Chapter 1: A Fan

7 2 0
                                    

Lheana's POV

"Uyy akin na nga yan!" Sigaw ko sa classmate ko na umagaw ng picture ko sa asawa kong si Jin.



Hi! Ako nga pala si Lheana Purple Mendez. Isang certified fan at loyal na asawa ni Jin. At si Jin naman, siya lang naman ang pinakasikat na artista sa planetang earth.



Sobrang sikat niya talaga WORLDWIDE. At syempre dahil sikat siya, madami talaga siyang FANSSS all over the world. At isa pa, multi-talented din kasi siya. Hindi lang siya sa pag-aacting magaling kundi pati na din sa pagsasayaw, pagkanta at etc.



"Bakit ka ba kasi patay na patay diyan, eh hindi ka nga kilala niyan ehh." Sabi ni Arvin sakin sabay sauli nung picture ni Jin na pina-laminate ko pa.


May isa pa pala akong kailangan sabihin sa inyo, kahit sikat na sikat si Jin o si Park Se Jin sa totoong buhay, madami pa din mga tao ang hindi siya kilala. Gaya nalang nitong mga classmates ko. They know him because of me, but they will never be a fan of him. Ever.


"Kilala kaya niya ako! Asawa niya ako diba? Duh~" I rolled my eyes at him and flipped my hair.



Napatitig na naman ako sa picture ni Jin. Haaaaay. Ang gwapo-gwapo mo talaga. Kelan kaya tayo magkikita noh? Don't worry, 2 more years to go and I will go to korea for you~~





Napangiti nalang ako at kinuha ang phone ko para manuod ng mga behind the scenes ng mga drama niya.



*BOOGSH*



Napahampas ako sa lamesa ko. Leche to! Ano 'tong nakikita ko?


"Oh? Anong nangyari sayo Yana?" Tanong ng kadadating lang na si Janna. Siya ang bestfriend ko.


"Pinagtataksilan ako ng asawa koooo~ huhu anong gagawin ko Janna?" Maktol ko sa harapan niya. Tiningnan lang niya ako na parang nababaliw na ako.



Parang ganun na nga talaga. Feeling ko mababaliw na ako sa nakita ko. Sino ba naman kasing hindi mababaliw, kung makita mo ang idolo mo na nakikipagharutan sa leading lady niya OFF CAM. OFF CAM YUN! Aish!




"Ayy talaga? Patingin nga!" Excited na sigaw niya sabay agaw ng phone ko. Naka pout lang ako habang nakatingin sa kanya na tuwang-tuwa na may kalandian ang asawa ko huhu.



"Wahahaha ang cute naman nila. I ship them yiiie~" Tch! Inagaw ko agad ang phone ko mula sa kanya. Badtrip talaga! Imbes na damayan ako, tuwang-tuwa pa talaga siya ha? Tiningnan ko siya ng nakakamatay na tingin pero ang bruha mas lalo lang tumawa nang malakas.



"Tsk! Wala ka talagang kwentang kaibigan. Ni hindi mo man lang ako madamayan sa nararamdaman ko." Inis na umupo nalang ako sa upuan ko at nangalumbaba. *sigh* paano ko ba naging kaibigan 'to?




"Pffft. Paano ba naman kasi kita dadamayan eh talagang nakakakilig naman sila nung leading lady niya ah? Besides I'm a shipper to the both of them. Tsaka ang ganda din kaya ni Irish." Hindi ko nalang pinansin 'tong bestfriend kong wala din namang naambag para pagaanin ang loob ko. Sinubsob ko nalang ang mukha ko sa lamesa.



~~~~


Nasa canteen ako ngayon. Ako lang mag-isa dahil may klase pa ang bespren kong walang support saken. Oo nga pala, wala pa akong naku-kwento sa inyo tungkol sa buhay ko. Mas nauna ko kasing na-ikwento ang married life ko hihi^^…


By the way, I am a 2nd year college student taking up BSED. At 20 years old na ako hindi lang halata haha and my husband is already 26 kaya medyo malaki-laki ang age gap namin. Pero okay lang yun, age doesn't matter naman hehe.



Hmmm and about my appearance. I can't say na diyosa ang kagandahan ko pero maganda parin naman ako. Kulang lang talaga ako ng self-confidence. Gaya nalang ng height ko, kulang din hehe. Medyo maliit ako pero hindi naman yung sobrang pandak talaga. Mga 5'2" yung height ko, ganun. I have a little brother and I also have a big brother. Kaya bale, 3 lang kaming magkakapatid at pangalawa ako. Ako lang din ang nag-iisang babae kaya sobrang higpit ng parents ko sa akin.




My dad is an OFW and my mom is an assistant manager sa isang company. At----



"Excuse me? Pwede bang lumipat ka sa kabilang table since loner ka naman." Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko na nakatayo. Napataas naman ang kilay ko sa inasta niya. Wow ha? Kapal naman ng mukha nito? Ako ang nauna tapos palilipatin ako sa kabilang table? Witwew. Pinili niya pa talaga akong asarin ngayon na mainit ang ulo ko. This is war.



"So? Ano naman kung loner ako ngayon? Hindi naman ibig sabihin nun loner din ako kahapon o kaya bukas. Mas mukha ka pa ngang forever loner kaysa sakin." Mataray na sabi ko sabay flip ng hair. Ngumisi naman siya sakin. A creepy smile. Ewww di bagay sa kanya. *roll eyes*




"Stop pretending. I know you. AND. I. KNOW. A. LOT. ABOUT. YOU. So don't you dare make a fight with me or you'll regret it." Tss. Kilala daw niya ako? Baka stalker ko siya? Ewwww creepy >_____<




"Wow. Stalker pala kita? Witwew. FYI, hindi ako pumapatol sa babae. Sorry." I said with a poker face. Nainis naman siya sa sinabi ko at bigla nalang niyang hinila ang buhok ko.




"Ahhhhhhh stop it! Ano ba? B-bitawan mo ko!!" Sigaw ko sa kanya. Ang sakit niyang manabunot ha? I didn't even see it coming. Tsk!



"Kapag nagasgasan 'tong mukha ko, iusumbong kita kay Jin!!" Sigaw ko sa kanya sabay hila din ng buhok niya kaya nagkakagulo na kami sa loob ng canteen. Pinagtitinginan na nga kami ng mga estudyante. Oh well, I don't care as long as makaganti ako dito sa babaeng 'to. I don't even know her tapos bigla na lang niya akong sasabunutan?



"Huh! Dream on! He doesn't even know you at all! Unlike me, naging ex ko siya! And he taste sweet honey." I stopped. A-ano daw?



~~~~~~

Gabi na akong nakauwi sa bahay dahil hanggang ngayon hindi pa din matanggap ng kaluluwa ko ang katotohanang nalaman ko. Ang katotohan na naging si Ivy at si Jin huhu.



"Oh? Bakit puro pasa at kalmot ang katawan mo? Nakipag-away ka na naman? Diba sabi ko sayo asdghsjsh." Hindi ko marinig ng maayos ang sinasabi ng mama ko. Ang sakit kasi ng nalaman ko. Bakit siya pa? Ang swerte naman ng Ivy na yun. Bakit hindi pa ako? Iisa lang naman kami ng pinapasukan ahh. Bakit siya ang pinansin at hindi ako???



At bakit hindi ko alam na nakapunta na pala si Jin sa school namin?? Bakit hindi ako na-inform?? Arghhhh!



"Huy! Ang hina lang naman ng pagkakabatok ko sayo ah? Bakit ka umiiyak agad?" Naguguluhang sabi ng mama ko. Inis ko naman siya na tiningnan.




"Kayo kasi! Palagi niyo akong pinaghihigpitan! Ayan tuloy, may nakauna na kay Jin! Pinagtaksilan ako ng asawa ko dahil palagi niyo nalang akong kinukulong sa bahay! Tsk!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once A Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon