Hindi na lang niya sinabi na walang nanliligaw sa kanya dahil unang-una, suplada siya kaya takot ang mga lalaki sa kanya at high-maintenance pa siya. Pero after yesterday, magbabago na lahat 'yon. She will try to be friendlier and bawas arte nang kaunti lalo sa university. Alam naman niyang madaming may crush sa kanya kaso nga walang magkalakas loob na ligawan siya. Kung kukunsumihin niya si Jacob, itotodo na niya.

"Ikaw rin bata pa kaya wag munang magsesryoso, ha? Wag papadala sa mga bulaklak na ganyan," balik biro niya rito.

"Sige na nga, sasabihin ko na kung sino ang nagbigay ng mga 'yan. Galing sa boyfriend ko. Si Roy," Kels said.

"Wow ha? May boyfriend ka na pala. Huwag ka munang mag-aasawa," she said with a wide smile.

"Alam ni Roy na madami akong pangarap. Ako lang ang maasahan ni Nanay. Matagal na kami kaya alam niya ang priorities ko. Dinaan lang niya ito kasi bukas, luluwas na siya. Nagtatrabaho siya sa Maynila. Mabuti nga okay na si Nanay. Pwede na raw siyang bumalik dito sa makalawa. Laking pasalamat ko na nakahabol ako sa enrolment. Sa isang linggo na ang pasukan. Salamat kay Sir Jacob."

Kumunot ang noo niya at tatanungin sana niya what she meant by that pero narinig nilang may tumatawag sa labas. Nag-offer siya na siya na ang titingin dahil isda naman ang nililinis ni Kels.

***

Nakakainggit ang sweetness ng boyfriend ni Kels. May nakalimutan daw itong sabihin kaya bumalik. Para-paraan din lalo at nalaman na wala pa si Jacob. At ngayon nga, kulang na lang ay langgamin ang dalawa. Ito na ang nagtuloy ng paglilinis ng isda ni Kels kanina at ito na rin ang nagprito habang naggigisa ng gulay ang nobya nito. Hindi na siya pinatulong ng dalawa. Ang lamesa na lang daw ang ayusin niya.

Naghuhugas na ngayon si Roy ng mga ginamit sa pagluluto.

"Baka hanapin ka na sa inyo, ha? Sabihin pa ng nanay mo aalis ka na ulit bukas ng umaga hindi ka pa maglagi sa inyo," sabi ni Kels dito habang hinahalo ang gulay na malapit nang maluto.

"Maiintindihan na nila 'yon. Alam naman nilang sobrang na-miss kita," sagot nito.

Hindi niya napigilang hindi tumawa. "Boto naman pala ang future-in-laws mo, Kels so don't worry," sabi niya habang kumukuha ng mga baso. "Keep it up, Roy para hindi magpaligaw si Kels sa iba pag nasa Maynila ka," she joked.

Natawa ang mag-nobyo.

"Hindi niya gagawin 'yon. Alam naman niya kung gaano ko siya kamahal. Sa akin, siguradong-sigurado na siya," Roy said na lumingon pa kay Kels at mukhang kilig na kilig naman ang huli.

Masaya siyang napabuntonghininga. Okay palang maki-bonding nang ganito. This was one of the things she hadn't done before. Hindi naman siya nagmaltrato ng kasambahay but she never had this kind of conversation with any of them. Pag may kailangan siyang iutos, doon niya lang kinakausap ang mga ito. It was true pala that simple things can make people happy. Napukaw ang pag-iisip niya nang marinig na tinawag siya ni Roy.

"Crystal, alam mo bang crush ka ng pamangkin ni Mayor? Nakita ka raw kahapon nung kumuha ng mga gulay ang kapatid ni Mayor na tatay niya para sa supermarket nila riyan sa bayan," biglang sabi sa kanya nito.

Lumapit si Kels sa nobyo.

"Si Jeremy? Naku, playboy ang lalaking 'yon! Huwag mo ngang ibubuyo si Crystal sa barkada mong 'yon!" kunot-noong sabi ni Kels.

"Nagbago na 'yon. Nakita mo nga natorpe kahapon? Kundi nagbago 'yon, di sana nagpakilala na kahapon pa? Mula nang mag-21st birthday 'yon, tumino na. Hindi na nga rin umiinom. Seryoso na sa buhay kaya nga tumutulong na sa business nila. Bukas ng hapon, prutas naman daw ang kukunin nila at sasama raw siya ulit. Pinapasabi nga niya kay Kels na gusto ka sana niyang makilala. Mabuti nga at nakausap kita dahil baka itago ka pa ni Kels sa kanya. Gwapo 'yon. Bagay kayo," tukso nito.

Seducing Mr. IrresistibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon