Ugali na Gusto ng Lalake sa Babae

269 0 0
                                    

Wala nang mas sasarap pa sa lambing ng girlfriend. Tipong kahit mabasa lang ng lalake ang text ng kanyang girlfriend. Naku po! Panalong panalo.

Sa girlfriend kasi masasbi ng lalake na napapagod siya. Tipong inaabangan ng babae ang nangyari sa kanyang minamahal sa loob ng ilang oras. Kapag sinabi ng lalake na pagod siya.

Mag tetext ang babae ” Halika dito (insert tawagan here). Masahihin kita”.

Sobrang kilig ang matatamo ng lalake kapag ganto ba naman ang girlfriend. Minsan naman kapag magkasama kayo. Ayos na yung hawak mo lang ang kamay niya. Lalo na yung mga braso niyo ay magkalapit. Hindi ordinaryong holding hands lang. Mag ka cross ang braso. Para bang hinding hindi kayo bibitiw sa isat-isa. Hawak niyo ang mundo niyo. Nasa kamay niya ang mundo mo.

Wala nang hihigit pa kapag may malambing na girlfriend. Para bang hinahalukay lagi ang puso mo dahil lagi niyang nahahawakan ito. Sobrang nakaka touch kapag nilalambing ka. Para bang handa mong saluhin lahat ng problema ng mundo. Dahil alam mong kakayanin mo.

Sa araw na malungkot ka. Mapapawi lahat ng iyon sa pamamagitan ng ngiti niya.  Ngiting papawi sa lungkot. Ngiting papawi ng problema. At ngiting papawi ng pagod.

Tunay na LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon