“You look pretty tonight.. “

Ayun na naman! Binobola na naman nya ako! Why is he doing this? Just to boost up my confidence??

Tinaasan ko sya ng kilay..

“Stop it. You don’t have to do that. Nabilog mo na nga ang ulo ko e. you don’t’ have to flatter me again. ”

“Seriously Charlie, you look very pretty tonight..”

“Sige na sige na, matahimik ka lang..” Wala nga akong ka-make-up, make-up. Pretty daw. Sinong binola mo?

We went inside the house at talaga nga namang ang daming tao? I’m really not aware that there’s an event. Hindi ako binigyan ng invitation. Kung sabagay, hindi naman ako pinahahalagahan dito, why bother telling me what’s going on. Bitter much? Hindi naman. Nagtataka lang.

Anong ba talagang meron? At ang mga nadadaanan naming mga bisita, kahit isa, wala akong kilala.

Ang nakakapagtaka, bakit si Zack kakilala nya ang mga tao dito? Nagkamali ba kami ng bahay na pinuntahan?? Bahay namin to a, pero bakit sya ang may kakilala sa mga bisita….

“Sino sila??” Bulong ko sa kanya…

“Mga business associates.. “ Medyo nakakunot ang noo nya,, parang naiinis..

Kada may makasalubong kami,, puro congratulations ang sinasabi.. What the heck is going on here? Kaninang medaling araw lang namin na-seal ang deal namin ni Zack, and now, these people are already congratulating us?! Akala ko ba wala pang nakaka-alam nito? Sino nag-broadcast nito?

Tatanggalin ko sana ang kamay ko sa braso nya, pero pinigilan nya ako.. at tinapik tapik ang kamay ko.. Ngumiti lang sya sa kin… Parang sinasabi nyang.. dito ka lang sa tabi ko ang I’ll protect you…

Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit na naguguluhan na ako.

Pumasok kami sa loob ng bahay at andon ang mga Lolo namin. Ang nakakapagtaka ay parang walang nangyaring eskandalo kagabi. It looks like they’re having a blast at masayang nagkukwentuhan!

This is not what I have been expecting! Ang inaasahan ko ay pagkatapak na pagkatapak ko sa bahay na to ay pagagalitan na ako ng bonggang bongga ng lolo ko! Pero ang nakikita ko ay masayang masaya sya? May pa-toast toast pa silang nalalaman a.. parang walang family crisis!

WHAT THE HECK IS GOING ON AROUND HERE!

Napansin kami ng Lolo ko at lumapit sa min. Magtatago na sana ako sa likod ni Zack pero iba ang aura nya ngayon..

“Iho, Iha,, nandito na pala kayo…. “ Masaya syang makita ako? Naghihimala na ata ang langit! Close na kami?

Lumapit ako sa kanya at nagmano..

“Good Evening po Lolo..”

Nag-mano na rin ako sa Lolo ni Zack na katabi nya.

Nakita ko na rin ang Daddy kong papalapit sa amin..

Tahimik lang ako habang kinakausap ng dalawang matanda si Zack. Nahagip ko sa paguusap nila ang tungkol sa wedding preparations? Advance a… parang hindi pa kaming ina-announce! Excited sila!  Pasaway!

Tamayo sa tabi ko ang daddy ko… Nagmano ako. Gusto ko sana syang yakapin, pero nag-alangan ako. There’s something off about him.

“Dad… “

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creativesWhere stories live. Discover now