Ang Himig ng Silangan

53 4 14
                                    


Sa pagsakop ng dilim sa mundo ay sabay nang nagpahinga ang araw at ang karagatan. Tuluyan nang nagpakita ang mga bituin sa langit na tila nananalamin sa payapang katubigan ngunit ang Inang Buwan ay hindi mahigilap. Sa paglalim pa ng gabi ay siya'y muling babangon upang samahan ang kaniyang mga anak sa paghihintay ng kanilang ama na hinding-hindi nila makapiling o masilayan man lang.

Sa kalagitnaan ng walang hanggan, may isang barko ang nambubulabog sa dayong katahimikan. Tila sa malayo, isang malingas na tala na pilit na makipaglaro sa dagat. Punan sa kaligayahan ang taas nito dahil sa mga lulan na nagdidiwang ng isang galanteng salu-salo. Makikita ang mga ito na nagkakantahan at may hawak na malalaking kahoy na baso habang nakaakbay sa mga kasamahan, ang kantang na ito ay nagsisilbi nilang musika upang makapagsayaw nang malaya. Karamihan sa mga ito ay wala na sa katinuan at bagsak na sapagkat sa tindi ng tama ng sabok sa kanilang pagkatao. Ang sabok ay isang klase ng alak na nag uumapaw sa bula, kasing kulay at linamnam ng gatas subalit pagkalipas lamang ng tatlong lagok ay magliliyab ang init at tapang sa buong katawan, ang tamis nito ay unti-unti nang papait sa panlasa.

O pawang hindi na matatapos ang kaligayahang sumusuloy. Ang puno at ulo nito ay kagagawan ng isang babaeng natatangi sa mga lulan ng barko. Sa hindi inaasahang tangkad nito, hindi aakalain na ito'y may maibubuga sapagkat sa matibay nitong puso. Nakasuot ito ng pares na itim na bota, maluwag na pantalon at baro na walang manggas. Nakapulupot sa ulo ang isang maruming bandana na simbolo sa kaniyang pagkakakilanlan. Ang dilim nitong buhok ay tila naghahanap ng kapayapaan subalit ang kaniyang matapang na mukha ay naghahanap pa ng higit sa hinahangad.

Suray-suray siyang nagtungo sa ikalawang palapag ng barko. Walang tigil sa paglagok ng sabok habang nakapikit, ninanamnam kagalakan nito. Malakas na ang tama ng alak sa buo niyang katawan kaya ang tingin niya sa paligid ay pawang bilog na silid na mabilis na umiikot.

"Kapitan!"

Isang binatang may tusong paningin ang umakbay sa lasing na kapitan. May malaking ngisi ang nakapaskil sa manipis nitong labi, palatandaan sa kaniyang bansag. Tinapunan niya ito ng tingin upang alamin kung sino ito subalit, siya ay bigo. Malabo ang kaniyang paningin.

"Kapitan, hinahanap ng ating kasamahan ang iyong presensya. Magtungo na tayo sa kanila upang makapagbigay ka ng makapagbag damamin na mga salita sa kanila!" masiglang wika ng binata sa kapitan at agad siyang kinalakad sa itaas ng barko na wala man lang nahinging tugon mula sa kaniya.

Nakisiksik sila sa pulutong ng mga kalalakihan at iniwan ng binata ang kapitan sa gitna. Namayapa ang katahimikan nang makita ng mga kalalakihan ang kanilang lantang gulay na kapitan, gising pa ang isipan subalit ang diwa ay tinangay na ng malamyos na hangin ng kaniyang iniirog, ang karagatan.

Ngumiti siya nang pagkaylapad at ang kaniyang mga mata ay bumabagsak na. "Mga kaibigan, maraming salamat sa inyong supresa! Salamat sapagkat may kaalaman pala kayo tungkol sa aking pagkabuhay! Mga tunay nga kayong kaibigan at hinding-hini mababaon sa limot ang araw na ito!" wala sa wisyo na pagbibigay niyang salita.

Wala mang maintinihan dahil sa kalasingan ay naghiyawan at nagpalakpakan na lamang ang mga kalalakihan.

Itinaas ng kapitan ang kaniyang kamay na may hawak ng bote ng alak. "Para sa akin! Para sa inyo! At para sa ating paglalakbay! Maligayang kaarawan sa akin!"

"Maligayang kaarawan, Kapitan!" bungisngis na bati ng mga kasamahan.

Sabay-sabay nilang nilaklak ang kanilang paboritong inumin. Patagalan o pabilisan habang tumutunga, hindi namamalayan ng karamihan na matatagpuan nila ang kanilang mga sarili sa kahoy na sahig at patuloy pa rin sa paglagok. Samantala ang kapitan, pilit na inihahakbang ang mga paa papunta sa kaniyang silid. Kaskas pa kung malakad, tila hirap buhatin ang sarili. Nagkataon pa na siya ay nadapa pero nagpatuloy pa rin siya sa paraan ng paggapang sa kadahilanang bigat na pumapasan sa kaniyang magkabilang balikat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Himig ng Silangan Where stories live. Discover now