CHAPTER II

6 0 0
                                        

   Sa impluwensya ng aking mga naging barkada, maswerte na ako dahil hindi ako naging rebelde, mahal ko ang aking mga kaibigan at ayoko sana silang iwan ngunit....

"isha? napag-usapan namin ng papa mo na sa Maynila ka na mag-aaral ng kolehiyo mo, doon ka muna hanggat hindi ka nakakatapos ng pag-aaral mo"

        Gumraduate ako ng highschool, at dumating ang araw na ayoko sanang mangyari, 'ang lumuwas sa Maynila at tanggapin na ang Lola at mga Tito ko ang mag-aalaga sakin.

Magpapaalam na ako sa aking mga matalik na kaibigan and very well appreciated kong ninamnam ang kanilang mga salita, "isha! dalaw ka ng madalas dito ah, magkikita pa tayo at sabay nating aabutin mga pangarap natin." ang katagang itinatak ko saking isip at nagbigay ng rason sakin para mas pagbutihin pa ang pag- aaral, 'ang salitang pangarap'.

Nakarating ako sa Mandaluyong, Metro Manila. Naninibago ako sa mga nakikita ko, mga taong nakakasalubong ko, ibang iba sa lugar na kinalakihan ko.

Bago pa ako makarating sa bahay namin, planado ko na ang lahat ng gagawin ko . Una, pahinga muna, pangalawa , maghanap ng unibersidad kung saan ako komportable. Sa aking pahinga (bakasyon), hindi ko mabigyan ang sarili ko para makipagkaibigan sa mga kasing edad ko na malapit sa aming bahay, ang tangi ko lang nakakausap ay ang aking mga pinsan.

isang linggo ang lumipas.......

"isha!, bihis ka na ba?!" sigaw ng ate ko. excited ako dahil maghahanap na kami ni ate at mama ng school na papasukan ko ng college. "yes sister!, bihis na po!" nagsuggest ang mama ko na sa JRU na lang ako para malapit, syempre tumanggi ako, malapit daw eh. haha! sabi naman ng tito ko, Arellano na lang o kaya Don Bosco which is malapit din, kaya nagdadabog ako pag pinipilit nilang dun ako magenroll. nagsalita ang ate ko na "bakit di natin itry sa may Quiapo, sa University Belt??!' madami school dun" ahhhh.. okey, Quiapo. Dun ko natagpuan ang eskwelahang gusto kong humubog sa kakayahan ko. Bukod sa mura ang matrikula, mukang ok pa ung school.

Nakapag enroll ako, at nagaantay na lang ng pasukan ng makilala ko si Nicko.

we became friends, and more than friends.

Si Nicko, masasabi kong dota boy! hanga ako sakanya, boyfriend ko? Mamaw kung tawagin ng mga co-players nya. Siya daw ang pinakamalakas sa shop nila. PROUD AKO!

itutuloy......

Make me fall in love againWhere stories live. Discover now