May mga ilang batang opisyal na rin siyang nakilala dahil madalas siyang pumunta sa opisina ng daddy niya, pero si Rain pa rin ang nasa puso niya. Alam niyang hindi magtatagal at sila pa rin talaga ang magkakatuluyan.

ANG dapat ay matuwa siya. Ni hindi na siya nilalapitan ni Ginny ngayon. Pero hindi maintindihan ni Rain na kung bakit tila nami-miss niya ngayon ang pangungulit ng babae sa kanya. Maging ang mga luto nito at pagkain na laging dinadala noon sa barracks ay bigla niyang hinahanap-hanap.

Tuwing nakikita niya si Ginny ay nag-e-expect pa rin siyang kakausapin siya nito, pero parang may invisible wall na sa gitna nila. At kung kelan hindi na niya nakakausap man lang si Ginny, ay tila lalo pa itong gumanda ng husto. Sa katunayan ay crush yata ito ng buong batch nila.

“Bok, bakit ba hindi na nagagawi dito yung chikas mo?” tanong sa kanya minsan ng mistah niya.

“Busy yata,” dahilan na lang niya.

“Baka naman inaway mo? Sayang… ang sarap pa naman ng mga niluluto nun, no?”

“Saka ang ganda pa kamo! Parang pang-Miss Universe!” sabad ng isa pa.

“Oo nga. Lahat yata ng kilala kong opisyal at mga sundalo dito, may gusto sa kanya e.”

“Ows?” kunwari’y nagulat siya, pero alam na niya ‘yun. Naririnig din naman niya ang usapan ng iba.

“Oo. Kaya nga ang suwerte mo na dati e, ikaw ang type.”

“Baka naman nagising na, kaya di na siya type!” Saka nagkatawanan ang mga magmi-mistah.

“Uy, may girlfriend na ako no!”

“May girlfriend ka nga, wala naman dito.”

“Ewan ko sa inyo, ang labo niyo.” Naiiling na lumayo si Rain. Gusto tuloy niyang dalawin si Lilibeth, dahil mas naiisip niya lately si Ginny, gayung hindi naman dapat.

ONE week bago mag-September ay nagkita uli sina Rain at Ginny sa may simbahan.

“Uy, kumusta?” Genuine ang naramdamang tuwa ni Rain nang makita si Ginny that afternoon. Ilang araw na rin kasi niyang hindi nakikita ang babae kaya akala niya ay bumalik na ito sa states.

“Eto, okay lang. Ikaw?” Bahagyang ngiti lang ang ibinigay ng dalaga.

“I’m good. Tapos ka na bang mag-mass?”

“Yeah. Katatapos lang. Ikaw?”

“Ngayon pa lang. Sayang hindi tayo nagkasabay ng misa.”

“Oo nga e.” There was an awkward silence.

Hindi maialis-alis ni Rain ang mga mata kay Ginny. Manipis ang suot nitong baby blue blouse na maiksi ang manggas, hapit na hapit ang faded Levi’s jeans nito at blue sandals. Nakalugay ang buhok ng babae na nililipad lipad ng hangin, parang sa isang TV commercial.

“Sige, mauuna na ako,” ani Ginny.

“S-sandali!” Hindi alam ni Rain kung bakit bigla niyang pinigilan ang babae. “May gagawin ka ba mamaya?”

“Mamaya? Wala naman. Uuwi na ako ngayon.”

“P-puwede ka bang ma-invite ng dinner mamaya? Kung okay lang?”

“Okay lang sa akin. Ang kaso, baka hindi okay sa girlfriend mo.” Ngumiti si Ginny. Lalong nalito si Rain.

“Daanan kita sa bahay ninyo after nitong mass ha?” Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw na muna niyang isipin si Lilibeth ng mga oras na ‘yun.

“Sige, ikaw bahala.” Yun lang at umalis na si Ginny.

Feeling ni Rain ay makakarami siya ngayon ng Our Father, Hail Mary at Glory Be! Kelangan niyang magdasal ng husto!

PAGDATING ni Ginny sa bahay nila ay agad itong tumakbo sa kuwarto at dumiretso sa banyo para maligo kahit naligo na siya two hours ago.

Excited siyang nagbihis at naghanda para sa pagsundo sa kanya ni Rain mamaya.

Forty minutes nalang, naisip niya nang makita ang wall clock.

Isang manipis na strapless gray blouse ang pinili niya, tinernuhan niya iyun ng dark gray pants and black stilettos. Isang maliit na black Gucci pouch ang napili niya- eksakto lang para sa 2 credit cards, isang atm, ang kanyang mac powder at lip gloss, cash and susi ng kotse.

Tiningnan niya ang buhok niya. Nagpasya siyang itali yun para hindi magulo. Hindi nagtagal ay tinawag na siya ng kanilang katulong- nasa baba na daw ang sundo niya.

Paalis na sila ni Rain nang biglang dumating sina Genoveva at Marcial. Ipinakilala muna ni Ginny ang lalake sa kanyang parents bago tuluyang umalis.

Imbes na dalhin ang sariling kotse ay ginamit nila ang sasakyang dala ni Rain.

“Buti pinahiram ka? Actually hindi naman kailangan yan kasi I have a car naman.” Very sweet na wika ni Ginny sa kasama.

“Okay lang to, at least ako ang nagda-drive.”

“Ikaw bahala,” napakibit balikat lang si Ginny at hinayaang si Rain ang magdesisyon.

Isang sea foods and grill restaurant ang napili ng lalake. After nilang mag-order ay normal silang nag-usap, like they were long time friends. In fairness ay nag-enjoy ang dalaga kahit calculated lahat ng galaw niya, ayun sa kanyang sariling plano.

When they were about to leave, kaswal na inimbita ni Ginny si Rain sa bahay nila sa isang araw.

“Despedida party lang,” wika niya. “I hope you could come.”

“Kelan ang alis mo?” tanong ni Rain.

“Sa Thursday na, via Philippine Airlines.” Nasa may parking lot na sila at ipinagbukas pa siya ng pinto ng lalake.

“Tuloy na pala ang alis mo ha?” Ngumiti si Rain.

“Oo naman. Kaya huwag kang mawawala ha?”

“Sige I’ll be there. Mga anong oras?”

“Mga 430pm.”

“Sure ka? Bakit hapon?”

“Yun kasi gusto ni daddy.”

“Okay. Mga 4pm andun na ako,” paniniguro ni Rain.”

“Okay. So see you on Thursday.”

Tumango lang si Ginny saka tumahimik. Habang nagbibiyahe sila pabalik sa loob ng air base ay bumibiyahe din ang kanyang utak.

I’ll make sure everything’s going to be perfect.

Of Love and Second ChancesWhere stories live. Discover now