Chapter 40 Because Of Her

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ko rin kayang mabuhay kapag wala ka" tiningala ko sya. Ngumiti sya sa akin.

"Since hindi naman tayo makatulog let's play na lang.." sabay ngisi. Napairap na lang ako. Alam ko na ang larong sinasabi nya. I goes on top of him. At naramdaman ko na nagigising na si junjun.

"Love.. ready ka na agad..." bigla syang bumangon, at mabili na pumaikot sa lower back ko ang mga braso nya.

"I'm always ready for you.. Love" lumapit pa ako sa kanya.

"Sigurado ka eh.. hindi ka pa nga natutulog ako may energy na ako eh ikaw?" I tease him.

"At talagang ako pa ang hinamon mo' he begin to kiss my neck. Paano kaya ako mabubuhay kung wala sya. Malamang mamatay matay na ako. Hindi ko na kayang magmahal kung mawawala sya sa akin.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

General POV

Sa resturant kung saan nag kita dati sina Karylle at Nanay ni Vice dun ito makikipagkita. Magkatabi si Vice at Karylle habang inaantay ang Nanay nito.

"Love.. babalik na ako sa office.." paalam ni Karylle.

"Dito ka lang" hinawakan nya ang kamay ng kasintahan at pinisil yun.

"Okay" sagot na lang ng dalaga.

"I need you here please." Naramdaman ni Karylle ang panlalamig ng mga kamay nito.

"Love relax ka lang". Dumating ang inaantay nila. Gustong gustong yakapin ni Gng. Rosario ang Anak dahil sa sobrang tagal na hindi ito kasama. "Love.. akapin mo sya.." bulong ng dalaga. Nag angat ng paningin si Vice at tiningnan ang ina. Huminga muna sya ng malalim bago tumayo at niyakap ang INA.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ni Vice. Sa loob ng 32 years na pag hihiwalay nila ngayon lang ulit nya naakap ang ina. Hindi man nya aminin sa sarili pero namiss nya ang Nanay nya.

"Tutoy.. ang saya saya ko at nakipagkita kana sa akin.." umiiyak nitong sabi. Gumanti ng yakap si Vice, kahit may galit sa puso nya para sa ika di maikakailang mahal nya pa rin ang Nanay nya. Pagkatapos ng pagyayakapan nila naupo sila sa silya doon. Mabilis na hinawakan ni Vice ang kamay ni Karylle pagkaupo nito sa tabi nya. Ramdam ni Karylle ang bilis ng tibok ng puso nito pati narin ang mga nanlalamig na kamay nito. Nun lang nya nakita na ganun ka tense ang binata.

"Anak.. may g..gusto ka.. kaba?" Tanong ng ginang. Hindi sumagot si Vice. Kaya mabilis napawi ang ngiti ng matanda.

"Love.." tawag ni Karylle, lumingon si Vice sa kasintahan at nasilayan nya ang ngiti nito.

"Ahmm.. gusto ko po sana ng chicken adobo" sabi ni Vice, kaya mabilis na napawi ang lungkot ng matanda.

"Ang paborito mo." Masayang sambit nito. Tumango naman si Vice. Nag order naman ng pagkain ang matanda.

"Tutoy" tawag ng nanay nya napalingon si Vice dito. Hindi nya alam kung anong mararamdaman isang halo halong emosyon. Masaya, malungkot at galit. Pero gusto nyang bigyan ng tyansa ang Nanay nya dahil sinabi ni Karylle.

"Bakit? Bakit di kayo bumalik?" Tanong ni Vice na pinipigil ang pag ngi ngit ngit sa ina. Karylle squeeze his hands to make him relax.

"Anak.. gustong gusto kitang balikan.. alam mo ba yun. Bawat sandali iniisip kita na sana kasama kita na sana hindi kita iniwan. Nag trabaho ako sa san francisco califoria para sa kinabukasan mo, kaya lang malupit yung amo ko, hindi nya ako binibigyan ng sweldo at tinatrato ng tama hindi rin ako makauwi dito sa pilipinas. Miss na miss na kita nun anak lumipas yung araw at taon parang mamatay na ako dahil sa sobrang pangungulila sayo.. anak kung alam mo lang binalikan kita sa tito mo kaya lang wala ka na dun.. nagalit ako sa kanila dahil pinabayaan ka nila.. pero mas nagalit ako sa sarili ko dahil kinailangan ko pang iwan ka sa kanila.. anak mahal na mahal kita." Umiiyak nitong sabi. Naluluha din si Karylle sa narinig at si Vice walang reaction. Tumayo lang ito bigla.

My Conceited Prince || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon