Chapter 02

29.5K 670 27
                                    

KABANATA II

[THIRD PERSON]

“Bakit tulala ang isang iyan?” tanong ni Dominique matapos nitong lumabas sa comfort room. Natatakpan ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan niya.

Tumingin sa kaniya si Lance na naglalaro ng video game kasama si Ian bago ituon ang tingin kay Owen na tulala ngang nakatingin sa kung saan.

“Hindi ko alam, matapos niyang dumating dito ay ganiyan na iyan,” kibit-balikat ni Lance.

“Nasiraan ata matapos suntukin kahapon ni Manalo,” pabirong saad ni Song na saktong dumating dala ang isang plastic na naglalaman ng mga beer.

“Manalo?” Balik na tanong ni Dom.

“Yep, Landon Manalo. Sounds familiar, right? Captain ball lang naman siya sa kabila,” ani Song.

Kaya pala pamilyar, mortal nilang kaaway ang tinutukoy nila.

“Hindi mo nakita, Dre. I thought last night was one of the best nights for me, too good to be true. Akalain mong hindi lumaban itong si Pareng Owen matapos siyang suntukin ni Manalo? Nababakla na ata ito eh!” biro pa ni Song.

Masamang tumungin si Owen kay Song, tila bumalik na sa sarili.

“I’ll act like I did not hear anything. But dude, fuck you,” sarkasmong angil ni Owen. Ilang saglit silang natahimik ngunit makalipas ang ilang segundo ay pare-pareho silang natawa.

“Nababakla na nga ba?” ngising ani Ian matapos ang tawanan. Si Ian ang lapitin sa kanila ng babae kahit may girlfriend na ito.

“In your fucking dream,” tugon ni Owen habang may ngisi sa labi. Kinuha niya ang popcorn na nakalapag sa table at nginuya ang ilan dito.

“So, what happened?” tanong ni Song. Si Song naman ay ang pinaka-pilyo sa kanila. Tipikal na happy-go-lucky gaya ni Lysander o mas kilala bilang Lance.

“Sayang at ‘yung suntok lang ang napanood ko,” natatawang saad pa ni Song. “Nakita ko rin ‘yung babae na kasama niya.”

“Sayang at wala ako doon,” biro namang singit ni Dom habang pinapatoyo ang buhok nito gamit ang isang bimpo.

“Hindi ka kasi sumama. Pa-good boy kayo ni Aaron. Mga gago kayo!” Pang-aasar naman ni Lance.

“Ano ba talaga ang nangyari?” Muling pagbabalik ni Ian sa tanong. Lahat sila ay napatingin kay Owen.

“I kissed his girl,” walang ganang saad ni Owen na siyang ikinatigil ng lahat. Pati si James Aaron ay nakuha ang atensyon dahil sa binitawan niyang pahayag. Halata ang pagkabigla sa mukha ng lahat.

Napakunot naman ang noo ni Owen sa reaksyon ng mga kaibigan.

“What?” iritadong saad pa ni Owen.

Ilang segundong natahimik ang lahat. Ilang saglit pa ay bigla silang nagsigawan.

“Tangina! Nabinyagan na si Owen! Tangna!” Bulalas ni Song na sinabayan ng halakhak.

Mabilis na umupo si Lance at Song sa tabi ni Owen at inakbayan ito. Bakas sa mukha ng lahat ang tuwa.

“Sabihin mo, anong nakain mo?!”

The Mistress's Daughter (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon