Chapter 20

495 16 2
                                    


Sam'sPOV


bumaba na kame ni zhai ng kotse ko at pumasok kame sa loob ng kainan ng pares

"nakakamiss yung pares nila dito no?"

sabi ko kay zhai napansin kong inilibot din nya ang tingin nya sa loob ng resto

"wala padin ipinagbago ang kainan na ito..simple lang pero nakaka good vibes yung dating."

sabi ni Zhai masaya naman ako at mukang hindi na sya nagsusungit sa akin sana tuloy tuloy na ito.

"uo nga eh naalala mo db madalas tayo dito kumain nuon."

sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"tara order na tayo"

tugon naman nya habang nakatingin lang sa menu parang dedma lang sya sa sinabi ko.


"ok sige anu sayo?bulalo beef pares?"


tanong ko sa kanya alam ko yun ang favorite nya ditong kainin.


"uo alam mo naman nagtatanong kapa."


sabi nya at ok naman sa akin na kahit papano hindi na ako strangers kung ituring nya.


"ok sige order lang ako ah."

sabi ko sa kanya at pumunta na ako sa counter para umorder

tahimik lang kameng dalawa habang nakain kapag tinitignan ko naman sya ay focus lang sya sa pagkain nya kaya masaya ako at ok lang sa kanyang kasabay ako kumain ngayon medyo nagtataka lang ako at hindi sya nag susungit sa akin.

"oh baka matunaw na ako nyan kanina kapa nakatitig sa akin"

sabi ni Zhai sa akin at nakatingin din sya habang nagsalita.nahiya naman ako ng konti sa sinabi nya parang napulahan ako ng muka.

"uhm sorry ang ganda mo kasi kaya hindi ko maiwasan na titigan ka."

sagot ko kay Zhai.

"ok lang sanay na ako."

sabi ni Zhai na ngumiti lang ng bahagya.


"masarap ba?"


tanong ko sa kanya pansin ko kasi ang dame nyang nakakain ngayon.


"uo wala naman bago ganto padin yung lasa ng luto nila nuon."


maikling sagot nya.


"salamat at pumayag kang makasama ako ngayon"


sabi ko sa kanya tumingin naman sya sa akin.


"ok lang tska may utang ako sayo dahil sa mga gamut na ibibigay sa amin bukas.at tska ngayon sa paghatid mo sa akin kaya hindi kita inaaway ngayon."


sabi ni Zhai masaya naman ako na appreciate nya ang ginawa ko ngayon.


"wala yun ikaw paba alam mo naman lahat gagawin ko para lang sayo"


sabi ko sa kanya ako na ata ang pinaka corney.


ngumiti naman sya sa pick up line ko mukang effective ang mga joke ko sa kanya.


"uhm pumapayag kana ba na sumali ako sa medical mission mo?"


tanong ko sa kanya.


matagal bago sya sumagot mukang nag isip muna ito,


"ok pero sana gusto ko maging professional ka sa trabaho mo.ayoko ng ginugulo sa mga gantong event gusto kong matulungan lahat ng bata."


sabi nya sa akin.

"Now I Tell You My Secret"Where stories live. Discover now