Chapter 1

36 1 0
                                        

”Nakita mo na ba?" tanong nung matalik kong kaibigang si Faye.

”Ang alin?” Walang gana kong sagot.

”Yung magiging mga kaklase natin ngayon school year!" excited niyang sagot.

"Wala akong pakialam," matabang kong sagot sa kanya.

"Eh, Val naman. Di ka ba excited? For sure marami tayong makilala." sagot niya.

"Natural lang naman yun, new school, syempre new people. Hello! Faye, utak please", mataray kong sagot.

Don't get me wrong people. Di ako maldita or what. Di lang talaga ako sanay na nakihahalubilo sa ibang tao. At isa pa ayoko masyadong nalalapit sa mga lalake. No! I'm not a manhater its just that mabilis lang talaga akong ma-conscious pag nandiyan sila. I know girls alam niyo ang feeling ng ganun. Pero marunong din naman akong makisama no.

Hindi nalang pinapansin ni Faye ang ugali ko.

Kilala niya na kaya ako!  Eh kayo ba naman lumaking halos araw-araw magkasama.

Ewan ko dito kung di ba nagsasawa sa pagmumukha ko. Samantalang ako eh nauumay na sa pagmumukha nitong babaeng ito. Kesa magbestfriend daw kami kaya wala daw iwanan.  Hay!  pabayaan na nga lang.

Anyway, I'm Valene Sandoval, Val for short. I prefer if people will call me Val. Astig kaya pakinggan tsaka para sa akin cool yung mga babaeng panlalake ang pangalan. Di ba?  Haha.

15 years old, an average girl. Not pretty nor ugly sakto lang. Well, atleast that's how I define myself. Pero sabi naman ng mga kaibigan ko maganda raw ako. Hay, mga kaibigan ko nga talaga. Hehe

I love sports but I do not belong in any sports club. I know how to play instruments pero hindi rin ako kasali sa anumang club that deals with instrument.

Bakit?

I dont even know myself. Maybe, I just hate being in the spotlight. I like to live in shadows. Emo eh.. Tss

But I'm an honor student. A consistent one. I don't take my education for granted. Atleast that's what I believe in.

Well, siguro naman alam niyo na kung anong pinagtatalunan namin ng bestfriend ko kanina pa.

Yeah, you got it right. Bago kaming lipat ng school. And its on a private school. St. Therese Inc. Kung di niyo pa alam galing kami ng public school. We're already on third year. Bakit ako lumipat? Kagustuhan rin yun ng parents ko since sabi nila mas mapagtutuonan ko daw ang pag-aaral ko kung dito daw ako mag-aaral dahil kokonti lang daw ang pumapasok dito. Yung bestfriend ko? Ewan ko ba diyan, sasama daw lang sa akin. Kung nasaan daw ako dapat nandun rin siya. May saltik talaga. Arrrgg. Ewan ko ba kung paanong naging kaibigan ko ito.

"Vaaaaal!!!!!"

Aray! Basag yung eardrum ko, eh paano ba naman. Bigla-bigla nalang sumigaw tong katabi ko. Nandito pala kami malapit sa gate ng school. Eh sa wala pa kaming kilalang iba. Hello? Transferee nga diba. OP kami masyado.

"Faye! Ano ba problema mo?" galit na tanong ko sa kanya.

"Oh My G! Si Yale ba yun?" tanong niya sa akin.

"Sinong Yale?" sagot ko naman.

"Di ba nga yung crush mo simula pa nung grade 6."

"Hindi no! Pakialam ko ba sa kanya," pagmamaang-maangan ko.

"Sus, may pakialam ka. Di ba gusto mo pa nga siya hanggang ngayon," pangungulit niya.

"Ano naman ngayon kung totoo? At isa pa wag mo kong niloloko Faye. Alam nating parehas na magpapari na yun. Nagkukulong na ngayon yun sa seminaryo."

Oo. Si Yale ang first crush ko simula pa nung grade 6 kami. Eh paano ba naman di lang mukha pinagmamalaki nun, may utak din, mabait pa. Halos lahat kaya ng mga babae sa school nila  may gusto sa kanya. Yes, you heard me right. Magkaiba kami ng school nung elementary.  Hindi naman yun naging hadlang para makakilala ko siya. At kung paano ko siya nakilala, abangan niyo nalang sa mga susunod na kabanata. Haha. Don't worry guys, ikwekwento ko rin naman sa inyo.

Nawalan nalang ako ng balita sa kanya ng pumasok na siya sa seminaryo. Magpapari daw. Bahala nga siya. Pakialam ko ba. Oo, wala na akong pakialam!

Swerte naman niya kung nagkataon. Matapos ang 2 taon, manigas siya.

Eh kung nasa seminaryo siya, eh sino yun?" sabay turo niya

Tiningnan ko kung saang direksiyon na itinuturo niya.

At

maliwanag pa sa sikat ng araw, si Yale nga, papasok ng gate ng school.

Yun nga lang di siya nag-iisa. May kasabay siya.

Isang babae.

Hmm. Maganda.

At uulitin ko wala akong pakialam!

Pari pala ha!! Hmp

****** -------- *******

So guys, this is my first story.

I hope you like it. :)

You Are ThereWhere stories live. Discover now