Chapter Five: Yes or Yes ( A collaboration of two chapters.)

7 2 0
                                    


" Rayle gising na, nandito na tayo!" idinilat ko ang mga mata ko. Naamoy ko na agad ang pollusyon sa lugar na ito. Malamang nasa siyudad nako. Bumungad sakin ang maamong mukha ni kian!

Nginitian ko nalang ito. Bumaba kami sa kotse nya. May sarili itong kotse, at nakatago lang ito sa bahay nila sa batanggas. Iwan ko dinala nya rito eh. Para daw na maging komportable ang byahe ko.

Pagkababa ko, bumungad sakin ang di kalakihan na bahay. Ito na siguro ang sabi nya na bahay daw nya dito sa maynila. Hindi muna ako umuwi. Makikituloy muna ako sa kanya.

Tinawagan pala ako ng kompanya ng pinagtatrabahuan kong Call center agents. Nagalit ito dahil sa hindi nako umaatend. Eh! Sa busy schedule eh. Di ito nakinig kahit ano pa ang paliwanag ko bagkus ay tinanggal ako sa trabaho. Ang sakit talaga! Huhuhu!

"Lika na rayle, alok nito. Hinawakan lang nito ang kamay ko at sabay na kaming pumasok sa loob.

Maganda at maaliwalas ang loob nito. Malinis. Inayos muna namin ang aming mga kagamitan sa loob ng kwarto.

" Anyways rayle, pupunta nako sa kompanya ngayun! May photoshots kami! Sama ka? Tutal wala ka namang gagawin ngayun eh!" tanong nya habang tinutupi ang mga damit. Napaisip ako, samahan ko nalang kaya siya. Ano mamang gagawin ko rito eh wala naman akong ibang gagawin. Ahh! Ang labo!

" Sige! Sama ako!" sagot ko sa kanya. Nginitian nya nalang ako saglit bago itinabi ang tinutuping mga damit. Hinalikan nya ko sa labi. Nagrespond lang ako.

Napatigil lang ito ng tumunog ang phone nya sa kanyang bulsa.

* Kringgg!

" Sh*t! " Aniya sa pagkabitin. "Sagutin ko lang ah? Sandali lang! " Tumango lang ako bilang pahintulot. Lumuyo ito sakin at sinagot ang tawag nya. Patuloy lang ako sa patupi ng mga damit ng nagmamadali itong lumapit sakin.

" Sh*t! Rayle we need to go. They've already started the photoshoot! Dammit!" He murmurs!

Nagbihis nalang kaming dalawa ng disenting damit. Ng paalis na kami, nakita ko si Raian na naglalaro ng bola sa sofa. Natawa nalang ako saglit sa kanya.

" Wait lang kian ah! Papakainin ko lang si Raian!" sabi ko at tumango lang ito sabay tingin sa kanayang relos.

Kumuha ako ng makain nito sa apartment nitong kusina. Anyways, Raian ang ipinangalan namin rito. Combination of our names. Umalis na kami ng bahay pagkatapos ko itong pakainin.

***

" Fuck! Why are too late Kian Velasquez???" malakas na sigaw ang bungad samin nong lalaking malaki ang tyan at may bigote. Ito siguro ang photographer nila. Masyadong bossy ah!

" Pasensya na po ginoong Santos. Natagalan po kami saming byahe!" magalang na paghingi ng tawad ni Kian sa tinatawag ng ginoong santos.

Umismid lang ang huli, nagawi naman ang tingin nito sa akin. Napayuko lang ako.

" At sino naman tong kasama mo?" pagtatanong nito. Lagot! Anong isasagot ko dito. Nanatili parin akong nakayuko. Ayokong tingnan ito. Base sa impressyon ko sa taong ito. Masungit at masyadong bossy.

" Sya po si Rayle Garcia.. Hmm! Isinama ko lang sya rito para naman po na may pagkakaabalahan sya. Tiningyan nya lang ako bago umirap. Isa nalang at babatukan ko na talaga ang gagong ito. Kala mo naman babae kung umasta!

" Siguraduhin mo nalang na di yan istorbo rito ah!" naglakad na ito papasok sa silid. Napako ang tingin ko sa mga naroon. Mga lalaking half-naked ang mga ito sa gitna. Habang may mga nakapaligid naman na camera sa iba't ibang sulok.

" Relax Rayle! Relax!" sabi ni kain bago hinawakan ang kanan kong kamay at hinila sa loob. Kinakabahan man ay tumuloy ako, alangan namang magpaiwan ako sa labas. Nah! No way.

I Fancy You Mister ALLASTON ALVAREZ!     BOOK 1 (RED ROOM SERIES)Where stories live. Discover now