Sabi nila .... Sabi lang nila ...Ang ganda daw ng pamumuhay noon...
Simple...
Payak...
Uso ang ligawan...
Harana..
At higit sa lahat.. Mahihinhin daw ang mga babae.
Maria clara lang ang tingin.
Well...siguro maniniwala na rin ako...
"Katulad ng mga bituin sa kalangitan
Ang iyong kagandahan at karikitan
Ay isang diyamanteng kailangang pangalagaan
Upang mag kagayon ay mapasakin kang tuluyan"
Nag huhunian ang mga ibon. Puno ng kulay at pag ibig... May mga kumakanta.. Tumutugma... Mapansin lang ng kanilang minamahal at tinatala...
"Ang iyong mga matang parang butuin
Na sanay kumikinang para saakin
Ang mundong wala ka ay kay dilim
Ano mang bagay basta para sayo ay handa akong maging sakim"
Yung mga babae ang hihinhin, tila mahina lang na pumapaypay habang tinatakpan ang kanilang mukha. Ang mga kagandahan ng mga babae ay mahahalintulad mo talaga sa isang tala... At ang paghanga ng mga lalaki naman ay parang lupa.. Magkalayo man ang tala at lupa .. Gagawin nila ang lahat upang silay mag sama.
"Dahil ang pagibig ko sayo ay parang sampaguita
Kay puro at puti ng puso kong sayo'y humahanga...."
Hayss... Ang ganda ng panahon noon.... Puno ng katahimikan. Ang lahat ay disiplinado... Wala nga yatang nasigaw o nag saskandalo...hayss ang sarap maging dalagang pilipina...
"At ikaw ay parang kalabaw
Gaano ka man katakaw handa pa------" napahinto sa pagtula si isko ng huminto ako sa pagpaypay at matalim na tumingin sakanya...
Mabilis akong kumuha ng isang timbang tubig habang nakadungaw ako sa aking binta..
Kalimutan niyo na ang una kong tinuran... Hindi lahat ng binibini ay ganun kahinhin.
"Señorita kriste----" hindi na naituloy ni isko ang kanyang sasabihin ng tuluyan kong buhusan siya ng tubig.Nanlalaki ang mata niya kong tiningnan
"LAPASTANGAAAAANNNNN!!!!!" malakas kong sigaw na narinig yata ng buong sambayanan...
Hindi ako dayuhan sa panahon na ito. Ni hindi rin ako bago sa ganitong pamumuhay..hindi ako piksyunal na napadpad lang sa panahon na ito... Ngunit ako ay isang normal na binibini... Na hindi kaayon ang asta sa lagay ng panahon..
Pero kaya kong magbago...para sakanya
YOU ARE READING
Back to 1890
RandomNoon ,ang aking tula Ay ikaw ang paksa Ngunit ngayon,handa na akong gumawa ng panibagong akda sa istoryang ito habang ikaw ay wala. . Samahan natin si kristeta... ang binibining nagmahal ... pero hindi tinanggap.Nabigo pero hindi kinaawaan. Isang b...
