Natawa siya. "Makikipagkilala lang naman. Sige, okay lang," sagot niya.

"Naku matutuwa 'yon! Lalo nang magbabagong buhay 'yon pag nalaman niya! Mamaya, tatawagan ko!" natatawang sabi nito at hinampas ni Kels ang braso nito.

"Wag na! Hindi pa pwedeng ligawan si Crystal! Baka ako pa makagalitan," sabi nito.

"Grabe ka naman, Kels! Ang advance mo. Para namang manliligaw na kung magsalita ka. Malay mo naman makikipagkaibigan lang," natatawa namang sabi niya.

"Hay naku, Crystal! Wala akong tiwala sa lalaking 'yon! 'Yon ang gwapo na alam na gwapo kaya nga nakadami na ng girlfriend kahit bata pa. Kaya nga ibinalik 'yan dito kasi nagkalat ng lagim sa Cebu. Muntik nang mapikot. Baka sakali raw na rito tumino 'yan pero hindi ako kumbinsido na nagbago na 'yan. At hindi ang tipo ni Jeremy ang makikipagkaibigan lang sa babae lalo sa ganda mong 'yan. Hindi ko siya bet para sa 'yo. Di ba alam mo na ang lalaking babagay sa 'yo? Hindi si Jeremy 'yon," sabi sa kanya ni Kels.

"Oo, hindi ko nakakalimutan. Dapat yung the best sa lahat ang lalaking pipiliin ko. Pero sabi mo naman hayaan ko lang silang magkandarapa, 'di ba? Huwag kang mag-alala, hindi ko nakakalimutan 'yon," nakatawang sabi niya.

"Sinabi mo 'yan, ha?" tanong sa kanya ni Kels bago sumandok ng ulam.

Tumango siya. Nagulat siya pagpihit niya para ilagay ang mga baso sa lamesa.

"Jacob!" tawag niya.

He quickly got the glasses she was holding before she dropped them. Nakatiim-bagang ito.

"Pakidala sa dining room ang pagkain, Kels," malamig na sabi nito pero sa kanya nakatingin. He was looking angrily at her.

***

Mukhang ito naman ang bad effect ng pagseselos nito. Matapos siyang nasita about her clothes, he started to give her the cold shoulder at grabeng makatitig ito. Nakaka-guilty ang tingin nito kahit wala naman siyang dapat ika-guilty.

Well, meron naman pala. Yung papapanggap niyang mabait na siya rito at yung pang-aakit niya. Pero wait lang. Actually, hindi pa rin siya dapat ma-guilty dahil inililigtas lang naman niya ang sarili sa mga unfair na bagay na gagawin nito sa kanya kung hindi niya gagawin 'yon. Ang narinig naman nito na usapan nila kanina sa kusina, hindi naman 'yon planado. Hindi naman niya alam na susulpot ito bigla. Akala nila ni Kels ay gagabihin ito.

At ngayon nga, kulang na lang ay hindi na siya sumubo sa intense ng pagkakatitig nito sa kanya. Mas Malala yata ito sa nangyari sa fast food kanina. May kulang limang minuto na silang nasa lamesa pero hindi siya nito kinakausap. She has to think of ways to pacify him but what he said surprised her.

"Babalik na tayo bukas ng Maynila!" malamig na sabi nito.

"H-ha? Bakit? Akala ko..."

"Dinala kita rito para tumulong hindi para makipaglandian!"

She heaved a sigh. Hindi niya gusto ang sinabi nito but she has to swallow an angry response. Nagseselos na naman si DFB. And she discovered that he has a hard time controlling his emotions and mouth when he was jealous.

Di ba ito naman ang gusto niya? Ang galitin ito? At ito na 'yon. Kahit gusto na rin niyang patulan ito dahil hindi naman siya malandi, hindi niya ito pwedeng awayin. Mawawalan ng saysay ang lahat. If hindi nito kayang kontrolin ang emosyon, siya, kaya niya. Dapat kayanin niya. How weird lang na mas matanda ito sa kanya pero siya dapat ang umintindi rito.

Who was I kidding? She thought all of a sudden.

Yung totoong Crystal was probably much worse than DFB. Her anger usually got the better of her. Hindi bagay sa kanya ang malandi na word dahil ang bagay sa kanya ay rebelde. At kapag siya ay galit, kasunod na no'n ang pagrerebelde at lahat ay apektado. Pero hindi 'yon pwede ngayon. Kalma-kalma lang muna.

Tumingin siya nang deretso rito. Kunwari ay nasaktan siya sa sinabi nito.

"What are you saying? Roy is Kels' boyfriend and she was with us in the kitchen and we were not flirting. So what do you mean with what you said? I am not that kind of woman..."

Lalong tumigas ang expression nito.

"Don't play dumb with mem Crystal! Alam mong hindi 'yon ang ibig kong sabihin..." he said with his lips hardly moving.

Inabot niya ang baso at uminom muna siya. She sighed.

"If you heard about his friend, I am not really interested..."

"Oh really? Hindi ka intresado? It didn't sound like that to me!" he rudely interrupted her.

Calm down... sabi niya ulit sa sarili. Ito na naman ang Jacob na hari ng mga sarkastiko.

Malungkot na ibinaba niya ang mga kamay on her lap. Naiiling na nagsalita ulit siya, "I can't make you believe me. Pero wala naman akong balak na makipagkilala ro'n. Sinabi ko lang 'yon dahil ayaw ko lang isipin nila na snob ako. I am trying to change, Jacob."

Hayun na naman ang muscle na pumipintig sa panga nito.

"You know damn well what changes we are talking about! I told you not to play games with me, Crystal! Next time na magsuot ka ulit ng ganyan, may parusa na! So now if tapos ka nang kumain, go to bed! Maaga tayong aalis bukas! Bukas, sa kotse ko na sasabihin sa 'yo ang mga dapat mong asahan pagbalik natin sa Maynila. The truce is over!" parang haring sabi nito.

***

Wala siyang balak mag-shower ulit pero sa init ng dugo niya, baka matapon lahat sa labas ng bintana ang pagtitimpi niya. Gano'n pa nga lang ang nangyari kanina at wala pa talagang presensya ng lalaki na may gusto sa kanya, grabe na ang reaction ni DFB. It seemed like making him jealous was not a good idea. Sa ngayon siguro, seducing him was the best option. Out muna ang pagselosin ito pwera na lang if hindi sinasadya.

She was kind of worried sa sinasabi nitong parusa if magsusuot pa siya ng maiksing shorts. She just hoped na hindi naman masyadong malala baka kasi hindi na niya kayang magpigil ng galit dito. Nakakapagod din ang magpigil ng galit. Gusto na niyang batuhin ng plato si DFB kanina. Inis na inabot niya ang tuwalya to cover herself.

That was when the door of the bathroom opened.

Awang ang bibig na tinakpan niya ang sarili but Jacob saw her breasts already.

"Fuck!" dinig niyang anas nito as his eyes traveled to her lower body. 

Seducing Mr. IrresistibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon