Nahirapan kaming magpark dahil sa sobrang dami ng kotse. Pababa na sana ako ng kotse ng pigilan nya ako.

“Wait Charlie.”

Nauna syang bumaba at pinagbuksan nya ako ng pinto.

Hmmmm…. Sobra na to! Napaka-gentleman naman talaga! Kainis naman e… mas lalo akong ma-iinlove sa taong ito e! sana naging bastos na lang sya, in that way alam kong safe ang puso ko. Problema.. hindi sya ganon. Oh well… bahala na nga!

“Parang may party? Wala namang may birthday sa min ngayon a.. ako nga ang mag-b-birthday pero next month pa yun..at kahit kelan ay hindi ako nagpapaparty.”

“Well, There’s one way to find out?”

 Ino-ffer nya sa kin ang braso nya…

I looked at him questioningly. Ano bang gagawin ko? Nalilito pa ko.. hindi naman kasi ako sanay sa ganito noh. I have never been out with a guy before, this is all new to me.

Nung hindi ako kumikibo,, kinuha nya ang kamay ko at iisinukbit nya sa braso nya…

AAAAAyyyyyy!!! Ganon pa la yun!!!! Hihihihihihi… eeeeyyy nahihiya na naman ako… para akong engot nito.. :P

Huminto sya sandali sa paglalakad at humarap sa kin…

“Look at me Charlie…“ seryosong sabi nya sa kin.

Unit-unti ko syang tinignan… and my heart almost stopped because our heads are just inches apart. And I held my breath.

Ahem, ahem, ahem… Compose yourself Charlie!

“We’re going to do this together ok? Remember that I am here beside you. Hindi kita papabayaan.“

Ang sweet talaga nitong taong to!

“Ok.. “ Iyon lang ang nasabi ko.. what can I say.. I’m speechless… or more like tongue tied?

“Do you trust me?

Hmmmm,, I’ve never trusted anyone before, well, aside from my Dad and my bestfriend Tanya. Pero sige. I will trust him. I mean I have to diba. Sabay naming papasukin ang magulong buhay na to.

“yesss?? “ sounds alanganin.. ang conscious naman kasi e! Ang lapit kasi ng mukha nya sa kin !!!!

“Do you trust me Charlie?” Inulit nya… Mukhang hindi na-satisfy sa unang sagot ko…

Nagbuntong hininga ako… o eto na with conviction na…

“Yes Zack.. I trust you.“

He patted my hand.

“Good. You’ll be ok, I promise.. Now let’s go.. “

Naglakad na kami papasok ng bahay..

Kinakabahan talaga ako… pero si Zack, very confident.. as if you can really lean on to him at times like this..  kung uso pa ngayon ang knight in shining  armor, sya na si Lancelot!!! Parang kaya nyang humarap sa kahit kanino.. I’m so proud of him... Parang gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na ito ang mapapangasawa ko!!! I’m the lucky girl! Ako ang nagwagi!!! Hahahahaha! Kahit kunwari lang.. Let me claim him for the time being… Akin na muna sya for 3 years. Well, 4 years, if you will cound the engagement period. Pagaganahin ko na lang ang pantasyo ko kahit alam kong wala sa akin ang puso nya.

Napangiti ako… hindi ko napansin nakatingin pala sya sa kin…

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creativesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora