Tinawanan niya lang ako saka kami nag buhat

"Psttt tignan mo yung ex mo kanina pa tingin ng tingin dito" sabi niya

Pag tingin ko naman nasaktuhan ko siyang naka tingin kaya nag tama yung mata namin.

Ako nalang yung umiwas

Bakit ganun?

alam mo yung feeling na parang di mo na madama yung nararamdaman mong kuryente kapag tinitignan mo yung taong mahal mo?

"Kring dikit ka lang sakin ah? Wag mong hahayaan na maka lapit siya sakin please" sabi ko

Parang naawa naman sakin yung kaibigan ko

"Sige lang. basta ipangako mo ren na magiging masaya ka na."

Tsaka kami nag ngitian

This is the reason why i still love kring and cha they always secure my life, they always makes me happy.

So after ng training maliligo na sana ako para maka uwi na ako sa dorm di pa pala kasi ako nakaka pag text kay Deanna.

"Jema pwede ba kitang kausapin please..." pag tingin ko naman sa likod ko andito si fhen.

Shet nasan ka na ba kring?

Sabi ko ayoko siya maka usap eh, hayss

"Diba nag usap namn na tayo? Dipa ba malinaw yun?"

"Pero di mo pa napapakinggang yung side ko, pakinggang mo naman ako." Naawa naman ako sa kanya kaya pinag bigyan ko na

"Fine 5 minutes lang mag start ka na." Sabi ko saka tinitigan siy

"Jema mahal na mahal kita. Alam mo yan, pero kasi si Mylene hindi ko alam, biglang nag iba , ibang iba siya jema, bigla nalang niyang ginulo yung utak ko , feeling ko obligado akong samahan siya everytime na nasaaaktan siya , pero jema mahal na mahal kita maniwala ka naman sakin oh, Balikaaan mo na ako pleasee, hindi konkayang mawala ka." Pag mamakaawa niya

Tss nag gagaguhan nanaman ba kami?

Mahal? Ganun ba yung mahal na mahal?

Kung mahal mo ko dimo siya makaka yanana bigyan ng oras habang nawawalan ka naman sakin ng Oras.

Isa lang ibig sabihin nun.

Siya yung mahal mo.

"Fhen nag lolokohan nanamn ba tayo dito? Mahal? Kung mahal moko hinding hindi mo yan pag tutuunan ng pansin, kasi fhen ako yung mahal mo eh. Baka nabubulag ka lang fhen , baka hindi naman talaga ako yung mahal mo, baka siya yung mahal mo. I told you tanggap ko na, masaya na ako, masaya na kami. Wag mo na kaming guluhin."

"Je naku-" "uy! Bat andito ka? Pag ka tapos mong saktan saktan kaibigan ko? Hoy nako ka fhen kung di lang kita teammates at kaibigan tiniris na kita, tara na nga je!" Kring

Tsaka hinatak ako papalabas

"San ka ba kase galing?" Tanong ko

"May kinuha lang ako sa loob, tara na sa dorm ka nalang maligo , nagugutom na ako"

Pag uwi namin sa dorm naligo muna ako bago siya kaya after kong maligo inopen ko na yung phone ko.

Nalungkot naman ako bigla

Wala namang text si deanna

Naka uwi na kaya siya?

Iniisip ko kung nakauwi na ba siya or nag training ba siya

Diko namalayan natapos na pala si Kring

"Huy! Tulala ka dyan? Iniisip mo?" Tanong niya

"Ahh wala." Sabi ko

CAN'T STOP BLEEDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon