Chapter 1 - First day or Fist day?

114 0 0
                                        

Elisha Batumbakal

'Grandma College'

Nagsalubong agad ang kilay ko. Sinong loko ang naka-isip ng ganyang pangalan para sa school niya? Ano to? Wala nang ibang masagap na kaalaman? Tch. Sigurado ba talaga sila tsong na isa ito sa mga sikat na paaralan dito sa lungsod? Eh pangalan pa nga lang nangangamoy panot na.

I scoffed. Better act normal Elisha. First day of school mo. Wag kang magmukhang demonyo.

Hinakbang ko ang aking mga paa at kalmadong naglakad. According to my schedule, my first class is 8 am and now is still 7:45. Nasa building 16 at 26 ang lahat ng classes ko since I'm a 2nd year student. Pero sa kamalas-malasan, ang lalayo ng agwat nila. Sino bang bobo ang nag assign ng rooms? Ang tanga!

It's giving me chills kung paano lumilingon sakin ang mga nadadaanan ko so I took that as an opportunity to study my surrounding. Tall and skinny women. Classy shoulder bags. Sexy--no scratch that--aphrodisiac dresses na kulang nalang gawing bra at panty. Rebonds and make ups, and whatever shts a girl would crave. Maybe because the school doesn't restrict any kinds of dress if it is still on the first month pero pinagbabawal yun sa 3rd year pataas. Yeah whatever. Kahit pa ako lang ang balot na balot dahil sa leather jacket ko, wala akong pake sa almost-kahubdan nila. Para silang nagpapasiklaban kung sino ang may pinakamakintab na gamit at alahas. Geez! Anong school tong napasukan ko? I can only offer my ten-shiny leather jackets if that is, yun lang ang may kintab sakin, pero mas ayos naman siguro dahil iba iba pa ang kulay. These rich kiddos really love show offs. Lots of show offs means lots of rich kids. Tch.

Dire-diretso lang akong naglakad kahit pa nagmumukha akong kutong gustong tirisin dahil sa taas ng kilay nila. Handa na atang mangalmot ang mga pusang to. Buti hindi nang-aano. As what I've heard wala pa namang kaso ng bullying sa school nato. Sayang kasi boring, walang live show but I came all the way here to be a good student. That's at least what I've told my tsong in the province and tsong here in the city----which happened to be my guardian now. Hindi rin madaling bumyahe from probinsiya to lungsod ah!

Itinagilid ko nalang ang ulo ko para alisin ang iniisip ko. Speaking English has been an easy thing for me. Parang sanay na sanay talaga ako. I think because my titos are both teachers and good speakers.

Napadaan ako sa quadrangle at namalayan ang kumpol ng mga estudyante. Siguro may kaguluhan dun.

Na-excite ako bigla sa isiping yun. Could it be? May kaguluhan talaga? Dali-dali akong nakisiksik at umaktong normal nung nasa harap na ako. Nakita ko ang isang nerd na lalake na nakasalampak sa damo habang kinakapa ang salamin niya. Malayo ito sa kanya at siguro dahil na rin sa harinang nasa mukha nito kaya nahihirapan siyang makakita. And here I thought this school is pure of bad asses and such.

"Go on nerd. Search for your precious eyeglasses hahahaha" napalingon ako sa tumawa na binuntutan naman ng tawa ng mga tao sa paligid. He's someone with a handsome face and blonde hair. He resembles the aura of a hot bad boy in a crowd with women cheering for him.

Nabalik ang tingin ko sa nerd na lalake na pilit inaabot ang glasses niya. His hands were shaking pero hindi siya umiiyak. Nakayuko lang siya at tinatanggap ang bawat insultong lumalabas sa bibig ng lahat. Ang dungis na ng uniform niya at malagkit na rin siya dahil sa itlog na biniyak ng blonde hair na yun sa kanya. Lumakas pa ang sigawan at parang sinusuportahan pa ang nangbubully. May mga babae pang pumapantasya rito. Tch! What a shame.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. I want some fist fight. Mangbully ng taong may ibubuga. Hindi yung lampa na nga, kinakawawa pa. That's plain cowardice. So freakin dull and lame.

Hindi pa ako nakakalayo sa kumpol ng mga estudyante nang sumigaw na naman sila. What did that punk do this time?

"Kawawa talaga ni kuya Ry. Palagi nalang trip ni kuya Miller"

"Oo nga eh. Nakatanggap na naman ng suntok oh"

Sagutan ng dalawang babae na nasa likuran ko lang. Pasimple ko silang sinulyapan. They seem to be same as my year. So the bully is Miller and the bullied is Ry? Senior namin sila? Ay mali matanda na pala ako. Senior sila ng mga sophomores? That means matanda na ang nerd na yun para maging sobrang lampa at matanda na rin ang blonde na yun para maging isip-bata? Matatanggap ko pa ata kung ang bully bully na yan ay nasa freshmen at sophomores pero sa seniors? Ang bobo naman. Nabalik ang atensyon ko sa dalawa nang suminghap ang isang babae.

"A-Ano yan Rose?"

"Ang alin Caulin?"

"Yang suot ni kuya Miller sa kamay?"

"Wait.. isn't that a metal?!"

Metal?! Kamay?! Isa lang ang pumasok sa isip ko at nanlaki talaga ang mata ko. That metal glove for fingers! Knuckles! Yung sinusuot na metal sa kamao! That could kill someone for heaven's sake!

Malalaki ang mga hakbang ang ginamit ko at nakipagbungguan sa mga tao. Step aside bitch kung ayaw niyong mabundol ng isang kagaya ko! Rinig ko ang mga reklamo at ngawa nang ipagtutulak ko sila. Heh! Haharang-harang! Stupido! Stupida! Hindi ba nila alam na nakakamatay yun?! Hindi ba sila marunong pumigil sa utak hangin na taong yun?!

Saktong nakarating ako sa harapan ay naka-amba na ang braso ng lalakeng nangbubully habang hawak naman sa dalawang braso ng mga alipores nito ang nerd. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at tumakbo ng mabilis para matabig ang braso ng lalake. Imbis na lumanding ito sa biktima, ang alipores niyang nasa kanan niya ang nadaplisan ng metal. Napa-aray ito at kinuha ko yung opurtunidad para hawiin sa isang tulak ang nakahawak sa nerd doon sa kaliwang bahagi at hilahin naman ang braso ng nerd palapit sakin. I turned my gaze sa lalakeng Miller na kasalukuyan pang nakatanga sa akin.

I gave him my famous grin. "Metals are off limits for me loser" I said mockingly before giving him my poker face. Kinuha ko ang eyeglasses ng Ry na to at hinila na siya palayo sa Miller.

I was surprised to see the crowd gaping at me to the point na walang nakakilos kahit bigyan man lang kami ng daan. Nagtiim-bagang ako at sinadyang tingnan sila ng masama. "Move out or I'll blow you off"

Ang Siga Kong TagapagligtasStories to obsess over. Discover now