••Chapter 5••

Start from the beginning
                                    

"Ako pa ba?"

Sabay kaming napatawa na dalawa. Hindi naman mahirap magustuhan si Clement. He's handsome and cute. He's also very nice and he has a very long temper. Nagustuhan ko agad siya.

Kahit naman ilang ulit na akong nasaktan willing pa din naman akong mag mahal ulit. I know may possibility na iiyak na naman ako but I want to take the risk.

Pagkatapos naming kumain ng cake sa cake shop ay hinatid na ako ni Clement sa boutique ko. Agad naman siyang umalis dahil may gagawin pa siya.

Kaya naiwan ako ditong pinagpatuloy ang ginagawa kong dress ng biglang bumukas ang pinto.

"My ghad, Brielle, what have you done?" Agad na tanong ni Amara.

Bakit na naman nandito to?

"What?" Takang tanong ko.

"Anong ginawa mo kay Flynn?" Tanong niya.

Kumunot naman ang noo ko. "Wala akong ginawa sa kanyang masama, Amara."

"Anong wala? Alam mo bang tumawag sakin si Takeo at sinabi niyang nagwawala daw si Flynn sa bar niya." Halata na nagtataranta na siya.

Napatayo naman ako dahil sa sinabi ni Amara. Ano ba ang nangyayari kay Flynn.

"Samahan mo ako, Amara." Agad kong hinablot ang bag ko at ang kamay ni Amara palabas.

"Teka lang!"

Hindi ko na inintindi ang sunod-sunod na reklamo ni Amara at sinakay na lang siya sa sasakyan ko at agad yung pinaharurot sa bar ni kuya Takeo.

Pinagpawisan na ako sa kaba habang hinahanap si Flynn. Hindi naman ako nahirapang makita siya dahil sa mga nagkukumpulang mga tao na may pinapanood sa gitna. At isa pa, umaalingawngaw kasi ang malakas na boses ni Flynn.

"Flynn, just calm down, man."

"NO! LET ME THE F*CK GO! HINDI PA AKO LASING! I'M PERFECTLY FINE!"

"Sinong niloloko mo? Lasing ka na, kunti na lang masisira mo na lahat ng mga gamit ko dito sa bar."

"I'LL PAY, DAMN IT!"

Panay ang pigil ni kuya Takeo kay Flynn at si Flynn naman ay panay din ang piglas.

"Tama na sabi! Ipunin mo na lang yang pambabayad mo sakin basta tumigil ka na." Pigil ni kuya Takeo.

"Takeo, please... I'm still in my proper senses..." may pagmamakaawa sa boses nito na sabi ni Flynn.

Why is it that it hurts me hearing his voice with pain?

"No." Umiiling na sagot ni kuya Takeo habang ginigiyang umupo si Flynn sa malapit na upuan dun. "Enough is enough, Flynn. Alam mo namang may low alcohol tolerance ka."

"I can handle myself..." matigas ang ulong sabi nito.

"Whatever. You only drink two bottles of beer and now you're drunk." Kuya Takeo just rolled his eyes and look at kuya Bryleigh na ngayon ko lang nakita dun. "Bry, can you please help escourting my costumers out? And please close my bar."

"Okay."

Nang mapadaan si kuya Bryleigh sakin ay tumigil siya sandali bago napabuntong hininga at napailing.

"Takeo!" Napatingin naman ako kay Amara ng tawagin niya si kuya Takeo.

"Amara... baby, what are you doing here?" Tanong ni kuya Takeo at lumapit kay Amara at hinalikan ito sa pisngi.

"Wala, dinala lang ako ni Brielle dito." Sagot naman ni Amara.

"Kuya Takeo, nandito ako para sunduin si Flynn." Sabi ko naman.

His Love Series 2: Love You BetterWhere stories live. Discover now