1

78 13 0
                                    

Chapter One


Unhappy. 

Iyan ang nararamdaman ko ngayong araw. Gusto ko nalang magtatatalon sa inis pero hindi na kasi angkop ang pag-iinerte sa edad ko ngayon. Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko, ano. Sino ba ang gugustuhing pumasok sa eskwelahan na 'to kung ito ang pinakahuling paaralang gusto mong pasukin. 

Hindi sa ayaw ako sa pangalan o sa lugar o sa hitsura nito. There is really one reason why I don't want to study here. It's because of--

"Hindi na ako natutuwa sayo, Gia. Ang iba nga riyan, mas gustong makasama ang kapatid nila sa parehong eskwelahan. Anong meron ang utak mo at ayaw mo rito?!" 

Halos mabatukan ako ng nakakatanda kong kapatid sa inis niya sa akin. Kasabay ko siyang pumasok ngayon araw dahil halos pareho lang kami ng schedule. Sa buong oras na pagbyahe namin, busog na busog na ako sa kakatalak niya.

"Ayaw nga kita kasama sa school, Kuya Earl! Hindi ka naman nakakatuwa! Kontrabida ka palagi!" sa wakas ay sumagot na ako.

Kaso mali ata dahil lalong lumukot ang pagmumukha niya at halos mag-usok na ang ilong sa inis. 

"Wala kang galang! Mas matanda ako sayo ng tatlong taon baka nakakalimutan mo?!"

Umismid nalang ako at palihim na nagmake-face, habang siya ay panay pa rin ang pagtatalak. He sounds like Mom. My god! 

Yes, you read it right. Siya lang ang kaisa-isang rason kung bakit ayaw ko sa paaralan na 'to. Dito siya nag-aaral at graduating na siya sa taong ito sa kursong Engineering. Siya lang naman ang panganay sa aming magkakapatid at siya rin ang pinaka-kontrabida sa buhay ko. 

"Dapat doon nalang ako sa university ni Kuya Ave!" Sinubukan ko pang mag-apila at baka pagbigyan naman niya ako ngayon. 

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako habang naka-pamaywang. Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan pataas-pababa.

"Kaya mo ang standard ng paaralang iyon? You must be so smart first for you to pass their entrance exam, Gia Ivory. Ngayon, sabihin mo sa akin. Kaya mo ba?"

Wow. That hit me too hard! Bumuntong-hininga na lamang ako at umirap. 

"Sabagay, mana pala ako sayo, kuya. Hindi mo rin kaya roon, kaya hindi na ako magtatakha kung ganoon din ako."

Umangat ang gilid ng kanyang mga labi.  "Really, Ivory? I chose to study here because my friends are here. Besides matatalino rin ang mga tao rito. Hindi nga lang kasing taas ng standard ng unibersidad ni Avery. Ewan ko ba sa tukmol na 'yon at naisipang mag law school."

Muli akong napa-irap. "Of course, cuz he's smarter than you."

"Shut up, Gia!" pagod niyang sabi bago tingnan ang kanyang relo,. "10 minutes nalang at magsisimula na ang klase mo. Humayo ka na at magpakatalino."

"Fine," bugnot kong sagot.

Tinuro sa akin ni kuya ang magiging department ko. I choose Infomation Technology course hindi dahil sa gusto ko talaga. Gusto ko kasi dapat ang mag-law din kagaya ni Kuya Ave kaso tinaggap ko na na hindi ko kakayanin ang utakan doon. I choose IT, dahil iyon ang madalas pag-usapan ng mga kaibigan kong lalaki.

Speaking of them. 

Isang buwan ko rin silang hindi nakakausap tungkol sa plano. Pero alam ko na ang gusto nilang kurso. Ang limang lalaki sa grupo naming walo ay gusto talaga ang couse na ito. Iyon na rin ang ginusto pa ng dalawang babae. Kaya lahat kami ay napagpasyahang mag-IT nalang sa darating na kolehiyo. 

Driven BackwardUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum