"Hoy!" Halos napatalon ako nang sigawan ako ni Everlyse.

Nanlaki ang mga mata ko at nilingon siya. That better be important, Lyse. "What?" Tunog iritado kong tanong.

"I said I'll call Stan and at least introduce you to his bandmates. Asar! Walang modo 'tong kapatid ko." Aniya at nagmartsa siya pinapaalis ang mga babaeng nakapalibot sa banda, nangungumusta sa nakaraang summer.

Tumigil ako sa pagpapangalumbaba at inayos ko ang buhok ko. Whatever was wrong with me, I'm pretty sure this can't be good.

Tumingin sila sa akin at nakangising tumango si Stan kay Everlyse. Nagmartsa pabalik si Everlyse sa desk ko. Umupo ako ng maayos habang kumakalabog ang puso ko. Ngumiti ako sa kanila. Naglakad sila patungo sa akin, kasama naman ang iilang kaklase at schoolmate na nakikisawsaw na rin.

"Mga 'tol, this is my cousin. Megan Marfori." Ani Stan sa mga kabanda niya.

Tumango sila at may dalawang kabanda niya ang naglahad ng kamay.

'Yong isang pinaka matangkad, at 'yong isa namang medyo maskulado.

"This is Joey." Sabay turo ni Stan sa medyo maskuladong kabanda. "And this is Warren." Aniya sa matangkad.

Tumayo ako at tinanggap ang mga kamay nila.

"Is she off limits like Everlyse, too, Stan?" Nagtaas ng kilay si Joey at tumawa kay Stan.

Ngumiwi si Stan at hindi na sinagot ang tanong ni Joey. He's arrogant but protective, I'll give him that. Hindi na nila kailangan ng sagot. Tumawa na lang ang dalawa at nag high five sa isa't-isa.

"This is Noah." Ani Stan sabay tingin kay Noah.

Even his name screams heaven! Alright! Hindi ko mapigilang ngumiti. Hindi siya naglahad ng kamay. Tumango lang siya sa akin at bumaling ulit kay Stan para kausapin sa hindi konektadong topic.

"I'm Maria Georgianne Marfori." Naglahad ako ng kamay kay Noah.

Tumango siya sa akin at tinanggap niya ang kamay ko. Tumitig ako sa mga kamay namin. Mabilis niya naman itong tinanggal lalo na nang may tumawag sa kanyang isang babae galing sa labas.

"Maria Georgianne, huh? But then I can call you Megan, right? Ayokong masyadong pormal." Ani Warren at kinindatan ako.

Hilaw akong ngumiti at tumango bago sinundan ng tingin si Noah.

Nagpaalam sina Stan para pumwesto na sa likod kung saan sila uupo. Samantalang ako naman ay nakatayo parin at tinititigan si Noah.

"Girlfriend niya ba 'yong kausap niya?" Napatanong ako kay Everlyse habang umuupo ako.

"Nino? Ni Noah? Walang girlfriend 'yan." Aniya at ngumisi.

Siniko niya ako nang di siya matahimik sa inasta ko. Nilingon ko siya at ngumiti.

"You like him?" Nagtaas siya ng kilay.

"He's mysterious."

"Oh girl. Masamang mahumaling sa mga misteryoso. Hindi mo alam kung anong pinapasok mo." Ngumiti siya.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon