Last Part ~~

34 3 5
                                        

Sa labas ng gate ng eskwelahan nagkita sila ni anya sabay na silang nagtungo sa opisina ng principal na nagsilbi na din nitong tahanan dahil malaki iyon mabilis nilang kinatok ang pintuan nito at saglit lang nagbukas naman iyon nakalarawan dito ang pagkagulat at pagtataka sa biglaang pang-iistorbo nila.

Si vi po kinuha siya ng mga di kilalang lalaki ano ang po ang gagawin namin ! “ si anya na nag-aalala din para sa kaybigan .

Huminahon kayo , ano bang nangyari ? “ pumasok sila sa loob ng iawang nito ng malaki ang pintuan , tinuro nito ang silya naupo sila si kyon naman nag-aalala talaga ng husto at di siya mapakali tila bav natatagalan siya sa ginagawa nilang pakikipag-usap sa principal , kung alam lang niya kung saan matatagpuan si vi kahit mag-isa siya pupuntahan niya to .

Nagdesisyon ito na bukas na bukas ay hahanapin si vi, magbibigay ito ng plano sa mga pinakamagagaling na grupo kaya naman kahit paano napanatag si kyon pero alam niya na hindi siya makakatulog dahil sa kakaisip, hanggang maisipan niyang alamin ang background ng pamilya ni vi, hindi niya alam pero parang may makukuha siyang sagot kapag nakita niya iyon, hindi naman siya pinahintulutan ng principal dahil pribado ang impormasyon na kanyang hinihingi niya ngunit nagbigay ito ng salita na si vi ay mula sa si Vi sa bayan ng Magnostadt, pero mayaman ito at mayroong malakas na pwersang pandigma kaya kinakatakutan ito ng mga bayan na malapit dito. “Iyan lang muna ang aking maibibigay na impormasyon sa ngayon dahil hindi kami pinahihintulutan ng pamilya ni Vi na magbigay ng personal na impormasyon tungkol sa kanila, sana ay maintindihan mo kami ginoong Kyon”, halata sa mukha ni bb. Kuroyukihime na marami siyang alam tungkol sa pamilya ni Vi, “maraming salamat po, malaking tulong na po ang inyong naibigay na impormasyon sakin”, at nagtungo naman ako sa silid aklatan para maghanap tungkol sa bansa ng Magnostadt. Habang ako ay naghahanap ng libro tungkol sa Magnostadt ay may nahulog na isang lumang libro at mukhang libro ito ng mga mahika, at sa lumang libro na ito ay may nakasulat tungkol sa Magnostadt kaya agad kong binasa ang nilalaman nito. Bakit kaya nabanggit ang bansang Magnostadt sa isang libro na nagtutungkol sa mahika? Ano kaya kinalaman ng Magnostadt sa mahika? Bakit kaya tinatanong ko pa sarili ko? Kung  binabasa ko na kaya yung lumang libro na nakita ko para may malaman na ko, diba?

   

         Sabi sa lumang libro, ang Magnostadt ay isang bansa na maunlad at nakilala ang bansang ito dahil sa kanilang mahigpit na batas at sa kanilang pinuno na si Marquis Albert de Blois na kinilala bilang isang malupit na pinuno at kinakatakutan ng mga taong kanyang nasasakupan at mga karatig na bansa nito. Kilala din sa Magnostadt ang Sakurasou, ang pinakamalaking eskwelahan ng mga Spellcasters, at ang namamahala dito ay ang pamilya ng de Blois. Galing si Vi sa bansa ng mga spellcasters? Pero bakit andito siya nagaaral sa eskwelahan ng mga meister, at pinagpatuloy ko magbasa sa lumang libro pero nakatulog din ako sa sobrang pagkabagot. “Kyon! Kyon! Gising na Kyon!”, sino ba tong gumigising sakin? Pero pamilyar ang boses niya, “Ngayong araw natin sisimulan ang paghahanap kay Vi diba?”, pagtingin ko sa tabi ko ay nakaupo si Anya na nakatingin sakin, “pasensya na Anya nakatulog ako pero may alam na ko kung saan tayo unang maghahanap”, nagulat napatingin si Anya sa hawak kong libro, “anong  libro yan Kyon? Nagbabasa ka na naman ng manga?”, sabi ni Anya habang nakapamewang, “hindi dito ko natuklasan kung saan natin una hahanapiin si Vi”, nagulat si Anya sa sinabi ko sa kanya, “eh ano pa inaantay natin dito? Tara na, para maiuwi na naten si Vi dito, pero kailangan muna natin sabihan ang ating mga kasama at si bb. Kuroyukihime para mapaghandaan ang lahat.”

            Agad kaming pumunta sa aming kasamahan at kay bb. Kuroyukihime para sabihan at agad kaming pumunta sa Magnostadt. Malayo ang Magnostadt sa Afterlife Academy dahil aabutin ito ng 3 araw at 2 gabi pag nag-barko kami. Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali at hindi rin makatulog kakaisip ko kay Vi buti na lang nandito si Anya para paluwagin kahit papano ang aking nararamdaman, “Kyon? Alam mo ang swerte ni Vi sayo”, bigla niya nasabi habang nakatingin ako sa malayo, “ha? Bakit naman?”, napatingin ako sa kanya, “kasi ginawa mo lahat ng magagawa mo para lang hanapin lang siya at kahit na palagi ka niyang niaasar at inaaway ay hindi mo siya pinababayaan, salamat ah!”, at tiniginan ko siya sa mata dahil pakiramdam ko may gusto pa siyang sabihin, “normal lang yun kasi kahit papano ay siya ang partner ko at salamat saan?”, natawa siya sa sinabi ko, “siyempre inaalagaan mo yung matalik kong kaibigan pero alam mo...”, hindi niya tinapos ang kanyang sinasabi, “yung alin Anya?”, pakiramdam ko ayaw na niya ituloy ang kanyang gustong sabihin, “wala yun, huwag mo na lang intindhin yun”, at tumingin siya sa palayo sakin, “Anya! Alam mo... ano eh... ahh... ganto kasi...”, hindi ko masabi kay Anya ang tunay kong naramdaman kahit alam kong hindi ito ang tamang oras para sabihin to, “teka Kyon, bago mo tapusin yang sasabihin mo, pag isipan mo muna yan at siguraduhin mong iyon na ang desisyon mo dahil pag yan ay nasabi mo na, wala ng bawian”, mukhang alam ni Anya ang aking sasabihin pero bakit parang napakaseryoso niya at para bang dapat sigurado ako sa nararamdaman ko, “seryoso naman ako ah”, natawa si Anya sa sinabi ko, “sana nga Ginoong Kyon, magpahinga ka na dahil bukas na ng umaga ang dating natin sa Magnostadt”, at umalis si Anya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Weapon Weilders ~~ <3Where stories live. Discover now