“I thought we’ve agreed to drop the ‘KUYA’ thing?“

“A yeah! Sabi ko nga! Hehehehe… Sorry,, Zack pala… “

“Stop worrying. Nandito naman ako, hindi kita iiwanan. Ako na bahala sa kanila.“

Pwede na bang matunaw? As in now na? Flattered ako to the highest level! Wala pang nagtanggol sa kin ng ganyan. Mag-isa kong hinaharap dati ang mga dragon ng pamilya ko.. Pero ngayon, may sasangga na ng galit nila para sa kin. Parang feeling ko secured na secured ako sa kanya! Ganyan ba talaga sya?

I looked at him. Ang swerte naman talaga ng mamahalin nitong taong to. HOW I WISH! Wish ko lang talaga.. sana ako na lang!

HALA!!! Eto na nga bang sinasabi ko e! At this early stage, may complications na. I’m in grave danger! Ang taas naman ng pangarap ko. Dapat tandaan ko na hanggang papel lang ako. In other words, pumapapel lang ako! Pumapapel na fiancé at soon to be fake Mrs. Montemayor. Reality check, He can never love someone like me. I’m just his scapegoat. I mean look at him! He’s perfect! And look at me… wala lang.. Who would ever look twice at me. haaay.

Nakoooo… Natatanaw ko na ang gate ng village namin… Habang papalapit kami ng papalapit sa bahay ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.. hindi na ako mapakali…. I’m nearing my doom! Ano bang magandang libing?

Tinignan ko sa Zack… Sobrang kalmado… hindi ba nag-aalala to?

Napansin nya na nakatingin ako sa kanya at nginitian nya ako.

“Don’t worry, I’ll do all the talking. Stay calm.. Alam ko namang hindi ka magaling magsinungaling….” Napangiti sya sa kin..

Tinaasan ko sya ng kilay. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi nya o hindi.

“E ikaw magaling?? Parang hindi ata compliment yun a… “

“Let’s just say  na over the years I’ve spent dealing with difficult people, I learned to say the right words. Hindi naman ako nagsisinungaling non… not totally being honest lang… “

“Ganon! Pareho lang din yun ano! Pinaganda mo lang ang term.“

Natawa na lang sya..

“Think whatever you want. I just want you to know that I know what I’m doing and you don’t need to be worried. And, by the way... you look gorgeous.”

“STOP PESTERING ME!”

Mas lalong lumakas ang tawa nya. Natawa na rin ako habang umiiling ang ulo ko.

Well, at least that did the trick on calming my nerves.  O sige naniniwala na talaga ako, he really knows what he’s saying. Hahahahaha! Pagbigyan nyo na ko, nagpapalakas lang ako ng loob.

Natanaw ko na ang malmansyong bahay namin. Pero nagtaka ako..

“Zack.. what’s going on?”

Bukas na bukas lahat ng mga ilaw sa bahay at ang daming naka park na kotse..

Nakita ko ang mukha nya na nagtataka rin. So I guess he doesn’t know what’s going on.

“ I have no idea.. Pinatay ko rin ang cellphone ko… kaya walang tawag o text messages na nakakarating  sa kin.“

Bago kami umalis ng resthouse kanina, kinuha nya yung cellphone ko at pinatay. Mamaya na lang daw nya ibabalik para walang makakarating na tawag. He doesn’t want to me to talk to anyone. So I guess, he wants to handle everything. Which is good.

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon