Prologue

13.5K 198 15
                                    

PROLOGUE

2010. Somewhere in Makati.

“SIGURADO ba talaga kayo sa gagawin ni’yo?” Halata ang kaba sa tinig ng nagsalita. Nakatayo ito sa harap ng apat na lalakeng naghahanda ng mga gamit.

“Relax ka lang.” sagot ng isang lalake na nakatingin din sa apat. Magkatabi sila ng unang nagsalita. Pero taliwas sa kasama, ang lalakeng ito ay cool na cool. Halatang sanay na sa ganoong gawain. “Alam ng tropa ko ang gagawin nila. Ilang beses ko nang na-brief  ang mga ‘yan, okay?” Inakbayan pa nito ang katabi.

“Paano kung umalma ‘yun at mag-eskandalo?”

“Mabilis kumilos ang mga tauhan ko. Sanay na sila sa ganitong trabaho.”

“E paano kung mahuli sila?”

“Puwede ba naman ‘yun? Siyempre hindi nila hahayaang basta-basta na lang sila mahuli. Malaki ang nakataya dito.” Pagkuwa’y lumapit ito sa apat na lalake at nakiupo sa tabi ng mga iyun. “Magpapahuli ba kayo?” tanong nito.

Isang nakakalokong tawanan ang pinakawalan ng apat.

“Naku, matinding bakbakan muna bago kami mahuli!” ani ng pinaka-eksperto sa apat, na sinang-ayunan naman ng mga kasama nito.

“See?” nakangiting wika ng lalake. “Well-trained ang mga ‘yan kaya sisiw sa kanila ang gagawin nilang ito.” Tiningnan pa nito ang mga tinutukoy, na katatapos lang maglagay ng mga bala sa kani-kanilang mga baril.

“Sana nga hindi sila pumalpak. At sana hindi rin palpak itong plano mo.” seryosong pahayag ng kinausap. “This is my last card.” Saka niya sinundan iyun ng isang malalim na buntong-hininga.

“Actually wala ka nang card. Naubos mo na lahat.” Paalala ng kanyang kasama. “Lifeline na itong ginagawa natin. Nag-dial-a-friend ka, kaya ako nandito. Hindi kasi uubra ang ask the audience!” Saka ito tumawa ng malakas.

“Hindi ako nakikipagbiruan!” bahagyang tumaas ang tinig ng lalake kaya tumigil sa pagtawa ang kanyang kasama. “Buhay ang pinag-uusapan dito, tapos game show ang isisingit mo. Ano ka ba naman!” sita pa nito.

“Gusto ko lang na ma-relax ka kaya kita pinatatawa. Masyado ka naman kasing serious e wala naman tayo sa ICU.” Tatawa sana uli ‘to kaso isang matalim na tingin ang ibinigay sa kanya ng lalake kaya pumormal na ito. “Look, I know kinakabahan ka dahil ngayon mo lang gagawin ‘to. Pero in-assure ko na sayo na hindi papalpak ang mga tauhan ko. Trust me.”

“May tiwala naman ako sa’yo e, kaya nga ako nandito.” Napaupo ang lalake at tila sasabunutan na ang sarili. “It’s just that… naguguluhan lang talaga ako.”

“Huwag ka nang maguluhan. Napag-usapan na natin ang buong plano. We discussed this several times. Just do your part and I will do mine. Believe me, bukas ng gabi ay masaya ka na.”

“Sana nga.” Bahala na.

WALANG kamalay-malay ang babaeng nagda-drive na may nakaabang na pala sa labas ng kanilang subdivision. Pakanta-kanta pa ito.

Lihim na nagpasalamat ang babae nang makitang walang traffic sa labas ng White Plains. Ibig sabihin ay mabilis niyang mararating ang French Embassy na nasa Buendia Avenue. Sa isang araw na ang kanyang alis at kailangang makuha niya ang kanyang visa.

Napatingin siya sa labas ng kanyang sasakyan at napangiti. Maganda ang sikat ng araw at maaliwalas ang langit. Tila ang ganda ng paligid, lalo na sa parteng dinadaanan niya sa may Acropolis. Elevated kasi ang naturang lugar kaya’t nakikita niya ang ibabang bahagi ng lungsod na patungong Marikina.

What a beautiful day.

“LUMABAS na ang subject. Alert na kayo diyan. Dadaan na siya in two minutes.” Kabisado na ng nagsalita ang rotang ginagamit ng babae kapag lumalabas ito ng subdivision. Ilang araw din yata nilang sinubaybayan ito.

“Natatanaw na namin ang kotse,” sagot naman ng kasama nito sa radyo.

“Okay, then execute plan A now.”

“Plan A na po.” Yun lang at nawala na sa ere ang nagsalita.

MABILIS na inapakan ng babae ang break ng kotse nang makita ang biglang pagsulpot ng isang van sa harap niya.

“Shit!” napasigaw pa siya dahil akala niya ay sasalpok ang sasakyan niya. Nakahinga siya nang tumigil ang kanyang Honda Civic, pero halos gahibla lang ang distansya nila ng van.

Oh my God. Napasandal siya nang ma-realize na muntik na siyang madisgrasya.

“Baba!” Napakislot ang babae nang marinig ang sigaw. Nang mapatingin siya sa labas ng kotse ay isang pigurang naka-bonnet ang naroroon. May baril itong nakatutok sa kanya!

Kidnapper! Yun ang agad na rumihestro sa utak niya. Nagpapanic na inabot niya ang cellphone sa bulsa, pero bago pa niya makuha ‘yun ay nabuksan na ang kanyang sasakyan. Sa isang iglap ay hawak na siya nito sa may braso.

“Miss, huwag ka nang pumalag.” Mabilis siyang nahila ng lalake palabas ng kanyang sariling kotse. Kahit nagpupumiglas ay wala siyang nagawa dahil higit itong malakas kesa sa kanya. Sa isang iglap ay naipasok siya sa vannette.

“S-sino kayo? Anong kasalanan ko?” sigaw niya sa dalawa pang naroroon sa loob ng sasakyan. Mabilis siyang napiringan sa mata kaya’t hindi na niya natingnan ang mga iyun. Pero dinig na dinig niya nang may magsalita.

“Pasensya na, trabaho lang ito.” Surprisingly ay mahinahon ang tinig.

“Trabaho ninyo ang mandukot ng tao?” lakas-loob niyang tanong. Pero wala na siyang narinig na sagot mula sa kanyang mga abductors.

GOD, bakit ako pa ang nakidnap? Hindi pa ba sapat ang mga dinaanan kong sama ng loob? Paano pag hindi ako natubos agad? Anong mangyayari sa akin? Papatayin?

Naramdaman na lang niyang tumatakbo na ang sasakayan. Kung saan patungo, hindi niya alam. Mayamaya ay may naamoy siyang kung anong klaseng kemikal. Tila sadyang itinapat iyun sa may ilong niya kaya langhap na langhap niya ang nakakahilong amoy. Unti-unti siyang nahihilo’t nanghihina.

Lord, help me. Yun lang at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Of Love and Second ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon