ang tunay na lalaki

450 0 0
                                    

TUNAY NA LALAKI?

Ano ba ang basehan mo ng TUNAY NA LALAKI?

Madami akong nababasa na may ibat ibang ideya sila kung ano bang  meron sa pagiging isang TUNAY na LALAKI.

Ang TUNAY NA LALAKI ay:

may RESPETO sa mga babae.

RESPETO. Isang salita pero napaka meaningful nyan. Tayo mga bababe, gusto tayo na nirerespeto tayo ng mga lalaki, pero minsan sabi din ng kaibgan kong lalaki, ” May mga babae kasi hindi naman ka resperespeto eh, ” natanong ko kung sa paanong paraan. ” yung tipong sila pa mismo lalapit sayo, tapos magpapakita ng motibo.. ” Naisip ko na lang, kung lalaki ka, kahit ano pang kilos ang ipahiwatig sayo ng isang babae, kahit siya pa mismo ang unang nag “da moves” still, u can resist kasi may respeto ka sa kanya. KUHA MO?  Nasa babae na yan, kung gusto nya mawala yung respeto nya sa sarili nya. IKa nga diba, LOVE and RESPECT yourself.

kapag nasa isang relasyon ka, mapapakita mo yung salitang RESPETO sa isang babae, kapag hindi mo hahayaan syang nakikitang nasasakatan.

nandito na yung mga sinasabi nila na:

“ANG TUNAY NA LALAKI HINDI SINASAKATAN ANG MGA BABAE”

– at first, bakit nga ba kailangan pa saktan ang mga babae? ang babae, totoo mag magmahal mga yan,unless na lang talaga kung hindi mo siya pinapahalagahan, maghahanap yan ng iba na mas deserving ng pagmamahal nila. Pero hindi sila bigla biglang mang-iiwan para lang ipagpalit sila. Kami naman mga babae, marunong kami makuntento basta lang mapikta nyo mga lalaki na mahalaga kami sa buhay nyo, hindi yung iiwan na lang kami bigla dahil may mas deserving pa sa amin.

“ANG TUNAY NA LALAKI MARUNONG MAKUNTENTO”

– bakit nga ba madalas hindi nakukuntento ang isang lalaki? dahil kulang ang nabibigay na importansya ng isang babae? kulang ang pagmamahal na binibigay? Diba nga kung tunay ka nagmamahal ka, kahit kulang pa yan, ikaw din mismo ang pupuno nyan at masasabi mong “SOLB”. Marunong ka makuntento, kung alam mo pano magpasalamat sa taas at sasabihin mo, “THANKS BRO, I COULDNT ASK FOR MORE. ” kung alam mo din paano magpahalaga sa mga taong nasa paligid mo at lalo na sa partner mo, na hindi ka na maghahanap pa ng iba pa , dahil kuntento ka na at masaya ka na kung ano man meron ka ngayon. wag ka na maging choosy, magpasalamat ka na lang.

” ANG TUNAY NA LALAKI ay TUNAY MAGMAHAL “

– Ang sarap magmahal ng isang taong alam mo tunay magmahal. TUNAY MAGMAHAL, nakalakip na rin dito yung:

hindi kaya manloko

hindi kaya magsinungaling

hindi  magsasawang magmahal

hindi kayang nakikitang umiiyak sa tabi pinaka espeyal na babae sa buhay nya

nirerespeto desisyon ng isang babae

hindi nagsasawa mga effort para lang mapasaya ang isang babae

wala sa bokubularyo nya ung salitang PAMBABAE

hindi nagsasawa magbigay ng surprises

kaya niya i give up ang buhay nya para sa babaeng minamahal nya

– SARAP NO? kung ganyan lang lahat ng mga lalaki ngayon, wala na yung salitang DIVORCE.

– Sarap din siguro non, kasi lahat masaya at parang araw araw, VALENTINES DAY.

– Walang malungkot, lahat INLOVE.

– Walang barilan, suicide na mangyayari.

” ANG TUNAY NA LALAKI ay MARUNONG MAGHINTAY”

– MOST common sayings dahil sa isang commercial. if you can see and feel it, totooo naman to, diba? Kasi dito mo malalaman ung sinseridad ng isang lalaki at pagmamahal ng isang lalaki sayo. At higit sa lahat RESPETO nya sayo.

– Kaya niya maghintay para sa babaeng gusto at mahal nya. Kahit ilang dekada pa sya sumusuyo, kaya nya panindigan yung salitang ” Maghihintay ako sayo, dahil mahal na mahal kita”  at kahit napaka daming conflict or hindrances hindi niya kayang bitawan ang mga salitang ‘yon.

para sa kin ang tunay na lalaki, alam nya ang tama sa mali at higit sa lahat ang tunay na lalaki ay may respeto sa mga babae.

may mga kanya kanyang opinyon tayo ukol dito, dahil na rin siguro may mga kanyang kanyang damdamin tayo, kanya knayng konklusyon tungkol sa isang lalaki, masasabi ko lang din.. ANG LAHAT NG MGA LALAKI DITO SA MUNDO, AY TUNAY. ?

Tunay na LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon