26 : The Lucky one

Beginne am Anfang
                                    

Someone is looking out for me. Iyon agad ang napagtanto ko.

"Tulong!" Narinig kong muli ang boses ni Darius kaya kahit nalilito ay pilit pa rin akong bumangon at sinundan ang kanyang boses.

"Darius!" Nagimbal ako nang makita ko siyang nakasandal sa isang malaking puno  habang nakatarak sa kanyang tiyan ang isang malaking piraso ng kahoy. Wala sa sarili akong napatingala at nakita kong nakakabit pala ang piraso ng kahoy sa isang malaking sanga. It was a trap! Darius must've unknowingly triggered something causing it to launch and impale him to a tree!

"S-si Kelsey..." Hinang-hina nitong sambit. Dahil sa liwanag ng buwan, nakikita kong may mumunting dugong lumalabas mula sa kanyang bibig. 

"She's okay and you're going to be okay!" Mangiyak-ngiyak at nanginginig kong sambit. 

"I'm going to pull it out and I need you to move away, as fast as you can okay?!" Pilit kong nilunok ang aking hikbi at tinatagan ang boses. I can't be weak, especially now.

"I-ilayo mo si Kelsey dito... Umalis na kayo," pakiusap niya pero mabilis akong umiling.

"Not tonight! We'll all make it out alive!" giit ko at humawak nang mahigpit sa kahoy. "I'm going to pull it so move!" And with all my strength, I tried to pull it away from him.

I grunted so loud that it turned into a gutteral scream. Darius let out a sharp cry in agony as well.

Naramdaman kong unti-unti kong naingat ang kahoy na nakatarak sa kanya ngunit bigla na lang dumulas ito sa mga kamay ko dahilan para mabitiwan ko ito at muli itong tumusok nang mas malalim sa kanya.

Umalingawngaw ang ubod nang lakas na sigaw ni Darius dahil sa labis na sakit. Sa sobrang lakas pakiramdam ko'y rinig ito sa buong kagubatan. Nanuot sa kaibuturan ng pagkatao ko ang kanyang palahaw lalo't ako ang may kagagawan nito.

"Sorry! I'm sorry!" Tuluyan akong napaiyak. Pilit kong nilunok ang hikbi at pinunasan ang mga kamay ko. Humawak akong muli sa kahoy at umiiyak na napatingin sa kanya. "I'll try again, I'm sorry! I'll try again!"

Huminga siya nang malalim habang humihikbi. Nanginginig na siya dahil sa labis na sakit at naririnig ko ang pagpatak ng kanyang dugo sa damuhan.

Mariin akong napapikit nang maalala ko ang presensyang kanina ko pa nararamdamang tila ba nakamasid at gumagabay sa akin. 

"I need you... Whoever you are, please help me," paulit-ulit kong bulong habang mas hinihigpitan ang hawak sa kahoy. Humugot ako nang malalim na hininga at buong lakas itong hinila. 

Nagulat ako nang maramdaman kong tila ba unti-unting gumagaan ang kahoy. Dumilat ako at mas inigihan pa ang paghila hanggang sa tuluyang mahugot ang napakatalim na dulo ng kahoy mula sa tiyan ni Darius.

Hinang-hinang bumagsak si Darius sa lupa ngunit kasabay din nito ang pagbulwak ng kanyang dugo at lamang-loob mula sa napakalaking butas sa kanyang tiyan.

Tila ba nanlambot ang mga tuhod ko lalo na nang makita ang ilan parte ng kanyang bituka na naiwang nakasabit sa talim ng kahoy. Tuluyan kong nabitiwan ang kahoy dahilan para muli itong tumarak sa puno at gumawa ng malakas at nakakakilabot na kalabog.

"Darius!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong humagulgol. Dinaluhan ko siya, lumuhod ako sa kanyang harapan at nakita kong panay ang kanyang pagsinghap. Nangingisay na rin siya.

Mariin akong napalunok at pilit na nilakasan ang kalooban. Tumayo ako at hinila ang bituka ni Darius na nakasabit sa kahoy at pilit itong ibinalik sa loob ng butas niyang tiyan. 

Sobrang lagkit ng aking mga kamay. Mainit at napakalapot ng kanyang mga bituka at dumudulas ito sa kamay ko dahil balot ito ng dugo. Gusto ko itong hawakan nang mahigpit upang huwag ko itong mabitiwan ngunit natatakot akong sumabog ito sa aking mga kamay.

Hunyango (Published under Bliss Books)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt