Capítulo Cuarenta - Bounce Back

Începe de la început
                                    

Naramdaman kong medyo lumuluwag ang pagkapit nya sa akin kaya naman hinawakan ko yung kamay nya ng marahan pero hindi bumibitaw.

Hinayaan namin na magaan lang pero alam ko na hindi bibitaw. Na wala na ulit bibitaw.

Tinignan ko sya at hindi ko maiwasan na mapangiti.

"Liligawan ulit kita." Sabi ko.

"Hanggang sa ready na ulit tayong dalawa." Dagdag ko pa.

******

"At doon, niligawan ko ulit sya. Naging kami naman pero at the end.. di pa rin nagwork. That's what happened." Pagtapos ko sa kwento ko sa kaibigan ko.

"Luh? Ang daya naman!" Saad niya.

"Pano naging madaya yun? Sige nga pakiexplain?" Pang-aasar ko naman.

Lagi kasi siyang nagpapakwento.

"Una, di kumpleto. Pangalawa, laging bitin. Pangatlo.. basta ang daya naman. Isusumbong kita kay Mama talaga!" Pagmamaktol pa niya.

"E ano gagawin ko? Sa bawat araw na ginawa ng Diyos wala ka namang ibang tinanong sa akin kundi puro tungkol sa ex ko. Bakit ka ba interesado?" Medyo iritable kong tanong sa kanya.

"Wala. Wala kasi akong magawa dito sa coffee shop."

Napasandal naman ako sa pagkakaupo ko at binaling ang atensyon sa paligid.

Wala nga masyadong tao. Palibhasa ay weekday at patay na oras.

"Bakit hindi na lang ikaw yung magserve? Try mo magcashier, try mo mag-urong at iba pa." Pag bigay ko ng suhestiyon habang tutok sa ipad at nag-isketch ng maaaring maging disenyo ng tulay.

"Edi ikaw. Ikaw naka-isip e." Pagbalik nya sa akin ng mha sinabi ko.

"Magtatanong tapos.." Napamasahe na lang ako sa sentido ko.

Nagulat naman ako noong bigla siyang tumayo at tinabihan si Troy sa counter na may kausap na isang customer.

Napalingon naman si Troy sa akin at tinanguan ko na lang. Naintindihan naman niya na ang ibig kong sabihin ay hayaan na lang yung nanggugulo sa pwesyo niya.

Bakit ko ba kasi 'to ginagawa.
Napailing na lang ako nang makita kong sinunod niya ang suhestiyon ko at binalik ang atensyon sa pagsketch nang biglang may lumitaw sa harapan ko.

"Anak ka ng @$%#&☆!"


"O brad! Chill! Ako lang 'to." May kasama pang pang mostra na akala mo naman sasapakin ko sya."

"O kumusta naman alaga natin? Hahaha! Wala na talagang pag-asa?" Pang-aasar niyang tanong.


"Gusto mo mawalan ng pag-asang masilayan ang araw bukas?" Pabiro kong pagbabanta na malapit ko na rin namang totohanin.

Natatawa lang sya talaga sa sinabi ko.

"So.. wala na nga?"

Nagkibit balikat lang ako.

"Bat di mo ligawan?"


"Gagu ka ba? Hahahaha. Raulo 'to. Wala na nga."

"Good morning Sir! Ano pong order nila?" Bigla namang sumulpot si Jaki sa gilid namin.

Wala na bang ibang alam gawin mga tao ngayo kundi maging palitaw?

"Ay? May bago pala tayong barista dito? Nice! Gano ka na katagal dito?" Tanong ni Vhong sa kanya.

"Mga 7 minutes ago pa lang, Sir Vhong. Oorder po ba kayo o magkakainterview portion po tayo dito?"

Natawa naman ako hahaha. Hinayaan ko na lang sila magtanungan sa tabi ko.

"Sige na! Dun ka na! Gawin mo na order ko." Pagsukp ng kanina lang ay pinagtitripan ako.

"Naubos energy mo?" Tanong ko kay Vhong na di ko man lang siya binigyan ng tingin pero alam na alam kong naubusan siya doon sa babae na 'yon.

"Taas ng energy, Brad. Mas mataas pa sa kanya."

Natawa na.an ako doon. Hahahaha. Totoo naman din kasi.

Ilang saglit pa ay dumating na rin ang pinagtalunan ni Jaki at Vhong.

"O ayan na. Bayad mo? Walang libre libre dito." Pagsusungit ng kaibigan namin nang ibaba nito ang kapeng order ni Vhong.

Di talaga sya nagbago sa mga kasungitang taglay.

*****
Short update lang.

Kung may typo sorry antok na antok na ko.

Good night.

PANSAMANTALA (ViceJack)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum