"Bagyo?"

"Sabi sa balita may bagyo raw."

"Kung ganoon po, ibibigay ko lang ito sa inyo." Inabot niya rito ang papeles. "Hindi ko po matatanggap. Isinauli ko po kay Iñigo pero ayaw niyang tanggapin."

"Bakit mo naman ito ibabalik sa akin?"

"Itinayo po ni Iñigo ang kompanya nang sarili niya. Wala po akong karapatang kunin 'yan."

"Asawa ka niya."

"Dating asawa, Tiyang. Annuled na po ang kasal namin. Hindi sa simbahan pero sa batas. Legally, hindi na kami mag-asawa."

"Ewan ko ba sa inyong mga bata kayo. Puwes, dito ka muna. Hindi ako papayag na hindi ka rito magpapalipas ng gabi, o kahit ilang araw."

"Ang Daddy ko po, walang kasama. Saka ang sabi ninyo, may bagyo."

"'Ku, eh, kung may bagyo na nga, bakit lalakad ka pa? Dito ka muna."

Napatango na lamang siya at tumalikod ito. Nang magbalik ito ay sinabing nakahain na raw. Kailangan daw niyang kumain muna. Sikat naman ang araw kaya naisip niyang marahil wala sa lugar na iyon ang sentro ng bagyo. Mamayang gabi pa naman ang flight niya pabalik kaya maaari pa siyang magtagal ng kaunti.

Maraming kuwento ang matanda tungkol kay Iñigo. "Nagseselos ka pa ba kay Courtney? Naniniwala akong hindi siya gusto ng pamangkin ko."

"P-po?"

"Wala sa personalidad ng pamangkin ko ang magkagusto sa ganoong klaseng babae. Malandi ang isang iyon."

Nagpatuloy ang matanda. Natutuwa siyang kausap ito, totoo. Dahil kapag kausap niya ito at nagkukuwento ito ng mga bagay tungkol kay Iñigo ay nakikita niya ang isang panig nitong siyang labis niyang minahal. Sa tiyahin nito, si Iñigo ay isang mabuting tao. At marahil mabuti itong tao talaga, lamang ay may mga anino ang nakaraan na hindi ito nilubayan at hindi nito ito masisi.

Ang masama lang ay naging bahagi siya ng aninong iyon. At para doon ay hindi sila maaaring magkasama. At kung naniniwala man ang matanda na hindi gusto ni Iñigo si Courtney, tiyak niyang sariling opinyon lamang nito iyon.

Dalawang oras yata silang nagkuwentuhan sa hapag at hindi pa rin naubos ang kuwento nito hanggang sa sala. Sinipat niya ang relo. Kailangan na niyang umalis.

"Tiyang, kailangan ko na pong umalis."

"Hindi. Hintayin mo si Iñigo."

"P-papunta po ba siya rito? Hindi na po. Nagmamadali po talaga ako."

Noong tumunog ang malakas na kulog. Tumawag siya sa airline at sinabi roong naghihintay pa rin daw ang mga ito ng advisory. Nagpasya siyang magtungo na rin sa airport. Papalabas na siya ng pinto nang dumating ang isang sasakyan at umibis mula roon si Iñigo. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Agad itong lumapit sa kanya.

"Isinauli mo raw kay Tiyang ang dokumento? Hindi puwede dahil notarized 'yon. Kahit isauli mo sa kanya, notaryado na."

"Then I'll have my lawyer make a new one and send it over. Nakausap ko na siya at tinanggap niya naman."

"No. It's yours."

"Says who? It's not yours to give, remember? I have to go."

"May bagyo. Hindi ka puwedeng umalis."

"Wala pang advisory. Isa pa, nakarating ka rito."

"Oo, pero makapal na ang ulap. 'Wag ka nang umalis."

"I have to go."

"You stay."

"No. Ano ba ang---"

"Stay, dammit, Charo! 'Wag mong painitin ang ulo ko."

Sasagot pa sana niya ngunit namagitan na si Tiyang Lening. "Hija, huwag ka nang umalis at delikado. Bukas naman baka okay na. Hindi kita mapapayagang umalis nang ganito. Ako naman ang mag-aalala sa 'yo. Nakikiusap ako sa 'yo, 'wag ka nang umalis."

Napabuntong-hininga siya. Ang hirap hindian ng matanda. Tinawagan na lamang niya ang kanyang ama at sinabing bukas na siya makakauwi. Tumuloy siya sa isang silid sa bahay at hindi pa man siya nakakaprente ay pumasok na roon si Iñigo.

"What now?"

"Are you still having an affair with Alejo?"

Halos mapamulagat siya rito. Iyon ba ang ipinagpuputok ng butse ng ego nito? "For your information, it wouldn't be called an affair since we're no longer married."

"We're still married in church."

"You have some nerve! Ano'ng gusto mo, magpakaburo ako habang walang annulment ang simbahan? Gusto mong pumuti ang buhok ko bago ako mag-date ulit?! Hindi ba ang dahilan mo lang kaya ayaw mong makipag-date ako sa iba ay dahil masyado kang mayabang? Puwes, magpapa-announce ako sa diyaryo na annulned na ang kasal natin para hindi ka nasaktan ang higanteng ego mo! Kapal mo!"

"Do you love him?"

"Who?" Nalito na siya sa takbo ng usapan sa matinding galit.

"The Sultan of Brunei!"

"Oh." Kung hindi lang sa sitwasyon ay natawa na marahil siya. "You meant Alejo. It doesnt matter what I feel about him. Besides, you have Courtney. Ako ang nasa pagitan ninyong dalawa. Sorry if I told her we did it again. Nainis lang ako sa kanya. I have every right to be mad at her. Don't take away my right---"

"Forget about her. Answer my question." Salubong ang mga kilay nito, habang nakakunot ang noo.

"Wala akong obligasyong magpaliwanag sa 'yo. Sawa na ako, Iñigo. Gusto ko na lang matahimik. I've already given our two percent share of the company to the foundation you started."

"What?"

"You heard me. I don't want to have anything to do with you."

Tumaas-baba ang Adam's apple nito. "What... what..." Tumikhim ito tila upang klaruhin ang lalamunan. "What are you going to do now?"

"Start a business. Start a new business. Start everything new, that's the plan. I'm selling the house, the one my father gave us."

"I know."

"You do, huh? Nothing escapes you," sarkastikong wika niya. "A clean slate, that's what we need, my father and I. You have that too, don't you? Hindi ba 'yon din ang gusto mo? Good luck---"

"No, I don't have that! I don't have a clean slate! You messed it up!" Marahas na hinagod nito ang buhok. "How dare you come here in my aunt's place. How dare you return the two percent. How dare you return my aunt's forty percent. How dare you sell our house. How dare you move far away from me. How dare you sever any bond you have with me!"

"Iñigo, kung ang gusto mo pala ay magdusa kami habang-buhay, pasensiya ka na. Hindi ko kayang ibigay sa 'yo. Walang kasalanan sa 'yo si Daddy. Alam kong ayaw mong marinig pero 'yon ang totoo."

"You misunderstand---"

"No, I understand perfectly. You have a new plan. Kaya ka nagagalit dahil hindi mo inasahang ibabalik ko ang lahat sa 'yo. Kung anuman ang plano mo, nakasalalay doon. Masyadong mabigat magdala ng galit. 'Yan lang ang masasabi ko sa 'yo."

"You misunderstand, Charo."

"Then make me understand!" Napaiyak na siya. Agad siya nitong niyakap ngunit humakbang siya palayo. "Let me be. I want to be alone."

Bumuntong-hininga ito at saka tumalikod na rin. Ipinangako niya sa sariling iyon na ang huling mga luhang iiiyak niya para rito.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now