🎞 Episode 1

9 1 0
                                    

Episode 1

[Third person's POV]

Aligaga ang buong team sa pagcconceptualize ng bagong reality show na illaunch ng network sa isang buwan. Nainspire kasi ang Boss ng Network sa isang reality show sa ibang bansa.

Layuin ng programa na humanap ng mga bagong artista upang mapasikat at matulungan na rin. Lahat ay welcome sa nasasabing reality show pero bilang lang ang maaaring makasama sa final list.

Gusto din ng management na salain mabuti ang mga kalahok. Hanapan ng mga storyang papatok sa masa at kakagatin ng madla. Mabusising proseso ang pagdadaanan ng mga nangangarap na makasama sa patimpalak. Hindi rin naman kasi nagpapahuli ang mga premyo para sa mananalo.

Isang bagong kotse, isang bahay at lupa, limang milyong piso, Dalawang taong kontrata sa network at marami pa.

"So wala na kayong idadagdag?" Tanong ni Natasha sa buong team. Umiling naman ang iba kaya tinapos na nya ang paguusap nila.

Isa isa naman nagligpit ang mga miyembro ng team at isa isa na din umalis sa kwarto na pinagganapan ng kanilang paguusap.

Natasha Flores, Isang bagong producer na binigyan agad ng project ng management. Sya ang pinahawak ng bagong reality show ng kanilang network.

"Stress na stress ka naman dyan" Natatawang sabi nang bagong pasok sa conference room.

Tinignan naman ito ni Natasha ng masama pero imbes na matakot, natawa pa ang lalaki sa kanya.

"Shut up Trunk. Mainit ulo ko sayo ngayon. Hindi ka umattend ng meeting" Naiinis na turan ni Natasha.

Trunk Vargas, Sya ang kasama ni Natasha bilang producer ng bagong programa. Matagal na din sya sa kaniyang trabaho at marami na din naproduce na mga dekalibre na palabas.

"Chill. May inasikaso kasi ako eh." Natatawa pa na sagot nito.

"That is our last meeting and then umpisa na ng audition next week. Tapos kung ano ano pa rin ang gingawa mo" Sumbat ni Natasha.

"Don't worry. I promise, when the program started, I am 100% focus." Nakangiti pero alam mo na seryosong sagot ni Trunk

"Siguraduhin mo lang" Sabi ni Natasha at inirapan pa ang lalaki.

"Promise" Tumatawang sagot ni Trunk.

"Aalis na ako. Bahala ka na dyan." Sabi ni Natasha at kinuha na ang mga gamit nya pero hindi pa sya nakakalabas ng sumagot na naman si Trunk.

"Ayaw mo na makita gwapong mukha ko?" Biro nito sa kanya.

"Kapal mo. Saan ang gwapo dyan?" Naiinis na sagot ni Natasha tapos tuluyan na sya lumabas ng kwarto na pinagmeetingan nila.

Napuno naman ng malakas na tawa ang kwarto dahil kay Trunk. Sarap na sarap kasi sya inisin si Natasha.

Lumabas na din si Trunk ng kwarto pagkalipas ng isang minuto. May kailangan kasi sya na puntahan at may kinalamaan ito sa kanilang programa.

Kakausapin ni Trunk ang mga artistang kasama sa show na magiging Handler ng mga kalahok. Tutulungan ng mga Handler ang mga contestant sa mga challenges.

Palabas na ngayon ng building ang lalaki. Binabati sya ng mga nakakasalubong nya sa hallway at binabalik nya naman ito sa kanila. Mabait na tao si Trunk pero pilyo lang talaga. Mahilig mang-asar lalo na si Natasha.

'Sir Trunk, malate po ako ng mga 30 minutes lang. Ang traffic dito sa pinagshootingan namin eh. Pasensya na po.' Text na natanggap ni Trunk habang papunta sya sa location na pagkikitaan nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Most Iconic FigureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon