"You may now kiss the bride"
wika ng pari at labis naman ang kasiyahan ng dumalo sa pag iisang dibdib ng dalawa kong kaibigan. Tama kayo ng pagkakabasa, hindi ako ang kinasal kundi ang matalik kong kaibigan.
Ang ganda nilang pagmasdan, pinagbuklod ng pagmamahal. Napangiti na lang ako ng mapait. Oh teka? Hindi naman ako nabibitter sa kanila. Masaya ako para sa kanila. May naalala lang ako.
"Oy pareng Klein! Buti naman naisipan mo ng magpakita samin. Kung di pa kami ikakasal nitong si daldal ko di ka pa magpaparamdam samin." May pagtatampong wika ni Rence na lumapit sakin matapos ang seremonya ng kasal.
"Sobra ng panahon yung binigay namin ha? Di ka na nakapunta nung kasal nila Trev. Kuh kung di ka pa pumunta sa kasal namin gegerahin na talaga kita tss."
Kita mo tong babaeng to sobrang ingay talaga!
Ngumiti lang naman sakin ang iba ko pang kaibigan.
"Ano ka ba? Basta nandito lang kami ha?"
Tumango naman ako.
Eight years ago nung binawi sa akin ang buhay ng babaeng mahal ko but still nandito pa rin ang sakit.
Matagal bago ko nabuo ang sarili ko.
Shy? Kumusta ka na diyan? Wag kang mag alala ayos na ako. Nakakatampo ka pa rin, kung sana nandito ka kinasal na rin tayo, di sana ako naiinggit sa mga kaibigan natin. Hayy naku! Pero biro lang tanggap ko naman na e pero masakit pa rin. Namimiss pa rin kita at mahal na mahal pa rin kita.
CITEȘTI
Until It's Over
Ficțiune adolescențiThis is the story of Klein Calvin Frio. After his first heartbreak, matututunan niya kaya magmahal ulit? If all he wanted is Shyrine? His first love who passed away eight years ago.
