Nang matapos ang laban namin sa minotaur ay parang naubos ang lahat ng aking lakas sa pagod. Ilang minute pa ang lumipas bago dumating sina Anya at Jacob, nakita ko ang gulat sa nakita nilang malaking minotaur na nakahiga sa harapan namin. "Ayos lang ba kayo?!", sabay na banggit nina Anya at Jacob,"oo, ayos lang kami", sagot ni Vi, "nakita nyo na ba ang banal na hiyas na dapat natin hanapin?", dagdag pa ni Vi kina Anya at Jacob, "Pasensya na, pero wala pa kaming nakikita na kahit anong impormasyon ukol sa paghahanap sa banal na hiyas", sabi ni Jacob habang nakayuko
Napansin ko na parang may liwanag sa dibdib ng minotaur, "tignan niyo ang minotaur, parang may kung ano sa loob ng kanyang dibdib"—nilapitan ko ang minotaur at sinundan naman nila ko para kumpirmahin kung ano yung nasa loob ng dibdib ng minotaur.
Si Vi ang naglakas loob na kumuha ng kung anong bagay na nasa dibdib nito na tila nagliliwanag , may bahid pa ng dugo ang tila isang hiyas na may kakaiba at napakagandang kulay " ito na nga ba ang banal na hiyas ? " – wika ko saking sarili
"Mukhang iyan na ang banal na hiyas Vi", sabi ni Jacob habang nilalapitan si Vi at tila namulang bigla lalo si Vi ng mahawakan ni Jacob ang kamay nito dahil sa pagtangka ni Jacob na hawakan din ang banal na hiyas.
Bumalik na kami agad sa eskwelahan para pormal na tapusin ang unang misyon na napagtagumpayan namin.
"Napahanga niyo kaming dalawa ni Anya dahil natalo niyo ang isang minotaur, pasensya na din pala kung wala kaming naitulong masyado sa una nating misyon", si ni Jacob,
"oo nga, paano ba kami makakabawi sa inyong dalawa?", sa tono ni Anya ay mukhang nahihiya ito sa nangyari.
"Ayos lang yun Anya basta makita kitang maayos at ligtas ay ayos na sa akin yun – ah siyempre ikaw din Jacob " buti nalang nalagyan ko ng palusot sa katauhan ni Jacob masyado kong nadala ng damdamin ko. grabe muntik na kong mabuko!
"ganito na lang kung gusto niyo ay ilibre na lang namin kayo ng tanghalian para makabawi kami sa inyo, Ayos ba yun Anya?" ani Jacob at sumang ayon naman si Anya sa minungkahi ni Jacob,
"nako wag.." hindi pinatapos ni Vi ang aking sinasabi at hinila niya ako pababa at may binulong sa akin, "chance na yan para makilala mo si Anya, ano pakakawalan mo pa ba?"pinagkahinaan nito ang boses para siguro kami lang talaga ang makakarinig , sa sinabi niya ay napaisip ako na tama nga ito kaya nung itinuloy ko na ang aking sinasabi ay pumayag na ako sa plano ni Jacob.
Napagkasunduan namin na magkikita kami sa isang kainan malapit sa Afterlife Academy, at dahil sobra akong na-e excite makita si Anya ay napaaga ako ng dating sa nasabing lugar, Maya may ilang minuto pa at dumating si Vi at hindi ko itatangi na bagay sa kanya ang kanyang suot, "anong tinitingin tingin mo jan?, sabay irap sa akin ni VI,
"akala mo naman nakatingin ako sayo, nagkataon lang na nakatingin ako sa pinto at inaantay ang pagdating ni Anya, feeling mo naman",
at dahil sa maaga kami nakadating ay hindi din namin naiwasan mag-usap ni Vi, "Oy Kyon! Salamat nga pala at hindi mo ko pinabayaan nung nawalan ako ng malay ah", nagulat ako ako sa sinabi niya hindi dahil sa nagpasalamat siya kundi dahil tinawag niya ako sa pangalan ko,
"hi..hindi naman sa gusto ko ta..talaga magpasalamat sayo, sinabi ko yan para lumakas pa lalo yung loob mo sa magiging misyon natin", hindi ko alam kung bakit namula ang kanyang mukha sa sinabi niya pero nagulat talaga ako,
"mukhang magkasundong magkasundong magkasundo na kayo ah, mabuti yan"nakarating na pala sina Anya at Jacob, nang nakita ko si Anya ay lalo akong nabigahani sa kanyang kakaibang ganda,
"may dumi ba sa mukha ko Kyon?", mukhang napansin niya na matagal na akong nakatingin sa kanya,
"wa... wala naman, sa totoo pa nga niyan eh bagay na bagay sayo ang suot mo Anya!", bahagya siyang namula.
