Author's Note:
Please excuse my typos and wrong grammars, if there is. I just want to let this out already. I hope you'll enjoy. All the love, always xx
***
We never really talked. Kahit isang beses ay hindi ko maisip kung kailan tayo nag-usap ng usap talaga: not for a project, not for work. It's really weird nga, eh. Hindi naman tayo magkaklase. We're also attending different courses, but we always tend to cross paths. Aksidente? Tadhana? Sinasadya? Hindi ko alam kung alin d'yan sa tatlo but one thing's for sure: I like it when we cross paths.
"You're watching it again.", puna sa akin ni Madison, kaklase at isa sa aking mga kaibigan. I just smiled at her and shrug. It was the music video that we did for the promotion of the singing competition that I joined last semester. Tapos na ang contest and as expected hindi ako nanalo. I don't know why pero hindi iyon katulad ng dati na kapag natatalo ako ay nagmumukmok ako ng ilang araw. Not this time. Maybe because I enjoyed it, I gain friends and, maybe, because I met him.
Naupo siya sa tabi ko at kinuha ang isang earphone sa tainga ko't isinuot sa kaniya. I can't help but to smile as I watched it with her. At ng matapos ito, masaya kong ibinalik ang phone sa aking bulsa.
"Alam mo, hindi ko talaga maintindihan kung anong espesyal d'yan sa video na 'yan. Hindi naman maganda ang pagkaka-edit. Hindi din naman perfect ang pitching niyo." Hinampas ko siya sa balikat niya at pinanlakihan ng mga mata. Parehas na lang kaming natawa kaya napailing na lang ako.
"Judger ka talaga kahit kailan. 'Yong mga kasama ko do'n, hindi ko lang sila naging kakompitensya. Actually, para ngang hindi contest ang naging turing namin sa event, eh. Para lang kaming naglalaro. Naging pamilya ko na din sila." At sa pagkakataong iyon, ako naman ang nakatanggap ng hampas sa braso mula sa kaniya.
"Ang drama, ha. Pang-MMK na ba?"
"Baliw."
I looked at her and smiled. She didn't know. Wala akong pinagsasabihan kung anong totoong dahilan kung bakit ko palaging pinapanood ang video na iyon. It's actually fun keeping it to myself. My little secret.
"We're dead.", ani Kyle saka sumalampak sa kaniyang silya. Napahawak naman si Madison sa kaniyang noo at sumandal din sa kaniyang silya. Hindi ko naman sila masisisi. We're actually stuck.
"Paano na natin magagawa 'tong trailer na 'to? Una, walang may camera sa atin. Tapos walang marunong mag-edit."
"Deb, stop pointing out the obvious. Kung tumutulong ka sa pag-iisip ng paraan.", puna ni Ken na siya namang inirapan ni Debbie. I sigh. "Kahit phone ko na lang ang gamitin nating main camera. Tapos may ilang phone pa na kukuha ng ibang angle, okay lang ba 'yon?", tanong pa ni Ken. Lahat naman kami ay tumango sa kaniyang sinabi. Mas mabuti na 'yon kaysa sa wala.
"Paano ang mageedit? Hindi niyo talaga ako maasahan d'yan, guys. Pasensya na.", sabi ni Luke.
"Hindi, okay lang. May kakilala ako na pwedeng tumulong sa atin sa pageedit. Siguro magbabayad tayo ng konti, pero magaling naman 'yon gumawa. Okay lang ba sa inyo?"
Nagkatinginan muna kaming lahat. Hindi alam kung ano ang isasagot. "Kaysa naman nganga tayo?", sambit ni Madison kaya nagsisang-ayon na din ang lahat.
After planning about everything na kakailanganin sa shoot, we all bid goodbye. And I don't know if it's just my imagination pero parang nahagip siya ng mga mata ko ng palabas na kami ng building. I try to look back para hanapin siya pero wala na siya sa vicinity. Or I'm just imagining things. I just shrug it off and continue walking with Madison.
Days passed at medyo nahirapan kami sa paghahanap ng eksaktong oras na free ang lahat dahil wala kami sa iisang section sa lahat ng klase.
"We need to get this done ngayong araw lang dahil ngayong araw lang free ang lahat kaya sana lahat makicooperate.", tumango kaming lahat sa sinabi ni Ken. Nandito pa kami sa may labas ng school dahil dito namin napagkasunduan na magkita kita dahil madaming may hindi alam sa place kung saan ang shooting. Mabuti na lang talaga nagdala ng sasakyan si Ken.
YOU ARE READING
The End
Teen Fictiona short story inspired by a real story; author's what if scene in her head.
