"Walang kwenta kang bata ka! Bayaran mo ang pagpapalaki ko sayo!" Sinampal ako ng paulit-ulit ni mama hanggang sa napagod ito at naglakad paalis na parang walang nangyari.
Bakit yung mga nanay na nakikita ko sa labas ng school na tinatambayan ko tuwing hapon at di naman ganito? Lagi nilang binibilhan ng pagkain mga anak nila tapos pinag-aral pa.
"Miss na kita papa." Bulong ko pero narinig ni Tiyo Carlo kaya diniin nya sa akin ang sigarilyong hinihithit nya.
"Aray tiyo.. masakit po! Tama na po a-aray ko." Humagulgol nalang ako dahil sa sobrang sakit ng braso ko.
"Hoy wala na ang bobong tatay mo!! Pasalamat ka di ka pa namin dinidispatya!" Singhal nito.
--
"Tangina!" Napatalon ako sa higaan ko ng makarinig ng malakas na katok sa pintuan.
"Hoy babae alam kong andyan ka, magbabayad ka o susunugin ko tong bahay kasama ka?!" Ang bruha lang pala.
"Teka ho."
Kinuha ko ang natitirang pera sa pitaka ko at binuksan ang pinto para iabot ang pera. Alam kong sasaktan nya na naman ako dahil kulang iyon ng 150.
"Kulang to, bwisit kang babae ka." Hinila nya ang buhok ko bago umalis.
Ganito ang buhay ko pero mas mabuti na to kaysa noong nasa poder pa ako ng magaling ko nanay at ang batugan nyang asawa. Maganda naman ang buhay ko kasama ang papa ko kaso namatay sya kaya kinuha ako ng mama ko, di dahil gusto nya kundi para sya ang makakuha ng
pera at bahay na naiwan sa akin. Di din umabot ng isang taon ang pera dahil binibili nila ng alak o droga at imbes pag-aralin ako ay pinaglimos nila ako para daw makabayad sa pagpapalaki sa akin.
Pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi ko at agad na naligo para makapunta sa trabaho.
My name is Courtney Madrigal, 24 years old at walang kwenta.
ESTÁS LEYENDO
Lacuna
Historia Corta(n.) A blank space, a missing part. Courtney Madrigal, after losing her loving father at the age of 6, she forgot the feeling of being loved. Will someone fill the missing part? The part where she forgot a long time ago?
