CHAPTER 38 (Di ako naniniwalang may 'FOREVER')

Magsimula sa umpisa
                                    

Si Marian kasi maganda, sexy at crush ng bayan. Ano nga ba naman ang laban ko sa kanya? Mayaman ang pamilya nila at isa siya sa mga most sought after muses sa buong campus.

Pangit ako kaya ayaw sa akin ni Andrei. Mahal na mahal ko siya at wala akong pag-asa sa kanya. Walang-wala.

Day 275- Binigyan ni Andrei si Marian ng limang boquet ng bulaklak ngayong araw. Oras-oras may dumadating na bulaklak sa classroom. Siya nanaman ang bida sa lahat. Alam ko naman na binest friend niya lang ako para may makopyahan siya sa tuwing malapit na siyang bumagsak. Childhood friends kami and right now I’m stuck being a child while she’s moving on as an adult. Kinantahan pa siya ni Andrei at nagsigawan ang lahat. Masyadong unfair ang buhay kasi naman bakit siya lagi ang gusto ng lahat.

Day 294- Narinig kong sinabi ni Marian na wala siyang interes kay Andrei kasi si Robert Sy ang gusto niya. Dati ko pang alam na malaki na ang pagkagusto ni Marian kay Robert kaya naman ginagamit niya si Andrei para mapagselos si Robert. Kawawa naman yung mahal ko, pinaglalaruan lang siya. Ang lakas ng tawa ng mga kaibigan ni Marian dahil sa mga plano ni niya. Ang sama niya sobra. Gusto ko siyang kaladkarin mula sa kinauupuan niya. May Chinese blood siya kaya bagay sila ni Robert.

Day 327- Naghahalikan ngayon sa likod ng auditorium ng school sila Robert at Marian. Nadudurog ang puso ko para kay Andrei. Unconditional love ang nararamdaman ko para kay Andrei kaya naman kahit may chance na ako eh mas nasasaktan ako kung masasaktan siya. Patay na patay ako sa kanya at oo, nasisiraan na ako  ng bait dahil sobra na akong OA sa pagmamahal ko para kay Andrei. Ganito katindi ang pagmamahal ko sa kanya kaya nga kahit mukha na akong tanga, hinahabol ko pa din siya.

Day 533- Inabot ko kay Robert ang love letter na pinapaabot ni Marian. Syempre magkaibigan kami kaya inabot ko iyon. Ang tagal kong nag-antay sa labas ng classroom nila. Mukha nanaman akong tanga sa mga utos ni Marian. Ang tanga-tanga ko talaga. Naiiyak na ako sa kaba kasi madudurog ang puso ni Andrei sa gagawin ko. Matagal na naman kasi ang tagong relasyon ni Robert kay Marian. Gusto lang talaga ni Marian ang hinahabol siya ni Andrei kasi siya ang pinagkakaguluhan ng babae sa campus. In short, ginagamit lang ni Marian si Andrei para sa kasikatan niya sa campus.

He read everything aloud kaya naman natatawa ako sa mga naririnig ko. I can’t imagine my young self writing this down na parang mahuhulog na ang puso ko. Nakakatawa lang dahil dadating pala ang panahong maririnig ko ‘yun at galing pa sa bibig ni Andrei. This feeling is too surreal to digest kaya naman napangiti ako sa kanya.

“Sus! Kahit ano pa ‘yan wala akong pakialam, because I know you’re here and not leaving me. I don’t care how you were envious kasi confused din naman ako sa pakiramdam ko eh. I was selfish about you! Nakipagsapakan kaya ako dun sa manliligaw mong college student dati kaya nga three days akong wala dahil sa suspension at binantaan namin ni Christian.” Natatawa niyang sabi na ikinagulat ko naman.

“Oh my! Sabi niya sa akin naaksidente siya sa sasakyan! Ikaw lang pala ang salarin. Kaya pala ‘di na niya tinuloy ang panliligaw sa akin kasi tinakot niyong kambal. Kaasar, gwapo pa naman siya! He used to give me lots of chocolates and white roses. Mabait at nakakatawa siya, and he’s really smart. Sayang naman.” I grinned and he pinched me on the cheeks.

“Oo, ako nga! Takot na lang niya sa ‘min ni Chris kung magsusumbong siya at ‘wag ka ngang manghihinayang sa kanya. He’s nothing compared to me, sobrang gwapo ko kaya tsaka mas matalino ako sa kanya.”

“Bully ka talaga.” I said while fixing all the boxes na kailangan sa paglipat ko sa bahay na binili ni Andrei. Ang dami ko pa palang aayusin. I never imagined na madami pala akong gamit dito sa kwarto na mukhang konti lang. Lahat yata gusto kong isama sa bahay na titrhan namin ni Andrei. Kainis naman oh, mahal ko pa man din ang mini couch na nasa tabi ng kama ko.

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon