Behind: I

1.7K 21 2
                                        


Chapter One

Hindi mapakali si Reagan dahil sa naubos na naman ang sahod niya mula sa kanyang part time job at kinakailangan pa niyang magbayad ng bill sa kuryente dahil kung hindi ay baka maputulan na sila. Naiinis na naman siya. Lagi siyang bad trip kapag wala siyang pera dahil iyon lang ang tanging nagpapasaya sa kanya.

"'Nak, eto oh, may naitabi ako mula sa mga ibinibigay mo sa 'kin kapag sumasahod ka, gamitin mo na pangbayad. Sakto na 'yan," ani ng kanyang ina na kapapasok lang sa bahay nila. Gusto mang isipin ni Reagan na talagang galing ito sa inipon ng nanay niya ay mas nanaig sa isip niya na inutang lang nito iyon mula sa kapitbahay nilang si Aling Michelle, iyon lang naman ang nagpapautang dito sa kanilang maliit na compound.

Pero imbes na tanggihan ay kinuha niya na lamang dahil wala siyang choice, kung mag iinarte pa siya baka maputulan pa sila. Saka niya ka lang iisipin ulit ang pride niya.

"'Nay, huwag na ho kayong magsinungaling sa 'kin. Pero sabihin niyo po kay Aling Michelle na sa kinsenas ay babayaran ko ito. Kinapos lang ho talaga ako ngayon dahil kinailangan kong bumili ng libro para sa isang subject namin sa school, sige ho," tugon niya bago kinuha ang backpack niya at lumabas na dahil may pasok pa siya sa school.

Pangalawang taon niya na sa college at Architecture ang kinuha niyang kurso kahit alam niyang magastos ang kursong napili niya. Mababawi niya naman iyon kapag naging lisensyadong architect na siya. Minsan nga ay parang mababaliw siya dahil sa course na napili niya pero ginusto niya 'to kaya magtiis siya. Napapatanong na lang siya minsan kung worth it ba talaga na ito ang inaral niya pero wala na siyang choice dahil hindi na siya pwedeng mag back out.

Habang naglalakad patungo sa unibersidad na pinapasukan niya ay nakasalubong niya ang isa sa mga kaklase niya sa ilang mga subject, si Naji. Kaibigan niya ito pero hindi sila close na close. Ayaw nga ng kapatid nito na lumapapit si Naji sa kanya dahil mahirap daw siya. Kaya madalas ay nag aaway sila ng kuya nito

"Uy, Reagan! Hi!" Bati ni Naji sa kanya nang nakalapit na ito sa kanya. Iniangkla nito ang braso sa braso niya. Naji is a sweet lady and nice friend but Reagan can't really get close to her because of Naji's brother. Mainit ang dugo nila sa isa't isa, hindi niya rin malaman kung bakit.

"Hi, bakit naglalakad ka ngayon, hindi ka sumabay sa sasakyan ng kuya mo?" tanong niya rito saka pinayungan din ito gamit ang dala niyang payong. Mainit kasi at naiirita siya kapag ganoon dahil madali siyang pagpawisan.

"Ayokong sumabay kay Kuya Nate, hindi kami bati dahil inubos niya yung gawang sandwich ni Mommy," parang batang nagsusumbong ito sa kanya. Napatawa naman siya ng mahina dahil doon.

BehindWhere stories live. Discover now