Part 23

12.8K 415 6
                                    


"MOMMY ang ganda dito. Nasa Singapore na talaga tayo, mommy. Nakakatuwa!"

Natatawa na lang si Melissa habang pinagmamasdan si Maja na hindi mapakali at palakad-lakad sa hotel room nila. Lahat binubusisi. Mula sa dalawang double bed na nakahilera sa isang panig para sa kanilang mag-iina at kay Demmy; sa malaking built-in cabinet na paglalagyan nila ng mga gamit; sa banyo; hanggang hawiin nito ang kurtina na nakatabing sa malawak na glass windows kung saan malamang kita ang nagtataasang gusali sa Orchard Road, ang sikat na shopping district ng Singapore. Malakas na napasinghap ang dalagita. "Mommy, ang ganda ng view!"

"Mas maganda 'yan sa gabi," sabi ni Dominic na noon lang namalayan ni Melissa na nakatayo pala sa mismong likuran niya. Nanayo ang mga balahibo niya sa batok kasi tumama ang hininga nito sa tuktok ng ulo niya at nag vibrate ang boses nito sa tainga niya.

Lumingon sa kanila si Maja at matamis na ngumiti. "Papasyal po tayo mamaya?"

"Oo naman. Bukas pa naman ang trabaho namin ng mommy niyo. Sa malapit lang tayo pupunta pero sigurado akong magugustuhan mo doon. Okay ba?"

"Yes po!" masiglang tili ni Maja at muling tumingin sa labas ng bintana.

"Puro malls dito sa Orchard Road. We can go window shopping tomorrow or go somewhere else habang nagtatrabaho sila kuya Dominic at ate Melissa," suhestiyon naman ni Demmy na ngiting ngiti habang nakaupo sa gilid ng kama. Nabanggit kasi ng dalaga na maraming beses na ito nakarating sa Singapore kasama si Gray. Lalo tuloy siya nakampante na iwan ang mga bata kay Demmy.

"Kakain din po tayo ng masarap na food?" tanong naman ni Robby na nang lingunin ni Melissa ay nakatayo pala sa tabi ni Dominic.

Parang may lumamutak sa puso niya nang makita niyang niyuko ng binata ang bata, ipinatong ang kamay sa ulo at sinabing, "Oo naman. Kakainin natin lahat ng gusto mo." Mukhang natuwa si Robby kasi nginitian nito ang boss niya.

Nahigit ni Melissa ang hininga habang pinagmamasdan ang dalawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na naging komportable agad ang anak niya kay Dominic sa loob lang ng ilang oras na flight nila. Palibhasa may sariling mundo sina Demmy at Maja kanina at si Dominic ang umaliw sa batang lalaki.

Pero sa totoo lang mas namangha siya na mahilig pala sa bata ang boss niya. Alam din niya na hindi ito nagiging polite lang o napipilitan i-entertain ang bata. May init at pagsuyo ang mga mata nito kapag nakatingin kay Robby, na para bang aliw na aliw talaga ito habang kausap ang anak niya.

Masyado na niyang kilala si Dominic kaya alam niya kung sincere ang ngiti nito o hindi. Alam ni Melissa na ninety percent ng mga taong nakakasalamuha nito, hindi talaga nito gusto kahit pa kinakausap nito na para bang interesado ito sa mga iyon. Kumbaga palagi itong may handang 'business smile' para sa lahat. Ilang beses din na may na-ecounter silang mga bata sa Slade House o kaya kapag nasa labas sila para sa lunch meetings at feeling niya hindi ito komportable sa mga ito. Kaya nga habang pinaplano niya ang trip na iyon nag-alala pa siya na baka maging awkward sa isa't isa ang binata at ang anak niya. Wala naman pala siyang dapat ipag-alala.

"Ate Demmy, may kpop stores ba dito sa Singapore?" narinig niyang tanong ni Maja. Sumagot si Demmy pero hindi na niya masyado naintindihan kahit nasa iisang kuwarto lang naman sila.

Paano habang nakatitig si Melissa sa mukha ni Dominic bigla itong nag-angat ng tingin kaya nagtagpo ang mga mata nila. Ngumiti ito at biglang parang may mga paru-parong nagliparan sa sikmura niya. Wala sa loob na pinaghugpong niya ang mga kamay, kinapa ang mga daliri sa kaliwa, pero wala roon ang wedding ring niya. Ilang linggo na niyang hindi suot ang 'proteksiyon' niya. Masyadong exposed ang puso niya ngayon para sa ngiting iyon.

"Mel? Melissa."

Napakurap siya at narealize na may sinasabi yata si Dominic pero hindi lang niya narinig. "Huh?"

Hindi nagbago ang ngiti ng boss niya na para bang hindi siya nito nahuling natulala. "Pupunta muna ako sa room ko para magkaroon kayong lahat ng time na mag-ayos ng gamit. Nag lunch na tayo sa eroplano pero sigurado akong bitin ang kain ng mga bata kaya okay lang ba kung lumabas tayo after two hours para kumain? Pagkatapos deretso pasyal na tayo?"

Tumikhim si Melissa at ngumiti. "Okay."

Tumango si Dominic, sandaling tumagal ang titig sa mukha niya bago bumaling kina Demmy at Maja para magpaalam. Pagkatapos hinaplos nito uli ang buhok ni Robby bago tuluyang tumalikod at lumabas ng hotel room nila.

THE ASSISTANTWhere stories live. Discover now