"Kawangis na kawangis mo ang iyong ina," nakangiting puna nito kaya napangiti rin ako.

"Hindi na ako magtataka kung lapitan ka ni Themisto," natatawang sabi nito kaya napakunot ang aking noo.

Ang hari, lalapit sa akin?

"Hindi kita nakasama nang matagal, anak, ngunit sa iyong mga ikinikilos... Masasabi ko na namana mo ito sa iyong ina."

Napangiti naman ako. Sinasabi ni ama. Kung gayon ay mas marami pala akong nakuha sa aking ina kaysa sa kanya.

"Marami akong pagkukulang sa iyo, anak. Ilang taon na hindi ka namin nakasama ng iyong ina. Ngunit kami'y natutuwa sapagkat naalagaan ka nang mabuti ni Callisto..."

Si Callisto... Nabanggit nanaman siya sa akin. Ano bang mayroon at bakit siya ang bukambibig ng mga tao-este bampira ngayon?

"Napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Inalagaan ka niya at prinotektahan sa mahabang panahon... Napakabait pa niya," sabi nito kaya bahagya akong napayuko.

Nais ko siyang makita ngayon. Nais ko siyang makausap tungkol sa napakaraming mga bagay. Nais kong nandito lamang siya sa aking tabi.

"Batid kong ika'y pagod na, anak. Maupo ka muna," nakangiting sabi nito at iginaya ako sa upuan.

"Aasikasuhin ko lamang ang mga bisita," paalam nito bago lumisan.

Nanatili akong nakaupo habang pinagmamasdan ang laylayan ng aking damit.

Lumipas ang ilang minuto at ang tangi kong nais ay mapag-isa. Umalis ako at pasimpleng nagtungo sa ikatlong palapag ng aming mansyon. Kapag nais kong lumanghap ng sariwang hangin, dito ako nagpupunta.

Mula sa itaas ay pinagmasdan ko ang mga nagsasaya sa ibaba. Sana balang araw, magawa ko ring magsaya kagaya nila.

Humangin ng malakas na malamig kaya napayakap ako sa aking sarili.

Naramdaman ko na mayroong yumakap sa akin mula sa likod. Alam ko na kung sino ito. Hindi ako maaaring magkamali.

"Kamahalan..."

Kahit hindi ako lumingon, alam na alam kung sino ang nagmamay-ari nang boses na iyon.

"B-bakit ngayon ka lang?" Naiiyak na tanong ko sa kanya.

"Paumanhin, kamahalan," tanging nasabi nya lang.

"Sabi mo... Hindi mo ako iiwan pero-"

"Binantayan pa rin naman kita. Hindi kita iniwan," sabi nito at kumalas sa yakap.

"Hindi mo man ako nakikita, ngunit maniwala ka man o hindi... Binantayan kita mula sa malayo."

Napatulala ako sa kanyang sinabi. "Malayo? Bakit kailangan mula sa malayo mo pa ako bantayan? Pwede naman na nandito ka sa akin tabi."

Ngumiti siya at itinuro ang kalangitan. Tinignan ko naman ito at nakita ang bilog na buwan.

"Hindi nakakasawang pagmasdan ang buwan," nakangiting puna ko.

"Ngunit mas hindi nakakasawang bantayan ka," natatawang sabi nito.

"Kung mapapahamak ba ako ngayon... I-ililigtas mo pa rin ba ako kahit tapos na ang iyong misyon?" tanong ko sa kanya.

"Kailanman ay hindi matatapos ang aking tungkulin para sa iyo," nakangiting sambit nito. Napatitig na lamang ako sa kanyang mga mata. Hinatak niya ako at humawak siya sa aking bewang.

"Kalapastanganan man ang nga pinaggagagawa ko ngayon, handa akong pagbayaran ang kapalit," seryosong sabi nito at nagsimula na kmaing sumayaw.

"Kahit kailan talaga, Callisto," natatawang sabi ko.

"Naalala mo pa ba ang ikinuwento kong kawal na tagapagbantay ng prinsesa?" tanong nya. Dahan-dahan naman akong tumango nang maalala ang ikinuwento niya na parehas naming hindi alam ang wakas.

"Alam mo na ba ang wakas? Maaari mo ba itong ikwento sa akin?"

"Hello guys!"

Napabitaw ako agad nang marinig ang boses na iyon. Nakita ko naman na yumuko si Callisto sa kanya bilang paggalang.

"Sinasabi ko na nga ba at babalik ka pa rin sa prinsesa," natatawang sabi ni prinsipe Thyone.

"Princess, alam mo ba, ako lang ang mahaba ang pasensya at napagtyagaan ko ang isang ito," sabi niya at tinuro si Callisto.

"Teka, paano mo nalaman na nandito kami?" takhang tanong ni Callisto. Maging ako ay ayan rin ang tanong na gusto kong itanong sa prinsipe na bigla na lamang sumulpot sa kung saan.

"Syempre, nakita ko kanina ang prinsesa na umalis kaya pasimple kong sinundan. Kakausapin ko sana kaya lang itong si Callisto ay may naalaman pang payakap-yakap effect! Nako! Boto talaga ako sa inyo," kwento pa nya. Napayuko na lamang ako. Nakakahiya.

"Uncle Thyone ano bang-"

Napahinto bigla si prinsesa Dione nang makita na kasama namin si prinsipe Thyone.

"Princess, sorry sa kakulitan nitong si uncle ha? Don't worry hahatakin ko na sya palabas," nakangiting sabi nito at hinatak ang braso ni prinsipe Thyone ngunit nagmamatigas pa ito.

"Tigilan mo nga ko! Kinakausap ko pa sila eh!" Protesta nito kaya natawa na lang ako.

"You jerk! Kahit uncle kita ang sarap mong pingutin," asar na sabi ni prinsesa Dione.

"What?! Did you just say jerk to me?!" Gulat na sabi ni prinsipe Thyone.

"Kung hindi lang sila magkadugo, iisipin ko na bagay sila," bulong sa akin ni Callisto kaya natawa naman ako.

"Bakit ba? Alam mo naiisip ko minsan ba baka ampon ka eh! Look at you! Wala kang disiplina sa sarili," pangaral ng prinsesa dito.

"Ako pa talaga ang ampon? Baka nga ikaw ang ampon dyan eh!"

"I'm really really sorry, princess. Hahatakin ko na talaga sya palayo," baling sa akin ni prinsesa Dione at hinatak na palayo si prinsipe Thyone.

"Panira ka kaya ng moment nila," rinig ko pang sabi ng prinsesa bago tuluyang umalis.

"Kapag hindi mo alam na prinsipe si prinsipe Thyone, iisipin mo na isang normal at makulit na bampira lang siya," natatawang sabi ni Callisto.

Tumingin siya sa akin kaya napatitig akong muli sa kanyang mga mata na tila nanghihigop.

"Dahil wala na ang prinsipe, itutuloy ko na ang pagkekwento ng wakas," seryosong sabi nito.

"Matagal ko nang gustong malaman ang wakas ng kwentong iyan," nakangiting sagot ko.

"Alam mo, iniisip ko kung bakit sobrang swerte ng kawal na iyon," sabi nito kaya napakunot ang aking noo.

"Binalikan nya ba ang prinsesa? Nakatuluyan nya ba ito? Anong nangyari sa kanila?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa noo.

"Ang kawal na iyon ay ako... At ang prinsesa ay ikaw."

WAKAS

My Vampire Guard (COMPLETED)Where stories live. Discover now