Chapter 4 - TORPE

42.3K 1.1K 18
                                    

Kabanata 4

T O R P E

N E S T L E ' S P . O . V .

Inaya ako ni Bettina sa Entertaining Room nila. Pagpasok namin para kaming nasa sinehan. Gano'n kalaki ang entertaining room nila. Magkano kaya ang ginastos para dito? Siguro million na. Siguro kahit magtrabaho ako pagkatapos kong mag-aral, hindi ko pa rin kayang magpagawa ng ganito. Well, hindi naman ako naghahangad na magkaroon ng ganito. Sapat na'ng mapaayos ko ang bahay nina Nanay at mapasyal ko sila sa magagandang lugar na hindi pa namin napupuntahan. Ang mahalaga ay buo ang pamilya ko at masaya.

Inakay ako ni Bettina na maupo sa isang leather couch na upuan. Mahaba iyon kaya tiyak na kasya ang pito. Tapos meron pang ibang upuan na katabi.

"Ate Nestle, nood po muna tayo ng Barbie," sabi ni Bettina. "Okay. Pero marunong ka bang isalang iyan?" tanong ko rito. Ngumiti ito na kay cute-cute. "Opo," sagot nito at lumapit doon sa malaking screen.

Sinalang nito iyon at nakangiting lumapit muli sa akin. Naupo siya sa tabi ko at tumutok na ang mga mata sa pinanonood. The 12 Princess pala ang sinalang nito. Dahil puro girl thing naman ang kuwento ay na-enjoy ko rin.

Habang tutok na tutok kami sa pinanonood ay may naramdaman akong naupo sa tabi ko. Tumingin ako kung sino iyon, at nabigla pa ako nang makitang si Duke pala.

Ngumiti siya habang nakatutok ang paningin sa pinanonood namin. Tumingin ako kay Bettina na hindi 'ata napansin si Duke. Titig na titig ito sa pinanonood kaya hindi nakita ang pagdating ng kuya niya.

Parang hindi ako komportable na katabi si Duke. Bigla akong nailang at hindi na makalingon sa kanya. Pero hindi ko na pinahalata at nag-concentrate na lang sa pinanonood.

Pero maya-maya pa'y naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa likod ko hanggang sa umakbay na ito. Inalis ko agad at umusog ako palapit kay Bettina, kaya napatingin ito sa akin. Tapos dumako rin ang mata nito sa kuya niya.

Sumalubong ang kilay nito. "Bakit ka nandito, Kuya? Kami lang dapat ni Ate Nestle rito," sabi nito at bumaba sa upuan. Natuwa naman ako nang maupo ito sa gitna namin. "Haist. Ang brat mo talaga! Hindi lang sa 'yo ito, brat. Kaya puwede ako." At talagang pinatulan pa ng isang ito.

"Ate Nestle, lagi na lang akong inaaway ni Kuya. Kung ako sa 'yo, 'wag mo na siya sasagutin," teary eyed na sabi nito. "Hoy! 'Wag mo ngang pangunahan ang Ate Nestle mo. Hindi naman kita inaaway. Sinasabi ko lang ang totoo," giit nito. "Tama na! Cutie, 'wag mo na lang pansinin ang kuya mo. Nood na lang tayo," pag-aalo ko rito.

Yumakap ito sa akin kaya hinaplos ko ang buhok niya. Tumingin ako kay Duke at pinandilatan siya. Napabuga naman ito ng hangin at busangot na naupo na lang.

Exactly 4 pm nang magpasya na akong umuwi. Hapon na nang matapos kong samahan sa paglalaro si Bettina. Pagkatapos kasi naming manood ay nag-bike kami sa bakuran nila, tapos nag swimming din ito sa rooftop nila, kaya inabot na kami ng hapon.

Naglalakad na ako sa lupain nila nang makarinig ako ng tunog ng isang sasakyan. Hindi ko na nilingon at baka isa lang iyon sa mga tauhan nila.

Pero gano'n na lang ang gulat ko nang may huminto sa harap ko. Pulang sports car. Sino pa nga ba?!

Humalukipkip ako habang hinihintay siyang bumaba. "Hatid na kita," nakangiti nitong sabi at binuksan ang kabilang side ng pinto na nasa harap ko.

"Hindi na. May pupuntahan pa ako," tanggi ko at hahakbang na sana nang harangan ako nito.

"Saan? Samahan na kita," pagpilit nito.

"Hindi puwede," sabi ko.

"At bakit? Wala namang masama kung samahan kita. 'Tsaka manliligaw mo ako kaya obligasyon ko na ihatid ka." Napahinga ako nang malalim at walang nagawa sa kakulitan niya. Umirap ako sa kanya at sumakay sa kotse.

Duke Sean FORD SERIES 1 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Where stories live. Discover now