Chapter Nine

3.4K 98 7
                                    

CHAPTER NINE

KAHIT kinakabahan ay napangiti si Ginny habang tinitingnan ang natutulog na si Rain sa kama niya.

Walang damit na suot ang lalake maliban sa brief, kinumutan niya iyun hanggang sa may tiyan kaya sa biglang tingin, parang hubo’t hubad na ito.

I’m sorry Rain, kailangan kong gawin ito. You left me with no choice, naisip ni Ginny habang hinuhubad ang sariling damit. Saka siya tumabi sa lalake at naki-share ng kumot. Hindi naka-lock ang pinto kaya madaling mabuksan iyun.

Pumikit si Ginny. Alam niyang paggising niya mamaya- mapapasa-kanya na si Rain. By hook or by crook.

WALA naman talagang despedida party. Gawa-gawa lang yun ni Ginny. Umayon lang talaga sa kanya ang pagkakataon nang magkita sila sa simbahan ni Rain noong Linggo- pero talagang balak na niyang puntahan ang lalake sa barracks para imbitahin sa bahay nila. At dahil nga aware naman talaga si Rain na September ang balik niya sa US for her studies, alam niyang maniniwala naman ang lalake sa invitation niya. Pero ang totoo, walang balak bumalik doon si Ginny hangga’t hindi niya nakukuha si Rain.

Para sa dalaga ay madali lang namang pumunta sa US kung gugustuhin niya. She can fly there anytime. Pero ang nararamdaman niya para kay Rain, iyun ang hindi pangkaraniwan. Hindi naman kasi araw-araw ay may makikilala siyang lalakeng magpapatibok ng puso niya. Kaya naman gagawin niya talaga ang lahat, magkatuluyan lang sila!

She was that determined.

Kaya naman ilang linggo na niyang napagplanuhan ang lahat. Alam niyang may pupuntahan ang parents niya sa araw na yun sa Lucena City pero babalik din naman ng mga alas-singko. She confirmed it several times. Pagkaalis ng parents niya around 6am ay pinag-day off niya ang mga katulong at binigyan ng panglakwatsa. Binilinan niyang bumalik ng alas-sais ng hapon.

Pagkaalis ng mga kasambahay ay nagluto siya ng mga espesyal na pagkain at gumawa pa ng punch para maging kapani-paniwala ang kanyang ‘despedida party.’ Saka siya naligo at nag-ayos.

Bago mag-alas kuwatro ay nasa labas na ng gate si Rain. Magiliw niya itong pinapasok.

Of course ang daddy niya ang unang hinanap ni Rain, sinabi niyang parating na daw. Hinanap din ang mommy niya, sinabi niyang magkasama ang dalawa.

“Nakakahiya naman yata, ako pa ang nauna sa mga bisita.” Nakangiting tinanggap ni Rain ang ibinigay niyang pineapple juice at baked macaroni.

“Okay lang no, at least may oras tayo para mag-usap. Mamaya kasi darating na ang ibang friends ko, baka di kita maasikaso. Or pag dumating naman si daddy, baka kayo lang ang magkuwentuhan.”

Natawa si Rain sa sinabi niya. Clueless ang lalakeng silang dalawa lang talaga ang naroroon.

She tried to keep him busy by offering food. Tila nalibang naman si Rain dahil ni hindi nito napansin na maya’t maya siya binibigyan ni Ginny ng makakain.

Sa juice inihalo ng dalaga ang pampatulog- na nainom na ni Rain kaya nang mapansin nitong unti-unti nang pumupungay ang mata ng binata ay pabilis na rin ng pabilis ang kabog ng dibdib niya. After all, hindi din naman niya araw-araw na ginagawa ang mang-trap ng lalake!

“Napadami yata ang kain ko. Bigla akong inantok,” nasabi pa ni Rain, bago sumandal sa sofa.

“I’ll make some coffee,” mabilis na sagot ni Ginny, saka tumayo at pumunta ng kusina. Pagbalik niya sa sala ay tulog na si Rain!

Of Love and Second ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon