Chapter 55: Knife

Start from the beginning
                                    

"Dude. Chill lang" pigil sa kanya ni Walter

"Pwede ba. Huwag mong maipagtanggol tanggol tong bestfriend mo. She tried to kill my cousin, Diezekiel" sigaw ni Dionne.

Tsk. Anong bang gagawin ko. Nalilito ko. Pipigilan ko ba si Dionne or hindi. Gusto ko di kasing malaman kung si Tulip nga ba ang may gawa nun

"Dionne, Ano bang pinagsasabi mo" inis na sabi ni Tulip

Itinuro ni Dionne yung kutsilyo na hanggang ngayon ay nakatusok pa din sa puno

"Yan. Paano mo ipapaliwanag ang bagay na iyan. Ikaw lang ang may kutsilyong kagaya nyan. Anong problema mo sa pinsan ko? Anong dahilan mo para gawin sa kanya ito" sabi ni Dionne

Nagulat naman si Tulip sa nakita nya.

"Walang akong ginagawa. Hindi ako ang may gawa nun kay Allanna." Sabi nya

"Pwede ba huwag ka ng magsinungaling. Yan na nga ang ebidensya eh. Kutsilyo mo" inis pa rin sigaw ni Dionne sa kanya. Pinakakalma naman sya ni Daisy at Xandrixx.

Humarap sa akin si Tulip. Umiiyak na siya.

"Diezekiel, Allanna, trust me hindi ako ang may gawa nyan. Hindi ko kayang gawin yan sayo" umiiyak na sabi nya.

"Pero kung hindi ikaw sino? Ikaw lang namang ang may armas na itsurang ganyan Tulip" sabi ni Walter sa kanya

Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi talaga sya ang may gawa pero kasi yung kutsilyo, sa kanya lang yun. Kahit pa sabihing madaming may ganung armas, pero sya lang kasi ang may design na ganyan eh.

"Allanna. Maniwala ka naman sa akin. Alam mong wala akong dahilan para gawin ito sayo" hinawakan nya ang kamay ko habang nakiki usap na akin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Kaya nanatili akong tahimik.

"Actually, meron kang dahilan para gawin sa kanya yun Tulip" sabi ni Rosaline. Napaharap naman kaming lahat sa kanya.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya

"Cause Tulip love Diezekiel." Sabi ni Rosaline

"And?" _Xandrixx

"That enought reason." Sabi naman ni Roseline

"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan na talagang sabi ni Tulip

"Remember nung tinanong ka namin kung galit ka kay Allanna because Diezekiel likes her. You said yes. At nagawa ko yan kasi hindi mo pa tanggap na si Allanna ang gusto ni Diezekiel. At nagagalit ka kasi sya ang nagustuhan at hindi ikaw. You loves Diezekiel that much to the point na magagawa mo ito" Sabi nito. Nagulat naman ako dun kaya napaharap ako sa kanya

"Totoo ba yun?" Tanong ni Diezekiel

"Tulip, answer me. Totoo ba yun?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.

"Yes. But that was before pero ngayon hindi na. Tanggap ko na lahat. Alam ko namang hindi ko na mababago yun pero hindi ko magagawa ito" sabi nya. Nilingon nya naman kaming lahat.

"So, hindi nyo ako paniniwalaang lahat. Akala ko naman kilala nyo na ako, hindi pa pala. Sana alam nyong hindi ko kayang gawin yun" sabi nya ang nagmartsa na palayo sa amin.

"Tulip!!" Tawag ko pa sa kanya.

"Hayaan mo na muna sya" sabi ni Daisy sa akin.

Ginawa mo nga ba ito Tulip?

Tulip POV
Andito ako ngayon sa may tabi ng field. Nagmumukmok.

Grabe silang lahat sa akin. Akong akala ni pumapatay ako.

"Tulip" tawag sa akin ni Diezekiel. Kahit hindi ko naman sya lingunin. Alam kong siya yun.

"Kung andito ka lang para sisihin ako. Umalis ka na lang" sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng luhang lumalandas sa pisngi ko

"No. I'm just want to know the truth. Did you do that?" Tanong nya sa akin sa mababang tono

"I told you, hindi nga kasi ako. Aaminin ko nagalit ako sa kanya noon kasi feeling ko inagaw ka nya sa akin. Pero simula nung makita kong napapasaya ka nya. Nagawa ko ng tanggapin ang lahat. Hindi na ako galit sa kanya. Walang akong rason para gawin yun sa kanya. Hindi ako ang gumawa nun. Hindi talaga ako" sabi ko habang umiiyak pa din

Bigla naman syang umupo sa harap ko at niyakap ako. Mas lalo akong napa iyak sa ginawa nya

"Okay. I believe you" sabi nya

"You believe in me?" Hindi makapaniwalang tanong ko

"Yes. So stop crying" sabi nya. Umalis sya sa pagkakayakap sa akin at Pinunasan naman nya ang luha ko.

Hindi ko alam kung ginagawa nya ba ito kasi naniniwala sya sa sinasabi ko o para pagaanin lang ang loob ko.

Hindi ko magawang sumaya. Pero atleast medyo gumaan naman ang loob ko dahil sa ginawa nya.

I wish you really believe me Diezekiel.

That Girl Is A QueenWhere stories live. Discover now