Strawberry Milk Shake (One Shot)

480 1 0
                                    

Brylle's POV

"Sorry Mr. Santos, hindi mo nakuha ang scholarship mo this sem."

"But why Sir? Dati na po akong kumukuha ng scholarship sa inyo!"

Bakit ngayon pa?!

"Kailangang magbawas ng scholars ni Mrs.Monteverde. Isa ka sa mga natanggalan. We're very sorry."

Bakit ako pa? Sa dami naming kumukuha ng scholarship?!

"Hindi po pwede yun Sir! Kailangan ko po yun para makapag-aral pa po ako. Maawa kayo!" Lumuhod na ko sa harapan ng staff ni Mrs.Monteverde.

Kailangan ko yung scholarship na yun. Mahirap lang kami. Last sem ko na to eh. Mag ga'graduate na ko. Hay..

Pinatayo na ko ng staff.

"Sorry po talaga Sir." Tsaka na siya umalis.

Malungkot akong umalis sa bahay ni Mrs.Monteverde. Bagong problema na naman to. Kailangan kong makaisip ng paraan.

"Boooggssshhhhhh!"

Rhian's POV

"Hey Rhi, punta kaming mall. Wanna join?"

"Sorry Thea. Pass muna ako. Hinihintay ko pa si Lance eh."

Nandito ako ngayon sa tambayan naming magbabarkada. Hinihintay ang magaling kong boyfriend.

"Ano ka ba naman Rhi! Puro ka na lang Lance. Bigyan mo naman ng oras yung sarili mo."

"Thea, please.." Di naman sa ayokong sumama. Baka ito na kasi ang huling pagkikita namin ni Lance.

"Fine. Wala na kong sinabi. But please next time, sumama ka na."

"Yes, next time. Promise!" Tinaas ko pa yung kanang kamay ko na parang nanunumpa.

'Lance calling..'

"Sige na. Tumatawag na siya eh." Nakita kong nagbuntong-hininga si Thea. Alam kong naiintindihan niya ko.

Sinagot ko na yung tawag.

"Yes Babe? Where are you? Cafe? Akala ko ba sa... Okay, papunta na ko." Call ended.

Habang naglalakad ako...

'Booogggssshhhhh!'

Brylle's POV

"Aray! Ano ba!? Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!"

Ako? Di tumitingin? Baka siya ang di tumitingin.

"Sorry Miss. Pero ikaw ang di tumitingin eh." Kalmadong pagkakasabi ko.

Pinagtaasan niya ko ng kilay. "So, ako pa ngayon ang may kasalanan!?"

"Okay Miss, ako na lang may kasalanan para wala nang away."

Magparaya. Wag patulan. Ang gandang babae pa naman.

"Dapat lang no!" Sabay alis niya.

Mga babae nga naman. Kundi lang talaga babae yun, pinatulan ko na. Maganda sana eh, masungit nga lang.

Nakita ko siyang pumasok sa cafe. Bigla kong napansin yung karatula sa may pinto.

'Wanted: Waiter'

Lumalapit ang blessing sakin ah. Di na ko nagdalawang-isip pa. Pumasok na ko sa cafe para mag-apply. Yun na lang ang nakikita kong pag-asa.

"Excuse me. San pwedeng mag-apply bilang waiter?"

Lalake ang humarap sakin. "Dito, mag-aaply ka ba?"

Strawberry Milk Shake (One Shot)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن