CHAPTER 15 - NANDITO LANG AKO

Magsimula sa umpisa
                                    



"Yan na ang susuotin mo mula bukas," aniya.



"Ano?? Pero hindi naman akin ito," sabi ko sa kaniya at balak ko sanang ibalik iyon sa kaniya ng mahina niyang katukin ang ulo ko.



"Aray!" inis kong sabi sa kaniya.



"Sa'yo yan, kaya wag mong hubarin. Sige, lalabas na ako. Sumunod kang bumaba at nakaluto na si Mommy," sabi niya at lumakad na.



Bumubuka ang bibig ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. "Thank you," nasabi ko rin. Napahinto siya sa pagpihit ng pinto.



"Para sa'yo," sabi niya at tuluyan ng binuksan ang pinto at lumabas.



Napatingin ako sa sapatos na binigay niya. Masarap sa paa isuot at mamahalin. Napatingin ako sa side table kung saan nakapatong ang kahon na lalagyan ng sapatos. Galing pala sa Aurora Fashion & Shoe Shop. Kaya pala bago kami umalis sa shop ay may bitbit siya na isang paper bag. Napansin pala niya ang sapatos kong sira.



'Ring! Ring!.. Ring! Ring!'



Kinuha ko ang bag dahil nandoon ang cellphone ko na may tumatawag. Agad kong hinanap dahil tawag ng tawag at baka importante iyon..



Nang makita ko ay tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Nakita ko si Magnolia. Kaya napangiti ako na sinagot iyon.



"Oh Magnolia, mabuti at tumawag--" natigil ako sa sinasabi ko dahil sa sinabi ni Magnolia na humahagulgol sa kabilang linya. Napamaang ako habang natulala.. Nabitawan ko ang cellphone dahil sa biglang panlalamig. "Ate! Ate!" sabi ni Magnolia.



Nanginginig ang kamay ko na kinuha muli ang cellphone ko at lumuluha na bumangon sa kama.



"W-Wait for me, Magnolia. Parating na si Ate," umiiyak kong sabi at dali-daling lumabas ng kwarto. Napadapa pa ako pero hindi ko ininda ang sakit ng tuhod at dali-daling bumaba ng hagdan.



"Nestle, tatawagin sana kita. Mabuti--Wait! Bakit ka umiiyak?" bungad ni Miss Ganda at nahinto sa sinasabi ng mapansin na umiiyak ako.



"Miss Ganda, kailangan ko pong umuwi ngayon. Pwede po ba na makisuyo na mahatid ako? Kahit sa port lang po," hindi ko mapakaling pakiusap rito habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ko.



"Teka.. bakit ano bang nangyari? Huminahon ka," nag-aalala nitong tanong.



"Mom, ano pong nangyari?" tanong ni Duke na kasunod na ang mga kapatid nito.



"Huminahon ka, Nestle. Tatawagin ko ang tauhan ni Dimitri. Papahanda ko ang chopper," sabi ni Miss Ganda sa akin. Tumatango na humihikbi ako. Kinakabahan ako at nag-aalala. Parang gusto ko ng liparin ang Maynila para makarating agad.



"Hey, bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Duke at ganun din ang naguguluhang mga mukha ng mga kapatid niya. Inalalayan ako ni Miss Ganda na maupo.



"Pwede mo bang sabihin sa amin?" nag-aalalang sabi ni Miss Ganda.



"Tumawag po si Magnolia at sinabi na nabangga daw po si Nanay at Tatay ng isang rumaragasang bus. Nasa ER daw po sila hanggang ngayon. Kaya po kailangan ko po agad na makapunta dahil mag-isa lang po si Magnolia sa hospital," pagkukwento ko sa kanila habang nakatingin sa magkasiklop kong kamay na hanggang ngayon ay nanginginig.. May naupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay na pamilyar sa akin kaya nag-angat ako ng tingin.



"Don't worry sasamahan kita," sabi ni Duke.



"Hindi. Wag na. Nakakaabala na ako sa pagkain niyo. Kaya ko naman--"

Duke Sean FORD SERIES 1 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon