CHAPTER 3 - UNEXPECTED

Start from the beginning
                                    

"So dahil love ko si Ate Nestle mo, ako na ang lagi mong bubulabugin?" sabi ko sa kanya at inupo siya sa bar counter.

"Syempre, ayaw ni Ate Nestle ng tamad. Kaya 'pag lagi ka good, sasabihin ko sa kanya na sagutin ka na," sabi nito na agad kong kinangiti.

"At bakit ka naman susundin ni Ate Nestle mo?" hindi naniniwala kong sabi.

Nag-cross legs siya at humalukipkip pa ito habang nakaupo. Akala mo senyorita na nakaupo sa trono.

"Dahil cute ako," sagot nito na kinatawa ko. 'Langya! Porke cute siya ay susundin siya ni Nestle? Imposible. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay niya, tila hindi siya nagbibiro.

"Ayaw mo maniwala?" tanong nito. Umiling ako at tinungo ko na ang refrigerator para kumuha ng milk nito.

Kumuha ako ng gatas at takure. Ayaw kasi niya ng malamig na gatas. Ang arte talaga.

Habang binabalik ko ang gatas sa ref ay parang may narinig akong boses. Boses ni Nestle. Napaharap ako kay Bettina na may hawak na phone.

"Hello, Ate Nestle! Gusto ko po kayo makalaro. Punta po kayo rito sa amin, please? Talaga po? O sige! You're the best talaga, Ate Nestle!" tuwang-tuwa sabi ni Bettina.

"Wait! Kakausapin—" Hindi ko na natapos nang ibaba na ito ni Bettina.

"May sinasabi ka, Kuya?" inosente pa nitong tanong. "Totoo bang pupunta si Nestle rito?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

"Ewan ko. Hindi ba hindi ka naman naniniwala? Kaya hindi ko sasabihin," malditang sabi nito. Napakamot naman ako sa ulo dahil sa inis. Ang sarap itiwarik nito.

Agad kong pinatay ang stove at kinuha ang takure para isalin ang gatas niya sa baso. Pagkatapos ay agad akong lumapit sa kanya at nakangiting inabot iyon.

"Heto na ang gatas mo, mahal na prinsesa," nakangiti kong sabi.

"Thanks, Kuya. Ang bait mo talaga," nakangiti rin nitong sabi at kinuha ang baso.

Hinintay ko munang maubos niya ang gatas bago ko siya tanungin kung totoong pupunta ngayon si Nestle. Nang maubos niya ay agad niyang inabot kaya kinuha ko at nilapag sa lababo.

"Princess, pupunta ba si Nestle rito sa atin?" nakangiti kong tanong.

"Ibaba mo muna ako, Kuya, please!" request nito kaya agad ko siyang binaba.

Pero gano'n na lang ang pagkabigla ko nang mabilis itong tumakbo. "Hey, Bettina!" tawag ko rito. Humarap ito at huminto sandali.

"Hintayin mo si Ate Nestle. Bye!" bungisngis nitong sabi at umakyat na sa taas.

Luging-lugi na naupo ako sa upuan dahil tila naloko ako ni Bettina. Spoiled kasi ni Mommy kaya ayan.

"Oh? Ang aga mo namang pinagbagsakan ng langit at lupa? Ano'ng nangyari sa 'yo, bro?"

Napaangat ako ng tingin nang magsalita si Deo. Himala, ang aga magising ng batugan na ito.

"Wala. Ginising kasi ako ni Bettina para itimpla siya ng gatas," walang gana kong sabi.

"Ginamitan ka ng paawa effect, 'no?" natatawang sabi nito at nagtungo sa ref.

"Yeah," tugon ko at hinilot ang sentido dahil tila sasakit ang ulo ko dahil inaantok pa ako.

"Oh, tapos?" sabi pa uli nito at naupo sa harap ko. "Haist! Ewan ko kung totoo ba ang sinabi niya na pupunta raw si Nestle ko rito mamaya. Hindi kasi ako naniniwala na malakas siya kay Nestle. Kaya ayun tinawagan niya si Nestle at pinapunta rito," mahaba kong pagkukuwento. Tumingin ako kay Deo na umiinom na agad ang chuckie chocolate milk. "Tingin mo pupunta nga si Nestle?" tanong ko.

Duke Sean FORD SERIES 1 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED)Where stories live. Discover now