"Edi kakain ako ng atsara, pangontra-umay.", biro ni Charles sabay hawak sa kamay ni Lance at inilapit ng konti ang mukha sa mukha ng kasintahan. "hindi ako magsasawa, hinding hindi dahil ang taong magmamahal, hindi nagsasawa."

Tinugon ito ni Lance ng isang mabilis na halik sa labi at isang mahigpit na yakap na nagpapakita ng lubos na saya dahil sa narinig mula sa nobyo, hindi niya rin kasi inaakala na magiging sila at hindi niya inaakalang magiging ganito siya kaligaya kasama ang taong nasa harap niya.

Nagkakilala sila tatlong taon na ang nakararaan sa isang job fair na ginanap sa isa sa mga malalaking malls sa Quezon City, si Lance, ang events coordinator ng nasabing job fair ang namahala mula sa mga booths hanggang sa arrangements sa mga kumpanyang llahok sa nasabing event; parte ng mga bilin kay Lance ay ang idocument ang nasabing event at kasama na roon ang pagkakaroon ng mga photographs ng job fair pero 2 hours bago ang job fair ay nagpaabiso ang nakontrata nilang photographer na hindi makakapunta dahil sa isang emergency at duon pumasok sa eksena si Charles. Isang HRM graduate na dahil sa hilig sa potograpiya ay nagpasyang maging freelance photographer.

"Bev! Ano ba naman yung photographer na nirefer mo? Nagback-out 2 hours before the event, anong gagawin natin niyan?!?!", nagpapanic na sabi ni Lance sa kasama sa trabahong nagrefer sa nagback-out na photographer.

"Sorry naman Lance, e kasi baka naman may emergency talagang nangyari kaya late na nagpasabi na back-out na siya.", tense na ring sagot ni Beverly na tinugon lang ni Lance ng mga palatak at hindi mapakaling mga paa.

"Excuse me..", sambit ng isang tinig na agad namang nilingon ng dalawa.

"Yes pogi? Anong maipaglilingkod ng isang diyosang katulad ko sa isang Greek God na katulad mo?", malanding tugon ni Beverly na nakalimutan na ang problema nilang dalawa ni Lance.

"Ahmm, I am Charles de Vera. Narinig ko kasi yung pinag-uusapan ninyong dalawa ---", sambit ni Charles na agad pinutol ni Lance.

"Ok? Anong pakialam namin kung narinig mo yung pinag-usapan namin at mas lalong wala akong pakialam sa pangalan mo. Events coordinator ako at hindi gwardya, busy kami kaya pwede bang lumayo ka muna at naghahanap kami ng PHOTOGRAPHER...", pasigaw na sambit ni Lance bunsod ng pag-aalala sa maaaring kapalpakan na sapitin ilang minute mula ngayon.

"Uhmm, pasensya na kung mukhang nakaistorbo ako pero kasi yun nga yung dahilan kaya ako lumapit, freelance photographer kasi ako at balak ko kasing ipresenta yung sarili ko.", mahinang usal ni Charles na nagpatameme kay Lance.

"Ganun ba? Ah... pasensya na kung nasigawan kita, wait, photographer ka ba talaga? Dala mo ba yung camera mo? In an hour and a half kasi e start na yung event so it would really be like... a rush agreement.", nauutal na sambit ni Lance.

"Hindi ko naman siguro ipepresenta yung sarili ko kung hindi ako handa kaya lang dahil sinigawan mo ako kanina e hindi mura ang isisingil ko lalo pa't mukhang kailangang kailangan mo ng photographer sa oras na ito.", nakangising usal ni Charles.

"Ok. Name your price nang masolve lang ang problema ko.", si Lance na nilabas na ang chequebook na naglalaman ng personal savings niya.

"Can we talk about it in private?", sambit ni Charles na tila pinapaalis si Beverly.

"Fine. Bev, please get the contract para mapapirmahan na dito kay..."

"Charles.", si Charles.

"Ayun, paki na lang Bev. Thanks.", si Lance tapos ay umalis na si Bev na tila nanghihinayang na hindi tumagal ang pagtitig niya sa mukha ng gwapong photographer.

"Ok, magkano na yung kailangan mo para pumayag ka?", si Lance ulit.

"Ipinanganak ka ba talagang sagad hanggang buto ang kasungitan?", si Charles.

HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COMPLETED*Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα