Pagdating namin sa Magnostadt ay agad kaming naghiwa-hiwalay para hanapin si Vi, at dahil swerte ako, kaming dalawa ni Anya ang magksama, habang naglalakad lakad kami ay nakita akong isang lalaki, “Anya! Ayun yung isa sa mga lalaki na kumuha kay Vi, sigurado ako dun”, dahil narinig ako nung lalaking hahabulin namin nakatakas ito at hindi namin naabutan, “ayos lang yan Kyon makikita ulit natin siya, maghanap lang tayo”, habang naglalakad kami ay humarang samin na isang malaking lalaki na mukhang sundalo ng bansang ito at may kasamang dalawang wizard, “naparito ba kayo dahil hinahanap niyo si prinsesa Vi?”, nagulat si Anya dahil narinig niya na tinawag na prinsesa si Vi, “bakit sino ba kayo?”, masama kutob ko sa kanila dahil mukhang kasama sila ng mga dumukot kay Vi, “sagutin niyo muna ako bago ko kayo sagutin”, mukhang wala siyang balak sumagot sa aming tinatanong, “paano kung sabihin ko ng hindi at isa lang kaming simpleng turista dito? Maniniwala ba kayo?”, natawa siya sa aking sagot pero hindi ko alam kung bakit, “aba'y oo naman, pero pag nalaman kong nagsisinungaling kayo, siguradong mapapahamak kayo kaya masmaganda na magsabi na kayo ng totoo”, mukhang seryoso siya sa kanyang sinisabi at talaga namang nakakatakot ang kanyang mga banta samin, “At dahil nasagot ko na tanong mo, sagutin mo naman ang aking tanong, sino ba kayo?”, natawa ulit siya sa aking mga sinabi na para bang natutuwa sa aming usapan, “ha ha ha! Gusto ko ang estilo mo ng pakikipagusap iho, pero kung sabihin ko bang isa lang kaming mamayan ng bansang ito, maniniwala ka ba?”, talagang ayaw din niyang magbigay ng impormasyon samin, “siyempre hindi ako maniniwala dahil hindi naman normal ang iyong kasuotan para sa isang simpleng mamayan dito” natawa na naman siya sa aking sinabi, ang saya naman niyang tao dahil tawa lang siya ng tawa, “pinapahanga mo talaga ako iho! Akala mo maiisahan mo ko sa ginagawa mo? Hindi mo ata alam kung nasaan ka?”, biglang naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha at talagang nagagalit na siya, “eh ano ba kailangan mo samin?”, natawa na naman siya, hindi ko alam kung bakit siya natatawa, “natakot ba kita iho? Ha ha ha! Pasensya na kung ganoon nga pero ginoong Kyon at Ginang Anya, pinatatawag po kayo ng mahal na hari kaya sana sumama kayo ng mahinahon sa amin”, ano kaya balak samin ng mahal na hari, at napahawak sa braso ko si Anya dahil alam kong parehas lang kami na may masamang kutob sa mangyayari, “makakasigurado ba kaming ligtas kami kapag sumama kami sa inyo?”, at may binulong siya sa kanyang mga kasama at pinalibutan nila kami, “sabi ko na nga ba eh, kayo ang aming hinahanap sumama na kayo samin”, at halatang pupwersahin kaming sumama kapag lumaban kami, at mukhang matatalo lang kami ni Anya kapag lumaban kami sa kanila kaya kailangan kong magisip ng paraan, teka, may parang gantong nangyari sa anime kong napanuod dati ah, alam ko na, “Anya, hindi tayo mananalo sa kanila kung lalaban tayo, pero may plano na ko maniwala ka lang sakin at makakaligtas tayo dito basta tulungan mo ako, may tiwala ka ba sakin?”, bulong ko kay Any, “oo, sige Kyon tutulungan kita, may tiwala ako sayo pero kung talagang kailangang lumaban, lalaban tayo ah, masama talaga ang kutob ko sa kanila”, bulong na sagot ni Anya sakin, “teka, may sinabi ba akong kami nga yung hinahanp niyo? Sinabi ko lang naman kung ligtas kami kung sasama kami sa inyo diba? Paano kayo nakikisiguro na kami nga yung hinahanap niyo?”, nagulat siya sa sinabi ko, “alam mo, inaasahan ko na ang pagiging matalino sa isang estudyante ng AfterLife Academy pero hindi niyo pa din alam kung sino ang inyong kaharap, sige dakipin sila”, at nagsimula bumulong ng dalawang magikero sa likod namin na para bang umawit ng kung ano at nagsimula kaming nahilo ni Anya at tuluyang nawalan ng malay.

            “Kyon! Gising!”, boses ni Anya yun ah, “anong nangyari Anya? Nasan tayo?”, medyo sumasakit pa ulo ko sa nangyari, “ nadakip nila tayo, mukhang ginamitan nila tayo ng mahika kaya bigla tayong nawawalan ng malay”, nakita kong nalungkot si Anya sa nangyari, “pasensya na Anya ah, alam kong mali ako sa ginawa ko, na sana lumaban na lang tayo sa kanila para kahit isa lang sa atin ang nakaligtas o kaya magpadakip na lang ako para ligtas ka at ...”, hindi na pinatapos ni Anya yung sinasabi ko dahil mukhang hindi siya sang ayon sa sinasabi ko, “mali ka Kyon! Alam mo kahit lumaban tayo dun ganito pa din kalalabasan dahil may mahika sila at wala tayong laban dun kung dalawa lang tayo kaya wag mo nang sisihin ang sarili mo sa nangyari”, alam kong hindi maiiwasan ang mga nangyaring ito sa amin pero nadakip kami ng hindi nakalaban pero kahit papano ay medyo nabawsan ang sama ng loob ko sa sinabi ni Anya, “kita mo mali na naman ako? Kelan ba ko tatama sa ginagawa ko?” umarte ako ng medyo naiiyak para pagaanin kahit papano ang loob ni Anya at bilang ganti sa pag papagaan din ng loob ko, “ha ha ha, ewan ko sayo Kyon kahit kailan talaga”, habang naguusap kami ni Anya ay biglang bumukas ang pinto na kinalalagyan namin, “kamusta? Ako nga pala si Sion, pag pasensyahan niyo na ang aking kuya na si Darius, siya nga pala yung dumakip sa inyo pero sana sumama na lang kayo ng maayos para hindi ito nangyari”, kinamusta pa kami? Kita namang kinulong nila kami dito ng sapilitan tapos kamusta? Ano to lokohan?, “kinakamus....”, natigil ako dahil hinawakan ako ng mahigpit ni Anya sa aking braso, “teka Kyon, kumalma ka muna may nararamdaman akong isang malakas na presensya sa kanya”, bulong niya sakin, “magaling ka nga talaga prinsesa Anastacia Yngling Hepburn o mas kilalang Anya hepburn, tara na ba? Hindi natin gugustuhin na pag antayin ang mahal na hari”, at agad kaming pumunta sa hari kasama si Sion at si Darius.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 11, 2014 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Weapon Weilders ~~ <3Donde viven las historias. Descúbrelo ahora