Chapter 10 : Zombie in the Jungle

Začít od začátku
                                    

Naghahanap sila ng kweba.

Pero wala silang makita.

Unti.unti narin dumilim dahil sa pag ambon ng langit.

Dagdag pa na nasa ilalim sila ng mayayabong na puno.

Nasa kalagitnaan sila ng gubat ng may marinig silang ungol ..

Tumigil sila sa paglalakad at yumuko.

Ungol ng mga Zombies yun  !!

"O___O" reaction nilang lima.

Dipa sila handa sa digmaan.

Palapit ng palapit ang mga ungol na yun. Lalo naman silang natataranta. Palinga linga sila bakasakaling makahanap ng mapagtataguan. Pero puro puno lang ang nakikita nila.

Tumayo si Vice .. boom .. sakto naman na napalingon ang zombie at nakita sya. Agad syang yumuko pero alam nyang papalapit ang zombie sa kanila.

"Anak ng sampong baka. Guys. Be ready .. mapapalaban tayo !!"

Kaya nilang lumaban pero nag aalala sila kay Vhong dahil nanghihina pa ito.

Tinitigan ni Vice ang apat nyang kasama.

"Ano na naman binabalak mo Vice ?" Nag aalalang tanong ni K.

"Billy. Ilayo mo si Vhong dito. Anne alalayan mo silang dalawa.." Seryusong sabi ni Vice at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng tatlo.

"Vice !!" - K

Hinawakan ni Vice ang kamay ni K.

"Ililigaw ko ang mga zombie. Ilayo nyu si Vhong. Babalik ako dito mismo sa kinatatayoan natin."

"I'll go with you." - K

Nagtitigan ang ViceRylle ..

"Sa aya't sa gusto mo." -K

Binalingan ni Vice si Anne. "I trust you. Kelangan buo kayo pag nagkita tayo dito. Gets nyu ?"

Maluhaluha naman si Anne at napatango saka nag group hug silang lima.

Tumayo si Vice at tumakbo saka nag sisigaw para tawagin ang pansin ng mga zombie na nooy palapit na sa pinagtataguan nila.

Sinundan sya ng mga Zombie.

"See ya later guys." Paalam ni K at tumakbo narin pasunod kay Vice.

Narinig nalang nina Billy Vhong Anne ang sigaw putok ng baril at kalansing sa di kalayuan.

Pero nakarinig din sila ng ungol ng zombie na sa tingin nila ay papalapit sa kanila.

Agad na inalalayan ni Billy si Vhong patayo.

At lakad takbo na nilisan ang lugar na yon.

---------------

Vice's POV:

30 minutes na kami nakipag bunuan sa mga Zombies na to.

Pasalamat nalang kami at wala silang ka armas armas.

Mahihirap ata ang mga to. Mga NPA siguro to at dito namumugad sa gubat. :3

Takbo.

Baril.

Nakipag bunuan.

Tatakbo ulit.

Nakaramdam na ako ng pagod.

Nilingon ko si K.

Busy ito sa pag pugot ng ulo ng zombie gamit ang katana nya.

Pero halata ko narin ang pagod nya.

ZomBaysril Radioactive (Showtime Family) *ON HOLD*Kde žijí příběhy. Začni objevovat