at bumalik kami sa aming normal na buhay bilang estudyante dito. Hindi pa din nawala ang asaran namin ni Vi pati na din ang tawananan naming apat na magkakaiban, ang nadagdag lang ay mas naging malapit kami ni Vi sa isa't isa.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 11, 2014 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Weapon Weilders ~~ <3Donde viven las historias. Descúbrelo ahora